Posted May 30, 2019
Teresa Iguid, YES THE BEST BORACAY NEWS
DEPARTMENT
Naghahanda na ang muslim community sa Boracay para sa
nalalapit na pagtatapos ng Ramadan o Eid Al-Fitr.
Kasabay ng nalalapit na selebrasyon ng Eid’l Fitr o ang
pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno ay ibinahagi ni Sec. Najeb Apal ng
Boracay Muslim Community ang kahalagahan ng Ramadan.
“Ang Ramadan ay hindi lamang pag-aayuno kundi ang
pagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng muslim gayundin ang aral na
mahigpit na ipinagbabawal sa isang mananampalatayang muslim na makapag salita o
makagawa ng ano mang makakapagpahamak sa kapwa."
Ito ang paliwanag ni Apal kung saan ang pagdiriwang umano
ng Eid’l Fitr ay napakahalaga bilang isang mananampalatayang Islam.
Isa aniya itong malaking selebrasyon na nagsisimbolo ng
tunay na pagkakaisa, pagmamahalan at pagpapakita ng magandang dulot ng
pag-aayuno sa buwan ng Ramadan.
Bilang bahagi ng naturang okasyon, sila ay maaga pa
aniyang magdarasal kasama ang kanilang mga lider na syang nagsisiwalat ng
pagkakaroon ng pagpaptawad at pagkakaisa ng lahat.
Dagdag pa nito, bilang bahagi ng selebrasyon, sila
aniya’y nagkakatay (tulad ng kambing o baka) na susundan ng kasiyahan matapos
ang pagdadasal ng mga Islam.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ng pag suporta sa
kung ano ang tama si Apal sa kaniyang kapwa muslim sa Isla ng Boracay.
Kasabay sa selebrasyon na ito ay idineklara ni Pangulong
Duterte na holiday ang June 5.