YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, December 03, 2016

Media, ibinahagi ang kanilang pagsuporta sa proyekto ng DSWD

Posted December 3, 2016
Ni Danita Jean a. Pelayo, YES FM Boracay

Katatapos lang ang tatlong araw na isinagawang Year End Forum with the Media and Cap Build on Reporting about Children in Difficult Circumstances ng Department of Social Welfare and Development Office o (DSWD) sa isla ng Boracay na nag-umpisa nitong disyembre 1 at nagtapos naman ngayong araw.
Nabatid na bahagi sa isinagawang pagpupulong ang Media bilang pagsuporta nito sa mga isinusulong na proyekto ng DSWD lalong-lalo na para sa mga kabataan.

Kanya-kanyang presenta ng kanilang mga ideya ang mga media na galing sa ibat- ibang probinsya kung saan ito ay kinabibilangan ng Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.

Naniniwala ang DSWD na sa pamamagitan umano ng media ay mai-ihahatid sa publiko ang kanilang mga proyekto na nais ipatupad.

Kung kaya’t sa naturang forum, bumuo ng isang activities ang miyembro ng DSWD kung saan ang layunin nito ay kung paano sila makakatulong sa bawat pamilya partikular na sa pagsulong ng karapatan ng mga kabataan sa lipunan.

Dahil dito, naging makabuluhan ang nabanggit na aktibidad, na labis namang ipinagpasalamat ng mga coordinator ng DSWD Region 6.

“Jail no child” advocacy ng DSWD, isinusulong

Posted December 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona at Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Isinusulong ngayon ng Department of Social Welfare and Development Office o (DSWD) ang kanilang adbokasiya patungkol sa “Jail no Child”.

Isa ito sa mga naging topiko sa ginanap kahapon na Year End Forum with the Media and Cap Build on Reporting about Children in Difficult Circumstances kung saan naging pangunahing bisita dito ay nagmula sa DSWD Region 6, Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4P’s at Social Pension o SSS na dinaluhan naman ng mga Media sa Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.

Binuksan ang usapin ni Katherine Joy Lamprea of the Juvenile Justice & Welfare (JJWC) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 6, kung saan nagpakita ito ng video presentation kaugnay sa mga menor-de-edad na mga kabataan na ang tanging alam na gawin ay magnakaw para lang may makain.

Sa naturang presentasyon nagpapatunay na hindi naman nila gusto ang kanilang ginagawang pagnanakaw sa kanilang kapwa kundi ang isang bata na katulad nila ay nangangailangan lang ng atensyon at kalinga ng kanilang magulang.

Ayon pa kay Lamprea,  umano sa Minimum Age of Criminal Responsibility (MACR) ang mga kabataang nagnanakaw ay hindi mapapatawan ng kaukulang penalidad kung ito ay nasa minimun age.

Kaugnay nito,gusto ring ipaabot ni Lamprea na kung sakali ay gumawa ng isang ordinansa ang mga barangay officials ng responsible parenthood para na rin sa proteksyon ng mga kabataan, dahil ang kalinga pa din umano ng mga magulang ang siyang sagot sa problema para maiwasan  ng mga kabataan ang mga hindi magagandang gawain.

Friday, December 02, 2016

Christmas tree sa Kalibo, umilaw na!

Posted December 2, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Umilaw na ang pinakahihintay na Christmas tree sa Kalibo Pastrana Park kahapon.

Ang Christmas tree ay gawa sa mga native materials na pinuno at pinalibutan ito ng Christmas lights. Tinawag naman itong “Iwag it Kalibonhon para sa Mahayag nga Paea-abuton”.

Naging makulay naman ang ginawang opening ng Christmas Lights dahil sinabayan ito ng fireworks display kasabay ng pagrampa ng mga nag-gagandahang 16 na mga kandidata ng Mutya ng Kalibo Ati-Atihan.

Sinaksihan naman ng mga Aklanon, turista at iba’t- ibang dayo ang Pastrana Park kung saan nagkaroon din ng tinatawag na “sadsad” matapos ang opening ng lights.

Nabatid, na ang Christmas tree ay nagmula sa kultura ng pagan kung saan ito ay sumisimbolo ng buhay, muling pagsilang at tibay para malagpasan ang buwan ng taglamig.


Naliligong Korean national sa Boracay, nalunod; patay

Posted December 2, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for nalunod in englishPasado ala-una kahapon ng hapon ng makatanggap ng tawag ang Boracay PNP na meron umanong nalulunod na turistang Korean national sa Station 1. Brgy. Balabag, Boracay.

Kinilala ang biktima na si Taejong Jeon, 40- anyos, temporaryong nanunuluyan sa isang hotel sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, naliligo umano ang biktima ng mapansin ng kinilalang si Jonie Malacas Tabas, 30-anyos, isang paddle board staff na ito ay hindi na makalangoy at ikinakampay nalang ang kanyang kamay habang ang floater nito ay malayo na sa kanya.

Hindi na nag-atubili pang saklolohan ni Tabas ang nalulunod na biktima kung saan agad namang ni-rescue ng mga miyembro ng LGU lifeguards.

Nabatid na umabot ng tatlong minuto bago nakuha ang biktima sa dagat kung saan agad naman nila itong binigyan ng paunang lunas sa pamamagitan ng CPR.

Dinala pa umano ito sa isang clinic para i-revive ngunit kalaunan ay idineklara din itong patay ng doctor na sumuri dito.

Samantala, ang bangkay ng biktima ay idinala na sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.

Planong paghuhukay ng Chinese Vessel sa Aklan, River, nakarating kay Pangulong Duterte

Posted December 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for chinese shipsNakarating umano sa opisina ni Pangulong Rodrigo Duterte ang planong paghuhukay ng mga Chinese Vessel sa Aklan River ng probinsya.

Ito’y ayon kay Kalibo Mayor William Lachica, kung saan ito umanong balak ay inaprobahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) subalit hindi ipinaabot sa kanyang tanggapan.

Sinabi pa nito na maging ang PENRO ay tutol din sa nakatakdang pag-dredge sa ilog.

Nabatid na nitong nakalipas na linggo ay namataan ang naturang barko sa ilog kung saan agad naman itong pinuntahan at ininspeksyon ng miyembro ng Kalibo-PNP at Philippine Coast Guard.

Nabatid na balak mag-dredge o maghukay ng barko na may pitong metro ang lalim sa Aklan River.

Nakatakda namang maghain ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Kalibo upang pigilan ang naturang proyekto.

PHO-Aklan, may paalala sa mga bibili ng noche buena at paputok ngayong taon

Posted December 2, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for noche buenaMuling nag-abiso ang opisina ng Aklan Provincial Health Office (PHO) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng noche buena at paputok sa paparating na pasko at bagong taon.

Ayon kay Aklan Provincial Health Officer 2 Dr. Cornelio Cuachon Jr., muli umano silang nag-papaalala sa publiko na maging maingat sa kanilang bibilhing Noche Buena ngayong pasko lalong-lalo na umano ang mamantikang pagkain sa mga may hypertension o high blood.

Image result for noche buenaAniya, kailangang maging healthy lifestyle lang umano ang mga tao sa pamamagitan ng pagkain ng masustansyang pagkain katulad ng prutas at gulay.

Maliban dito, maging maingat din umano sa bagong taon lalong-lalo na sa mga magpapaputok kung saan mas mainam umano na gumamit nalang ng mga alternatibong maiingay na bagay katulad ng kaldero at torotot upang  sa kapahamakan.

Samantala, nakatakda naman umanong magsagawa ng motorcade ang PHO-Aklan at MDRRMO sa Disyembre 13 kaugnay sa iwas paputok kung saan ito ay may tema na “Oplan Iwas paputok, fireworks display ang paputok, makiisa sa fireworks display sa inyong lugar.

Thursday, December 01, 2016

Worlds Aids day, ipinagdiwang ngayong araw

Posted December 1, 2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Katatapos lang ang ginagawang selebrasyon para sa World’s Aid Day sa Isla ng Boracay na dinaluhan ng mahigit sa isandaan at limampung mga partisipante mula sa LGU, Non and Government sectors and organization, hotels & resorts, mga establisyemento, supporters, advocates at volunteers.

Ipinaabot ni Dr. Adrian Salaver ng Municipal Health Office ng bayan ng Malay, na hindi sila masaya na dumarami na ang nagiging  ng sakit na ito.

Aniya, ang layon umano ng programang ito ay para magbigay ingay at magdagdag ng awareness hindi lang sa mga apektado nito kundi pati na rin sa mga kabataan na isa sa mga naaapektuhan ng nasabing sakit.

Kaugnay nito, sa naging panayam naman ng himpilang ito kay MHO Nurse II Arbie Aspiras, sa ngayon may nai-rekord na silang dalawampung kaso ng HIV/ AIDS na patuloy pang minomonitor sa bayan ng Malay. Habang sa probinsya ng Aklan naman ay mayroong naitalang walumpu na patuloy pang binabantayan.

Nabatid na, sa datos na ipinakita ng Aklan Provincial Health Officer 2 Dr. Cornelio Cuachon Jr , umabot na sa mahigit 38,113 ang apektado ng sakit na ito kung saan may 2 porsyento na na-distribute ang Region 6 sa buong Pilipinas.

Dagdag pa nito, ang may pinakamataas na naitala sa bilang ng nagkakaroon ng HIV/ AIDS ay mula sa MSM o ang male to male na pagtatalik.

Samantala, ipinaabot dito na napakahalaga na maintindihan natin ang tungkol sa usaping ito ng sa ganon ay masolusyonan na ang nasabing problema.

BLTMPC, handa na para sa Holiday Season

Posted December 1, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for bltmpc boracay“Okay naman ang pag-operate ng mga Tricycle, Multicab at Van operators sa isla ng Boracay"

Ito ang sinabi sa panayam kay John Pineda, Operation Manager ng BLTMPC, kung saan ayon sa kanya maayos naman ang flow ng mga drivers kahit papalapit na ang holiday season sa Boracay.

Aniya, nasa color coding parin naman umano ang mga tricycle unit sa Boracay subalit pwede itong makansela depende sa utos ng LGU-Malay kung kinakailangan.

Image result for bltmpc boracayKaugnay nito, siniguro ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) na hindi kukulangin ang mga sasakyan ngayong holiday season.

Kung saan ayon kay Penida, sapat ang mga sasakyan para sa mga bakusyunista at lokal na mga residente sa Boracay.

Nabatid na may 538 tricycle drivers, 64 multicab at 24 sa Van sa isla, at labing-apat dito ang nag-o-operate sa isla at sampu naman sa Mainland.

Samantala, pina-alalahanan naman ni Penida ang mga tricycle operator na i-monitor ang kanilang mga tricycle driver kaugnay sa kanilang pag-over charge sa mga pasahero.

Gayundin ang mga pasahero na maging aware at tingnang mabuti ang tariff rate o taripa ng kanilang sinakyang tricycle upang hindi sila maloko.