Kung saan, sobra-sobra na ito sa inaasahan para sa 2012
target tourist arrival sa Boracay.
Dahil kung isang milyon ang target para sa taon ng 2012, nalampasan
na ito at sumobra pa.
Sapagkat umabot sa 1, 206,052 ang lahat ng turista na
naitala hanggang nitong ika-31 ng Disyembre.
Mas mataas ngayong taon ang naitala ng 33% kung ikukumpara
sa record noong pagtatapos ng taong 2011 na may kabuoang bilang na 908, 874
turista lamang.
Nabatid mula kay Malay Municipal Tourism Chief Operation
Officer Felix Delos Santos na mga Koreans parin ang nangu-nguna sa listahan sa nasyonalidad
ng pinakamaraming dumayo dito na umabot sa 156, 445.
Sinundan ito ng Taiwanese na umabot ng 92, 009 at ika-tatlo
ang Chinese na 82, 358.
Habang ika-apat naman sa listahan ang lahi ng mga Kano na
umabot sa bilang na 18, 283, segunda ang Russia, Australia, United Kingdom (UK),
Hongkong, Germany at Japan.
Ang sampung nabanggit na bansa ang pangunahing naging bisita
ng Boracay sa loob ng isang taon, sa taong 2012. #ecm012013