Inna Carol
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Nais ngayon ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron
na amyendahan ang kontratang pinasok at pinirmahan sa pagitan ng ECOS Sanitary
Landfill and Waste management Corporation at ng LGU Malay.
Ito aniya ang paraan para hindi mabaon sa utang ang Malay
lalo’t hindi sapat ang taunang budget ng LGU para sa solid waste management.
Umabot na kasi sa P 93 million ang bayarin ng LGU-Malay
sa ECOS sa kalahating taon na paghahakot ng basura sa isla papuntang Sanitary
Landfill sa Brgy. Kabulihan.
Apela ng konsehal, kung maaari umano ay ipahinto muna at
amyendahan ang kontratang pinirmahan dahil nasa labing-limang taon pa ang
itatagal nito.
Ayon naman kay SB Secretary Concordia Alcantara, sinabi
ng COA na hindi umano applicable ang PPP na ginamit ng LGU sa kontrata bagkus
dapat idinaan ito sa bidding process.
Samantala, ayon kay Oliver Zamora ng ECOS, legal ang
15-years na kontrata, “entered with good faith”, at inaprobahan mismo ng
Sangguiniang Bayan ng Malay.
Ayon pa kay Zamora, posibleng ikonsulta nila ang usapin
sa kanilang legal team para maayos na ito.
Nakatakdang pag-usapan ang isyu sa ikakasang committee
hearing kasama ang SB Committee on Environment and Laws kasama representante ng
ECOS sa susunod na linggo.