YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 12, 2013

Aklan Government at LGU Malay, todo handa para sa Arrival ng Cruise ship sa Huwebes

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Todo handa na ngayon ang Aklan government at LGU Malay para sa pagdating ng MS Superstar Gemini sa Oktobre Disi-siyete sa karagatan ng Boracay.

Kung saan isang meeting na naman ang isasagawa ulit ng Jetty port Administration sa darating na Martes sa isla ng Boracay.

Una ng sinabi ni Boracay DOT Officer In Charge Tim Ticar na plantsado na ang pagdating ng nasabing cruisehip.

Aniya, umaasa silang magiging matagumpay ang nasabing aktibidad na ito.

Nabatid na ang pag-uusapan para sa meeting ay ang mga maaaring manyaring hindi inaasahang problema sa pagdating ng barko.

Ilan naman sa mga stakeholders ng Malay at Boracay ang unang pinulong ni Aklan Governor Joeben Miraflores para sa mga gagawing paghahanda para dito.

Ang MS Superstar Gemini ay may sakay na isang libo at isang daang travelers at mahigit siyam na raan na mga crews na kinabibilangan ng tatlong daan at limampung Filipino.

Sa ngayon, halos all set na din ang iba pang kakailanganin para sa mga sakay ng cruise ship na pupunta sa Boracay para mag island hopping at mag shopping sa loob ng ilang oras.

Unang araw ng pag-file ng COC sa Malay dinagsa ng mahigit 130 aplikante

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Dinagsa ng mahigit 130 aplikante ang unang araw ng pag-file ng Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (COMELEC) Malay.

Ito ay para sa nakatakdang 2013 Barangay Elections, kung saan ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig.

Anim na sa tumatakbong kapitan ang nakapag-file para sa isla ng Boracay at tatlo naman ang para sa Caticlan.

Sa isla ng Boracay, dalawa ang kinumpirma ni Cahilig na maglalaban para sa pagkakapitan sa Barangay Manoc-manoc.

Ito ay sina incumbent Brgy. Capt. Abram Sualog at dating Brgy. Capt. Joel Gelito.

Wala namang makakalaban si Capt. Lilibeth SacapaƱo sa Barangay Balabag, habang, magiging magkatunggali sina Brgy. Capt. Hector Casidsid, dating Brgy. Captain Anselmo Casidsid, at dating Brgy. Kagawad Menirva Sicoy.

Para naman sa Caticlan, nanguna sa pag-file sina Brgy. Capt. Juliet Aron, Incumbent Brgy. Kagawad Virgie Reyes, and Ernesto dela Torre.

Samantala, nagsimula ang pag-sumite ng COC kahapon at nabatid na hanggang Octobere 17 lamang ng alas singko ng hapon ang huling araw sa pag-file nito.

Iginiit naman ng COMELEC na walang magiging extension sa paghahain ng COC sa mga nagnanais kumandidato.

Kaugnay nito, muling nagpaalala ang COMELEC na bukas lamang ang kanilang tanggapan mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon.

Magsisimula naman ang pangangapanya sa Oktobre 18.

PHO, nakatutok sa sakit na leptospirosis sa Aklan, Dengue bumaba

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakatutok ngayon ang provincial health office (PHO) sa kaso ng leptospirosis na posibleng tumama sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Aklan Provincial Health officer Dr. Victor Sta. Maria, bagama’t hindi karamihan ang mga nabiktima nito ay patuloy parin ang kanilang isinasagawang pag-momonitor.

Kaugnay nito nagpalabas naman ng leptospirosis alert ang Department of Health sa bansa dahil sa pagdami ng sakit na ito na ikinasawi ng maraming tao.

Sa kabilang banda sinabi pa ni Sta. Maria na mas bumaba ngayong taon ang kaso ng sakit na dengue kumpara nitong 2012.

Aniya, hindi naman maiiwasan ang ganitong klase ng sakit lalo na’t sa panahon ng tag-ulan.

Hindi din umano ganoon karami ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan sa bayan ng Kalibo.

Samantala, inaasahan naman nito na ngayong papasok ang tag-init ay hindi na madadagdagan pa ang naitala nilang kaso ng dengue.

Kaso ng HIV sa Aklan, tumaas ngayong taon ayon sa PHO

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Lalo umano ngayong tumaas ang kaso ng Human immunodeficiency virus (HIV) sa Aklan kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay Aklan Provincial Health officer Dr. Victor Sta. Maria, umabot na sa dalawamput walo ang kanilang naitalang kaso ng HIV kumpara noong 2012 na umabot sa dalawamput apat.

Mayroon umanong satellite treatment ang Aklan provincial hospital na mula pa sa probinsya ng Ilo-ilo.

Aniya, ito ang kanilang ginagamit para sa mga gustong magpatingin kung sila ay positibo sa sakit na HIV.


Wala umanong sintomas ang sinumang mag-popositibo sa nasabing sakit hanggat ito ay hindi nagpapakunsulta sa doktor.

Dagdag pa ni Sta. Maria may pagkakaiba ang HIV sa Aids dahil ang Aids umano ay nakikitaan ng ibat-ibang sintomas kumpara sa HIV na positibo lamang sa sakit na ito.

Samantala, mayroong umanong Anti Retroviral drugs na nabibili sa ospital na maaaring inumin para maibsan ang sakit.

Hinimok naman ngayon ng PHO ang mga taong may pagdududa sa kanilang sarili tungkol sa nasabing sakit na magpatingin agad sa doktor para maiwasan ang malalang inpeksyon.

Friday, October 11, 2013

Filing ng COC para sa Brgy. at Sk election, nagsimula na ngayong araw

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagsimula na ngayong araw ang filing ng certification of candidacy (COC) para sa mga tatakbong kandidato sa Baranggay election ngayong Oktobre.

Ayon kay Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig, preparado na sila sa posibleng pagdagsa ng mga mag-papa file ngayong araw hanggang sa Huwebes ng hapon.

Iginiit naman ngayon ng Commission on Elections (Comelec) na walang magiging extension sa paghahain ng COC sa mga nagnanais kumandidato.

Nabatid na hanggang Octobere disi-siyte lamang ng alas singko ng hapon ang huling araw ng deadline sa pag-file ng CoC. 

Muli namang nag-paalala ang Comelec sa mga kandidato na nakag-file na ng certificate of candidacy na hindi pa puwede ang mangampanya dahil sa Oktobre disi-otso pa magsisimula ang campaign period.

Samantala, pinaalalahan naman ng Comelec Malay na bukas sila sa mga magpapa-file ng COC simula alas-otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Tamang pagtapon ng basura ibinahagi ng PCG sa mga paaralan sa Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Hindi lamang sa pagrerescue magaling ang mga kawani ng Philippine Coastguard (PCG).

Katunayan, nitong nagdaang myerkules nagsagawa sila ng lecture on responsible garbage disposal sa Balabag Elementary School kung saan nilahukan ng 68 na mga estudyante at apat na mga guro.

Masayang ibinahagi ng Philippine Coastguard sa mga estudyante at mga guro ang tamang pagtapon ng basura.

Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa kanilang pagdiriwang ng 112th PCG Anniversary  kung saan ayon kay Boracay sub-station commander, PO1  Arnel C.  Zulla.

Hindi lamang sa pagrerescue ang kanilang focus kundi tinutulungan din nila ang mga mamamayan sa ibang mga bagay tulad ng pagbabahagi ng mga kaalaman na makakatulong din sa komunidad.

Dahil sa kawalan ng disiplina sa kalsada, tricycle at habal-habal nagbanggaan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aminado ang driver ng habal-habal na may pagkakamali sya sa kanyang pagmamaneho.

Ito ay matapos nyang makabanggaan ang isang tricycle sa  So. Tulubhan, Brgy. Manoc-Manoc, Boracay kahapon ng tanghali.

Nakilala ang driver ng habal-habal na si Virgilio Punay, 34, residente ng Navotas City at presenteng naninirahan sa Brgy. Manoc-manoc Boracay, samantala nakilala naman ang driver ng tricycle na si Wilson Belarmino, 29 anyos.

Ayon sa imbestigasyon ng Boracay PNP, naganap ang aksidente matapos na mang-agaw umano ng linya ang nasabing habal-habal.

Samantala, ang nasabing aksidente naman ay nagdulot ng pinsala sa mga nabanggit na sasakyan, habang nagtamo rin ng injury ang pasahero ni Punay na isang OFW.

Ang nasabing kaso ay ipinagkatiwala naman sa Brgy. Justice System ng nasabing Barangay.

Bilang ng mga lumabag sa ipinapatupad na gun ban sa Aklan, umabot na sa pito

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umaabot na sa pito ang mga nahuling lumalabag sa ipinapatupad na nationwide election gun ban sa Aklan.

Ayon kay Aklan Police Provincial Office (APPO), information officer PO3 Nida Gregas.

Nangunguna parin ang mga sibilyan na lumalabag dito magmula nang ipatupad ang nasabing ordinansa noong Setyembre 28.

Sa listahan ng APPO, anim ang nakumpiskang baril at isa naman ang bladed weapon.

Tiniyak ng APPO na mas pinalakas nila ang kanilang paghahanda lalo na’t nagsisimula na ang campaign period para sa local candidates.

Sa kabilang banda, ipinapaalala rin sa mga kapulisan na sa panahon ng gun ban, suspendido ang kanilang mga permit sa pagdadala ng armas sa labas ng kanilang bahay maliban na lamang sa mga sundalo.

DOT, may paaalala sa mga padyak operators

Ni Christy dela Torre, YES FM Boracay

Hindi lamang ang mga tricycle sa isla ng Boracay ang tinatangkilik ng mga turista, kundi maging ang mga trisikad o padyak.

Katunayan, kapansin-pansin na nag-i-enjoy din ang mga turistang sumasakay dito.

Ngunit ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, dapat ding mag-ingat ang mga may-ari o nagmamaneho ng padyak.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Ticar na huwag silang makisabay o makihalubilo sa mga ibang sasakyan lalo na kapag traffic.

Dapat din umanong ingatan at alagaan ang mga padyak na kanilang ginagamit, dahil hindi maganda sa paningin ng mga turista kung makikita nilang hindi man lang name-mintina ang kalinisan ng kanilang mga padyak.

Samatala,karagdagang hiling lamang ni Ticar sa mga ito, na huwag naman umanong pabayaan ang seguridad ng mga bisita, lalo pa nga’t ang buhay ng Boracay at Malay ay nakasandal sa mga turista.

Kung kaya’t nararapat lamang aniya na ibigay ang makatotohanang serbisyo sa mga ito.

LTO, sinanay ang mga police at traffic enforcers para sa breathalyzer machines

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinanay ng mga taga Land transportation office (LTO) ang mga police at traffic enforcers sa paggamit ng gadgets katulad ng breathalyzer machines sa buong Region 6.

Ito ay kaugnay sa panibagong batas na pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang Mayo bente siyete.

Basi sa nakalap na impormasyon sinabi ni LTO Regional Director Dennis Singson sa kaniyang pagbisita sa Bacolod City na nagsimula na itong ipatupad noong Setyembre bente uno.

Napag-alaman na sinabi nitong magsasanay ang mga police at traffic enforcers kung paano gamitin ang gadgets katulad ng breath analyzer machines at kung paano mag-conduct ng sobriety test.

Sasanayin din ang mga law enforcers kung paano malalaman ang legal Blood Alcohol Content o Concentration (BAC) ceiling.

Ang nasabing BAC ay ratio ng alcohol sa dugo at sinusukat ng breathalyzer.

Ikinatuwa naman ng LTO Aklan ang bagong batas na ito na malaking tulong sa kanila para mabawasan ang mga aksidente na nangyayari sa pagmamaneho ng lasing.

Mga Snatchers na minor de edad, problema parin sa isla ng Boracay

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Problema parin sa minor de edad ang laman ng blotter report ng Boracay PNP ngayon.

Ito ay matapos na meron na namang kaso ng pagnanakaw at pagsa-snatch di umano sa sa ilang mga turista sa isla.

Ayon sa report ng Boracay PNP, nagbabantay ang mga suspek sa front beach ng Boracay at tsaka hahablutin ang mga bag at ilang mga gamit ng kanilang mga magiging biktima.

Isa na sa mga nabiktima nito ang isang babae na habang naka-upo sa front beach ng station 3 Manoc-manoc Boracay ay may biglang lumapit sa kanya na anim na mga minor de edad na lalaki at hinablot ang kanyang bag.

Matatandaang, isa sa mga pangunahing problema ngayon sa isla ay ang kaliwa’t-kanang nakawan, kung saan karaniwang sangkot ang mga kabataan.

Samantala, ayon naman sa Boracay PNP patuloy nilang tinutukan ang mga ganitong kaso lalo na’t isa ito sa mga nakakasira sa isla ng Boracay.

Thursday, October 10, 2013

Ilang kabataan sa Aklan, tutol sa pag-abolish ng Sk election

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tutol ang ilan sa mga kabataan sa probinsya ng Aklan sa pag-abolish ng Sk election ngayong nalalapit na halalan.

Ayon kay Aklan Sk Provincial Federation at Regional Director for Western Visayas President Bob Augusto F. Legaspi.

Tanggap nilang mga Sk na magtatapos na ang kanilang termino ngayong taon pero hindi umano nila matatanggap na ma-aabolish na ito.

Nanghihinayang umano siya sa pagkatanggal ng Sk dahil may malaking papel din naman itong ginagampanan sa bansa.

Dagdag pa ni Legaspi marami narin ang kanilang napag-daanang training na nakatulong sa kanila bilang leader ng mga kabataang pinoy.

Ilan umano sa kanilang ginawa ay ang pagkakaroon ng mga lakbay aral na nakahubog sa kanila bilang responsabling kabataan at kung paano mamuno sa mamamayan ng tama at may dignidad sa sarili.

Matatandaan na nito lamang buwan ng Setyembre ay nagkaroon ng Sk Regional End-Term Congress  sa Boracay para talakayin ang nasabing usapin.

Samantala, mismong si Senator Bongbong Marcos ang nag-akda ng SK poll postponement na naging ganap na batas matapos lagdaan ni Pangulong Aquino noong nakaraang Oktubre tres.

Breathalyzer machine, gagamitin ng LTO kontra sa mga motorista

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Gagamitin ng Land Transportation Office (LTO) ang Breathalyzer machine para sa mga motorista upang malaman kung ito ay naka-inom o naka-droga.

Ito ay batay sa Republic Act 10586, na iniakda ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Kung saan isang batas ang nagbibigay pinalidad sa mga taong nagmamaneho ng lasing at nakagamit ng droga.

Ayon kay Roy Conte ng LTO Aklan, nito lamang Setyembre bente uno nagsimulang ipatupad ang nasabing batas.

Pero aniya hindi pa dumadating sa kanilang tanggapan ang machine na ito na magmumula pa sa mataas na tanggapan ng LTO.

Dagdag pa ni Conte kung sakaling maibigay na sa kanila ang nasabing machine ay agad na rin nila itong ipapatupad sa probinsya ng Aklan.

Nabatid na isa itong malaking tulong para mabawasan ang nangyayaring insidente kung saan kadalasang inbulbado dito ay ang mga driver na lasing.

Samantala, aabot naman sa dalawang daang libo ang magiging pinalidad nito sa mga mahuhuling driver at kung hindi nila ito mababayaran ay maari silang makasuhan o makulong.

Suspek sa pagpatay sa Ati spokesperson na si Dexter Condez, pinaghahanap parin ng mga otortidad

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Pinaghahanap parin ng mga otortidad ang suspek sa pagpatay sa Ati spokesperson na si Dexter Condez.

Nitong nagdaang Oktubre a uno ay nagpalabas ng warrant of arrest si Judge Domingo Casiple Jr. ng Kalibo Aklan Regional Trial Court Branch 7, para sa suspek na si Daniel Celestino.

Ayon kay Boracay PNP Chief PS/Insp. Joeffer Cabural, agad nilang pinuntahan ang bahay ng suspek sa bayan ng Malinao, Aklan ngunit bigo silang mahanap ang suspek.

Magkaganon paman, patuloy ang kanilang paghahanap kay Celestino partikular na sa mga lugar na maaari nitong puntahan.
Dagdag pa ni Cabural, nakikipag ugnayan narin sila ngayon sa iba pang mga pulis sa probinsya ng Aklan at sa mga kalapit na lugar.

Kamakailan, nagpaabot ng pagkadismaya at kawalang pag-asa ang mga taga Boracay Ati Community matapos mabatid na hindi na mahagilap sa ngayon ang suspek.

Si Dexter Condez ang Ati leader na pinaslang habang papauwi sa kanilang village sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc Boracay nitong nagdaang Pebrero 22.

Dating BFI President Loubell Cann, ihahatid na sa kaniyang huling hantungan ngayong umaga

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ihahatid na sa kaniyang huling hantungan ngayong umaga ang dating presidente ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) na si Loubell Cann.

Ayon sa mga taga BFI magkakaroon ng misa mamayang alas nueve ng umaga sa Immaculate Conception Parish Church sa Batan Aklan.

Nabatid na ilang mga board members ng BFI ang dadalo para sa libing ni Cann at inaasahan naman ang pagdating ni mismong Mayor John Yap ng Malay.

Maliban dito ilan pang malalapit na kaibigan ni Cann mula sa Boracay ang pupunta sa kanyang libing.

Matatandaang binawian ng buhay si Cann nitong Setyembre bente nueve sa sakit na breast cancer sa isang pagamutan sa siyudad ng Maynila.

Marami namang mga pribadong sektor at mamamayan sa Boracay ang nangungulila sa maagang pagpanaw nito lalo na’t may malaki umano nitong kontrobersyon sa isla.

Napag-alaman na naging pangulo si Loubell Cann sa BFI ng dalawang termino at humigit-kumulang sampung taon bilang board of director.

Wednesday, October 09, 2013

LTO Region 6, nagkaroon ng pagsasanay para sa mga MAP sa Boracay at Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nagkaroon ng pagsasanay ang Land Transportation Office (LTO) Region 6 para sa mga Municipal Auxiliary Police ng isla ng Boracay at Malay.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, dito sinanay ng mabuti ang mga Map para lalo pa nilang magampanan ang kanilang ginagawang trabaho.

Aniya, binigyan din umano sila ng permiso ng LTO bilang patunay na maari nilang kunin ang lisensya ng mga motoristang lalabag sa batas trapiko.

Pinagunahan naman ni mismong LTO Regional Director Dennis Singson ang nasabing aktibidad.

Dagdag pa ni Oczon magiging strekto na ngayon ang Map lalo na at nalalapit na ang peak season sa Boracay at ang brgy. election ngayong Oktobre.

Samantala, ginanap naman ang nasabing training nitong Setyembre bente singko at bente sais sa isang resort sa Boracay.

Mga ma-iingay na motorsiklo sa Boracay, bibigyan pansin ng Malay MTO

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Bibigyang pansin ng Malay Municipal Transportation office (MTO) ang mga maiingay na motorsiklo sa isla ng Boracay.

Ito ay kaugnay sa mga reklamo ng ilang turista at mga residente tungkol sa matinding ingay at polusyon na idinudulot ng mga ito.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, Nakikipag-ugnayan na sila sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at sa MAP para masolusyonan ang nasabing problema.

Aniya, 24/7 namang naka antabay ang Malay Auxiliary Police para magbantay sa mga lumabag sa kanilang ordinansa.

Mahigpit din umano nilang ipinagbabawal ang paglagay ng radyo sa mga motorsiklo kung saan pinapatogtog nila ito ng malakas na nakakaagaw atensyon sa ilang motorista.

Dagdag pa ni Oczon kadalasan sa mga may-ari ng maiingay na motorsiklo ay ang mga lasing na driver mula sa ilang mga bar sa Boracay.

Nananawagan naman ngayon ang MTO sa mga taga Boracay na huwag maging pasaway at maging environmental friendly para sa ikakaunlad ng isla.

Awarding Ceremony ng BRTF ngayong araw, ipinagpaliban

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ipinagpaliban ng BRTF o Boracay Redevelopment Task Force ang awarding ceremony para sa mga compliant establishments ngayong araw.

Base sa notice of postponement ng BRTF, itinakda sa ikalima o ikaanim ng Nobyembre ang awarding ceremony sa halip na mamayang alas kuwatro ng hapon.

Ito’y upang bigyang daan ang skedyul ni Under Secretary Ma. Victoria Jasmin ng Department of Tourism National at ang kinatawan ni DOT Sec. Ramon Jimenez.

Ayon parin sa mga taga BRTF, ang mga nabanggit na opisyal ang magiging presentor ng COC o certificate of compliance sa mga establisemyentong lubusang sumunod sa ipinapatupad na 25+5 meter easement sa isla.

Matatandaang itinakda ngayong araw ng BRTF ang pamimigay ng COC sa beach front station 1.

DILG Aklan, wala pang natatanggap na abiso mula kay PNoy tungkol sa natitirang pondo ng SK

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM, Boracay

Wala pang natatanggap na abiso ang DILG Aklan mula kay Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa natitirang pondo ng Sk.

Ayon kay, Aklan DILG LGOO 6 Lynette Urquiola.

Inaantay nalang nila ang utos ng pangulo kung ano ang magiging desisyon nito sa natitirang pondo ng Sk ngayong magtatapos na ang kanilang termino.

Maaari din umanong mapunta nalang ang natirang pera sa pondo ng baranggay kung sakaling walang mapaggagamitang proyekto ang gobyerno nito.

Dagdag pa ni Urquiola na ang ilang budget ng Sangguniang kabataan ay ginamit sa mga trainings, Livelihood project brgy. games dipendi kung ilang porsyento ang kailangan nilang gamitin para sa nasabing mga aktibidad.

Samantala, sinabi naman nito na agad silang magpapalabas ng report sa oras na makapag desisyon ang pangulong Aquino tungkol dito.

Tuesday, October 08, 2013

Mga sira-sirang kalsada sa Boracay ikinabahala ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinabahala ng SB Malay ang mga sira-sirang kalsada sa Boracay lalo na sa area ng brgy. Balabag at Manoc-manoc.

Sa ginanap na Session kanina sa Malay sinabi ni SB Member Jupiter Gallenero na hindi na kagandahan ang ilang mga kalsada sa Boracay.

Kinakailangan na rin umano ito ngayong maayos para maging maganda naman sa paningin ng mga turista lalo’t nalalapit na naman ang peak season.

Dagdag pa ni Gallenero sadyang sira na ang mga bricks na nakalagay sa kalsadang papasok sa may police station mula sa main road at palabas ng front beach.

Sa ngayon nais ipatawag ng SB Malay ang pamunuan ng DPWH pati na ang ilan sa mga opisyales ng nasabing brgy para sa committee hearing sa susunod na Linggo.

Inaalam naman ngayon ng mga konsehal kung may nakalaang pondo ba ang gobyerno sa DPWH para sa mga kalsada sa Boracay gayon din sa LGU Malay.

Samantala, sinabi naman ni SB Member Floribar Bautista na kinailangang tutukang pagandahin ang mga kalsada sa isla at wag lang puro turismo ang pagtuunan ng pansin.

Mga establisemyentong lubusang sumunod sa 25 + 5 meter set back, makakatanggap ng sertipiko

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Makakatanggap ng sertipiko ang mga establisemyentong lubusang sumunod sa 25+5 meter set back sa Boracay.

Nakatakdang ipagkaloob ng mismong mga taga BRTF o Boracay Redevelopment Task Force at LGU Malay ang mga nasabing sertipiko bukas, sa pamamagitan ng isang awarding ceremony.

Ayon sa BRTF, ang unang dalawampu’t-isang establisemyento na fully complied o lubusang sumunod sa set back ang bibigyan ng COC o Certificate of Compliance.

Mahalagang requirement umano sa mga establisemyentong ito ang COC para sa pagproseso ng kanilang mga building permits, zoning, occupancy, at business permits.

Matatandaang binigyan lamang ng LGU Malay ng hanggang ika-dalawampu’t walo ng Agosto ang mga establisemyento sa vegetation area upang baklasin ng kusa ang kanilang mga istrakturang napapaloob sa 25+5 meter set back sa Boracay.

Note: Awarding ceremony was re-scheduled to November 5 or 6 2013 with notice of postponement from BRTF 

Kampanya para sa malinis na kapaligiran, muling iginiit ni Brgy. Balabag Capt. Lilibeth SacapaƱo

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muling iginiit ni Barangay Balabag Captain Lilibeth SacapaƱo ang malinis na kapaligiran sa Boracay.

Ito’y may kaugnayan sa pagpapaigting umano nila ng kampanya sa proper waste segregation.

Ayon kay ‘Kap Lilibeth”, ang kalinisan ng paligid ay isa sa mga maipagmamalaki ng Boracay upang patuloy itong puntahan ng mga turista.

Nakakahiya nga naman umano kasi para sa mga turista na isang maruming Boracay ang kanilang maratnan.

Samantala, isa rin sa mga tinitingnan nila ngayon ang pag-regulate sa mga bahay na tila mga kaboteng sumusulpot kung saan lang.

Maaari kasi na walang sewer connection ang mga ito, kung kaya’t kailangan din nilang obligahing kumuha ng permit sa munisipyo.

Plano din ni Kap. Lilibeth na magpulong sa bawat kawani ng barangay sa isla para mapalakas ang kampanya tungkol sa basura.

Metrology Center, bukas na sa Aklan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Makakasiguro na ang mga Aklanon na tama sa timbang ang kanilang binibili sa mga tindahan.

Bukas na kasi ang serbisyo ng Provincial Metrology Center (PMC) sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Aklan Provincial Science and Technology Director Jairus Lachica.

Ang PMC ay magpapatupad ng inspeksyon at pagselyo sa mga timbangan na iniuutos ng Philippine Metrology Laws base sa Philippine Commission Act No. 1519.

Dagdag pa nito, ito rin ang syang magiging satellite office ng National Metrology Laboratory ng Pilipinas sa ilalim ng DOST-Industrial Technology Development Institute (ITDI).

Samantala, sinabi pa nito na  isasagawa naman ang monitoring sa bayan ng Malay, lalo na sa isla ng Boracay sa pamamagitan ng pag-request sa kanilang tanggapan sa Provincial Capitol sa bayan ng Kalibo.

Nabatid na ang nasabing Metrology Center ang kauna-unahan at kaisa-isang "accredited" laboratory sa Aklan na magbabantay laban sa mga hindi tamang kilohan, na magkaka-calibrate at magse-selyo sa mga ito.

Monday, October 07, 2013

Ilang guro sa Malay, sinanay para sa Text2teach project ng Ayala foundation

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinanay ng ilang araw ang mga guro sa Malay para sa Text2teach project ng Ayala foundation na ginanap sa Boracay nitong nakaraang Linggo.

Kasabay nito ay nagkaroon nang Launching sa isang resort sa isla nitong Miyerkules na dinaluhan ng ilan sa mga taga Ayala foundation at ng DepEd Aklan sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Jesse Gomez.

Dito sinanay ang mga guro na gagamit sa mga teknolohiyang ibinigay ng nasabing foundation sa District Malay.

Ang Text2teach ay nag-handog naman sa walong paaralan sa Malay ng flat Screen Television at Nokia 701 8 gigabit mobile phone pre-loaded ng 360 educational video materials sa English, Science, Math at Values.

Sa pamamagitan nito i-dodownload ng mga guro ang kanilang mga ituturong asignatura sa mga mag-aaral gamit ang nasabing mga teknolohiya.

Mahigit tatlong araw namang sinanay ang mga ito simula noong Oktobre a-tres at nagtapos nitong araw ng Sabado.

Malugod namang nagpapasalamat ang Distrito ng Malay bilang kauna-unahang napili sa Aklan ng Foundation para handugan nito.

Samantala, kasama sa walong paaralan sa proyektong ito ay ang tatlong public School sa isla ng Boracay.

Nabatid na isa itong mabisang paraan sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa grade 5 at grade 6 dahil dito mapag-aaralan ang ibat-ibang bagay na hindi natuturo nang mga guro sa normal na klase sa ngayon.

Pagdating ni Kalibo Bishop Jose Corazon Talaoc sa kapistahan ng HRP,ikinatuwa ng mga taga Boracay

Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay

Ikinatuwa ng mga taga Boracay ang pagdating ni Kalibo Bishop Jose Corazon Talaoc sa kapistahan ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay.

Ayon kay Sister Candice, miyembro ng Mother Butler’s Guild ng nasabing simbahan.

Ikinatuwa naman nila at buong pusong tinanggap ang pagdating ng Obispo dahil kahit na abala pa ito ay nagawa pa rin nyang makarating sa selebrasyon ng kapistahan at founding anniversary ng Holy Rosary Parish.

Napag-alaman na nitong nagdaang Sabado pa dumating ang nabanggit na Obispo dito sa isla.

Samantala inaasahang si Bishop Talaoc din mismo ang magiging main celebrant at provider of homily sa gaganaping misa ngayong alas otso ng umaga, pagkatapos ng prusisyon kaninang alas sais y medya.

Nabatid na ipinagdiriwang ang kapistahan at founding anniversary ng nasabing parokya tuwing ika-pito ng Oktubre.

Mga Korean Tourist na pumupunta sa Boracay nangunguna parin ayon sa DOT

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nangunguna parin umano ngayon sa listahan ang mga Korean Tourist na pumupunta sa isla ng Boracay.

Ito ang kinumpirma ni DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar matapos lumabas ang balita na naungusan na ng mga Instik ang mga Korean Tourist sa Boracay ngayon taon.

Aniya, nasa rank 1 parin ang Korea na nakapagtala ng labin walong libo at isang daan at tatlumput dalawang turista na sinundan naman ng bansang China na nakakuha ng labin walong libo at pitumpu nito lamang buwan ng Setyembre.

Nabatid na malapit naring maabot ngayon ng Department of Tourism ang target na 1.5 million tourist arrival ngayong taong 2013.

Tiwala naman si Ticar na maaabot nila ang 1.5 tourist lalo na’t halos nasa isang milyon na ngayon ang kanilang naitalang turista na pumunta sa Boracay simula noong buwan ng Enero.

Samantala, ngayong nalalapit na naman ang peak season inaasahan na ng DOT Boracay na dadagsa na naman ang libo-libong turista sa isla para magbakasyon.

Text2teach project ng Ayala foundation, pormal nang naibigay sa distrito ng Malay

Ni Jay-ar M.  Arante, YES FM Borcay

Pormal nang naibigay sa District Malay ang Text2Teach project ng Ayala foundation nitong Miyerkules sa isla ng Boracay.

Dinaluhan naman ng ito ng ilan sa mga namumuno ng nasabing foundation sa pangunguna ni Dino Rey Abellanosa Senior Manager and Head for Visayas Operations.

Dito ibinahagi ng Ayala Foundation sa mga dumalo kung ano ang kahalagahan ng nasabing proyekto.

Mismong si Aklan Schools Division Superintendent Dr. Jesse M. Gomez naman ang dumalo sa nasabing okasyon para pormal na magpasalamat.

Ayon naman kay Malay Public District Supervisor Jesie S. Flores.

Ang Text2Teach project umano ay isang teknolohiyang makakatulong sa mahihirap na aralin sa Grade 5 at Grade 6 pupils sa Distrito ng Malay.

Napakalaki din umano itong tulong sa mga guro dahil hindi na sila mahihirapang magbigay ng mga asignatura sa mga mag-aaral gamit ang ibat-ibang education materials.

Aniya, sana makapagbigay ito ng pagkakaiba sa academic performance ng kanilang mga mag-aaral sa Malay.

Samantala, walong mga paaralan sa nasabing bayan ang nakatanggap ng isang pakete mula sa Ayala na naglalaman ng mobile phone, isang prepaid SIM card, at isang 29-inch colored television na gagamitin sa pag-aaral.

Nabatid na ang Text2Teach ay isang programa na nagdadala ng educational content sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa pamamagitan ng mga video na nai-download sa pamamagitan ng Short Messaging System (SMS).

Boracay, ipagdiriwang ang Kapistahan ng Our lady of Most Holy Rosary

Ni Carla SuƱer, YES FM Boracay

Pagpupugay at pagdiriwang.

Ito ang inaasahang magpapabuklod sa mga debotong Katoliko sa buong isla ng Boracay sa darating na araw Lunes.

Magtitipun-tipon kasi ang mga ito upang bigyang daan ang kapistahan parokya ng simbahang Katolika sa Boracay, ang Our Lady of Most Holy Rosary.

Kaugnay nito, may mga iniskedyul na misa sa bawat barangay ng isla na nagsimula nitong Setyembre 28, at magtatapos sa mismong araw ng kapistahan.

Kinumpirma din ng simbahan na darating si Kalibo Bishop Most Rev. Bishop Jose Corazon Tala-oc, na siyang magmimisa mismo at magsisilbing Provider of Homilies sa bispera ng kapistahan.

Samanatala, magkakaroon naman ng misa bukas ng alas 5:30 ng hapon.

Bagama’t hindi ito kahalintulad sa ipinagdiriwang na kapistahan ng Barangay Balabag tuwing buwan ng Mayo.

Iginiit ng simbahan na dapat ang buong Boracay ang makibahagi sa selebrasyon bilang paggunita rin sa founding anniversary ng parokya.

Nabatid na ipinagdiriwang ang kapistahan ng Our Lady of Most Holy Rosary sa Boracay tuwing ika-pito ng Oktubre.

LGU Malay, magpapatayo na ng tulay sa Tabon Port sa 2014

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Magpapatayo na ng tulay sa Tabon Port ang LGU Malay sa taong 2014.

Ito ang kinumpirma ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa kaugnay sa mga nakatayong poste sa kinaroroonan ng pontoon bridge doon.

Nilinaw naman ni Sadiasa ang nasabing proyekto ay magiging pansamantala munang daanan kapag tumataas ang tubig o tuwing nagkakaroon ng high tide.

At kapag may sapat na umanong budget para dito ay agad namang ipagpapatuloy ang proyekto.

Matatandaang matagal na ring usap-usapan sa bayan ng Malay ang pagkakaroon ng tulay papunta sa isla ng Boracay.