Posted September 16, 2016
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
Nakatakdang imbestigahan ng Municipal Engineering ng
Malay ang parti ng mga kalsada sa Boracay na hinukay at hanggang ngayon ay
hindi parin naaayos.
Ayon kay Municipal Engineer Elizer Casidsid, susuriin
umano nila ang mga construction na ginagawa sa mga kalsada sa Boracay upang
malaman kung ano na ang status nito.
Aniya, bago paman bigyan ng permit ang mga konstraksyong
ito ay nagbigay umano sila ng kondisyon kasabay ng pag-aaral ng nasasakupang
ahensya bago bigyan ng rekomendasyon kung kaylan ito sisimulang tibagin.
Maliban dito nakasaad din umano sa naturang permit at
rekomendasyon na kanilang napagkasuduan na ang mga ito na din umano mismo ang
magbabalik o mag-aayos ng mga binungkal na bahagi ng kalsada.
Nabatid kasi na mayroong mga nababahala sa nasabing hukay
na hanggang ngayon ay hindi parin ito naibabalik sa normal simula ng bungkalin
at ayusin kung saan hindi na din umano ito maganda sa mata ng mga turista o
maging sanhi umano ng insidente.