YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 16, 2016

Publiko pinaalalahanan sa mga natatagpuang pawikan sa baybayin ng Boracay

Posted April 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for denr boracayPina-alalahanan ngayon ng Department of Environmental and Natural Resources o (DENR) ang mga residente sa Boracay tungkol sa mga napapadpad na pawikan sa baybayin ng isla.

Ayon kay Eco Management Specialist Ramil Marin ng CENRO Boracay, kung makakakita umano ng pawikan o malalaking isda sa dalampasigan ay huwag muna itong hawakan bagamat itawag muna ito sa kanilang himpilan upang agad na masuri.

Nabatid na ang mga pawikan mano ay dumadaan sa mga ibat-ibang karagatan kung saan sinasabi nito na target nila ang mga coral reefs na tambayan kung saan ito ang source ng kanilang pagkain.

Maliban dito, kung magustuhan at kampanti sila sa lugar ay dito na umano sila tumitigil at maninirahan.

Samantala, maganda naman umanong balita ang nakitang pawikan kamakailan sa isla dahil isa itong sinyales na posibleng malapit lang ang kanilang tinitirahan sa isla.

Huling session ng Malay bago ang eleksyon ngayong Martes na

Posted April 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ngayong Martes na ang huling Session ng Sangguniang Bayan ng Malay bago ang halalan sa Mayo 9, 2016.

Ito ay base sa napagkasunduan ng buong konseho para bigyang daan ang pangangampanya ng mga kandidatong kasama sa eleksyon.

Dahil dito, lahat ng mga nakabinbing usapin na hindi pa natapos at naaprobahan ay tatalakayin na ngayong Martes.

Maliban dito ito na rin ang huling pagdalo sa session ni SB member Rowen Aguirre na siyang chairman of committee on Laws dahil sa pagtatapos ng kanyang termino.

Samantala, ang naturang kasunduan ay tinawag na recess kung saan nakatakda na ang susunod na session matapos ang halalan at inaasahang pagbabago ng grupo ng konseho.

Ilang poster ng mga kandidato sa bayan ng Malay nasampulan ng “Oplan Kakas” ng Comelec

Posted April 16, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for oplan kakas ng comelec
Marami-rami na rin ngayon ang mga nabaklas na mga poster at campaign materials ng mga kandidato ang Commission on Elections (Comelec) Malay.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na “Oplan Kakas” ng COMELEC kung saan karamihan sa mga binaklas ay ang mga poster na nakapako sa punong kahoy at sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay COMELEC Provincial Information Officer Chrispin Raymund Gerardo at natakalaga ngayon bilang Comelec Officer ng Malay nasimulan na umano nila ang pagbabaklas sa ibang lugar sa nasabing bayan.

Sinabi nito na inuna nila ang mga nasa shoreline dahil pangit umano itong tingnan sa mga mata ng mga dumaraang turista.

Samantala, ipagpapatuloy naman umano nila ang kanilang “Oplan Kakas” sa Caticlan hanggang sa isla ng Boracay sa susunod na linggo.

Nabatid na ipinagbabawal na maglagay ng mga poster sa patrol cart, waiting shed, tulay, side walk, government agencies, public utility vehicle at motorsiklo.

Pool Attendant, kulong matapos maligo sa banyo ng mga guest ng walang paalam

Posted April 16, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong in englishKulong ngayon ang isang Pool Attendant matapos maligo ng hubot-hubad sa banyo ng guest sa isang Club House sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay ng walang paalam.

Ayon sa blotter report ng Boracay PNP, naka-tanggap umano ng reklamo ang Security Officer ng Club House na naliligo ang suspek na si certain “Roy” sa loob ng banyo ng mga guest.

Agad naman umanong pinuntahan ng security officer ang lugar at nakita niya dito ang suspek na walang damit na naliligo at pabalik-balik na naglalakad sa loob ng banyo kung saan nagdala ito ng kaba sa mga guest.

Dahil dito, idinulog naman ang reklamo sa Boracay PNP kung saan ang suspek ngayon ay pansamantalang iki-nustodiya dahil sa kanyang nagawang kasalanan.

Friday, April 15, 2016

Aklan Piña and Fiber Festival 2016, aarangkada na ngayong Huwebes

Posted April 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Bibida nanaman ang mga pruduktong Aklanon dahil sa gaganaping Aklan Piña and Fiber Festival sa Abril 21, 2016 sa Capitol Site Kalibo, Aklan.

Nabatid na ang isang araw na exhibit na ito ay mag-uumpisa ng alas-9 ng umaga hanggang alas- 8 ng gabi.

Samantala magiging panauhing pandangal naman sa gaganaping programa rito sina Engr. Roy Abaya, Regional Executive Director at Department Of Agriculture Region 6 at Rebecca Rascon OIC- Regional Director ng Department of Agriculture Region 6 at mga mga opisyal ng gobyerno ng Aklan.

Maliban dito, ang nasabing exhibit ay proyekto ng Department of Trade and Industry (DTI), Hugod Aklanon Producers Association Inc., sa pakikipag-tulungan sa Provincial Government ng Aklan at Philippine Fiber Industry Development Authority.

Aklan Provincial Rescuelympics 2016, kasado na

Posted April 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Kasado na ang isasagawang Aklan Provincial Rescuelympics ng Governors Cup na gaganapin sa Calangcang Sports Complex, Makato Aklan sa Abril 20, 2016.

Ito ay sasalihan ng MDRRMO mula sa ibat-ibang bayan sa probinsya.

Ang nasabing kumpetisyon ay inorganisa ng Provincial Government ng Aklan at ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMO na ginagawa taon-taon bilang isa sa mga pagsasanay o paghahanda sa ibat-ibang kalamidad na maaaring manalasa sa probinsya.

Mga pulis at civilian kinalampag ni PSSUPT Jamili sa pagsuot ng helmet

Posted April 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for helmet sa motor
Photo by: bitagtheoriginal.com
Kinalampag ngayon ni Aklan police officer in-charge PSSUPT John Mitchell Jamili ang mga pulis at civilian sa pagsusuot ng helmet.

Ayon kay Jamili, dapat umanong sundin ng mga motorista at ng mga pulis ang umiiral na batas dahil para din umano ito sa kanilang kaligtasan.

Nabatid na ito ay may kaugnayan sa “OPLAN Mag-ingat Ka Mahal” or No Helmet, No Travel Policy, ng PNP kung saan iginiit pa nito na kahit sila umanong mga law enforcers ay hindi exempted sa batas na ito.

Samantala, ipinag-utos na rin umano nito sa mga Chiefs of Police sa mga municipal police stations sa probinsya na paalalahanan ang kanilang mga tauhan tungkol sa administrative case na maaaring kakaharapin sa hindi pagsusuot ng helmet kabilang na ang mga civilian. 

Eroplano sa Kalibo International Aiport, pumutok at nagliyab ang gulong

Posted April 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Aksidenting sumadsad ang eroplano ng South East Asian International ng Sea Air RP-C5323 sakay ng mga turistang Koreano mula sa Seoul, South Korea na papuntang isla ng Boracay.

Wala namang nasaktan sa nangyaring insidente kung saan umapoy at pumutok umano ang gulong nito sa kanang bahagi ng eroplano.

Agad namang ni-respundihan ng Bureau of Fire Protection ang lugar, subalit naantala rin ang kanilang pagtulong dahil sa aksidente ring nahulog ang gulong ng sasakyan nito sa kanal.

Sa ngayon, hindi pa malaman ang dahilan ng aksidente.

Sari-sari store sa Boracay, nabiktima ng kawatan

Posted April 15, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for robberyNanlumo ang lalaking nag-sumbong sa Boracay PNP matapos umanong mabiktima ang kanyang sari-sari store ng kawatan sa Sitio Hagdan Brgy.Yapak, Boracay.

Ayon sa blotter report nakilala ang biktima na si Ruben Coloma 54-anyos residente ng Sitio Diniwid, Brgy. Balabag.

Sa report nito sa Boracay PNP, papasok na umano siya sa kanyang tindahan ng madatnan niya  ang kanyang paninda na nakakalat na at ang plywood sa likurang bahagi ng tindahan ay nasira.

Sa pag-susuri naman ng biktima sa loob ay dito niya napansin na ang kanyang piggy bank na nag-lalaman ng mga barya na kinita mula sa tindahan ay nawawala na kung saan may laman itong nagkakahalaga na P3, 500.

Samantala, base naman sa salaysay ng land lady ng biktima ay may nakita umanong pumasok ang kanilang kapitbahay sa loob ng tindahan na hindi naman nito nakilala.

WVRAA over-all champion sa Paralympics ng Palarong Pambansa 2016

Posted April 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ang West Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) ang tinanghal na over-all champion sa Paralympics ng Palarong Pambansa 2016 na ginanap sa Albay City.

Ito ay base sa inilabas na resulta ng kinatawan ng naturang Palaro at base na rin sa kumpirmasyon ni Malay District Supervisor Jessie Flores.

Nabatid na nakakuha ng 15 Gold ang WVRAA, 11 Silver at 8 na Bronze sa larangan ng ibat-ibang laro para sa may mga kapansanan.

Samantala ang Malaynon Athlete naman na si Edwin Villanueva ang tinanghal na overall champion sa Palarong Pambansa 2016 sa swimming special events kung saan naging Gold Medalist siya sa Breaststroke, Backstroke at sa Freestyle.

Matatandaang naging inspirasyon si Edwin sa mga manlalaro matapos niyang ibahagi ang kwento ng kanyang buhay sa himpilang ito, kung saan hindi naging hadlang ang kanyang kapansanan dahil sa pareho nitong putol na paa para maging isang magaling na manlalangoy.

BIR Aklan nag-paalaa sa deadline ng ITR filing ngayong araw

Posted April 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for bir itrNgayong araw na ang huling deadline para sa pag-file ng income tax returns sa Bureau of Internal Revenue (BIR) offices.

Ayon sa BIR Aklan, hanggang ala-5:00 lang ng hapon bukas ang kanilang tanggapan kung kayat dapat umanong magtungo rito ng maaga upang makahabol at maiwasan ang penalty.

Nilinaw naman ng BIR na kung hindi makakahabol sa deadline ay puwedi naman silang magbayad ngunit may ipapataw na penalidad, interest at surcharges.

Nabatid na ang whole year target ng BIR ay P2.03 trillion kung saan 40 percent itong mas mataas kumpara sa collection goal noong 2015.

Thursday, April 14, 2016

Fiesta de Obreros ng Malay, hindi muna magaganap ngayong taon

Posted April 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Wala muna umanong magaganap na contest ngayong taon ang Fiesta de Obreros sa bayan ng Malay sa Mayo 1, 2016.

Ayon kay Malay Tourism Receptionist 2 at In-charge for Culture Arts and Special Event Rex Aguirre, hindi muna umano matutuloy ang pa-contest sa mga kabataang sasali sa Fiesta de Obreros dahil sa problema sa budget.

Aniya, bagamat walang magaganap na contest ay magkakaroon naman sila ng actual presentation sa nasabing petsa kung saan irere-present din nila ito sa gaganaping 60th Aklan day sa bayan ng Kalibo sa darating na Abril 25 ngayong taon.

Samantala, sinabi pa ni Aguirre na bagamat may nakabinbin naman silang budget para sa Drum at Lyre competition ay makikipagpulong umano sila sa mga guro ng mga estudyanteng lalahok kung sila ba ay preparado dahil narin sa mga sunod-sunod na aktibidad na nangyari.

Cashier ng isang convenient store, ini-reklamo ng pagnanakaw

Posted April 14, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for theftHindi makapaniwala ang supervisor ng isang convenient store matapos nitong maaktuhan ang kanyang staff na nag-nanakaw ng pera sa kanilang kaha sa Station 2 Brgy. Balabag, Boracay.

Sumbong ng nag-rereklamo na si Christy Tubianosa 26-anyos residente ng Lacaron, Sibalum, Antique sa Boracay PNP, naka-duty umano sila ng maaktuhan niya ang suspek na staff na hindi pina-punched ang kanilang produktong ibinibinta. 

Agad umanong pinuntahan ng supervisor ang counter at binilang ang benta kung saan natuklasan nitong nagkulang na ito ng P629.00 at ng sinuri nito ang wallet ng suspek ay nakita nitong meron itong P600.00 na cash.

Dahil dito, kumuha ng pribadong abogado ang may-ari ng convenient store para sa posibleng kaso na isasampa sa suspek.