Posted November 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sa layuning maisakatuparan na ang pagbabawas sa
nakasanayang “endo” ngayong taon, tinalakay
ni Usec. Dominador Say ang “ENDO” o (end of contractualization) at Sub-Contracting Work Arrangement sa mga Stakeholders,
employer at mga empleyado ang tungkol sa usaping ito.
Sinabi nito na dapat
ang mga empleyado umano ay dapat may “Security of Tenure” o kasiguraduhan pagdating
sa kanilang trabaho.
Aniya, ang “ENDO”
o (end of contractualization) ay dapat
na umanong wakasan sa ating bansa.
Sinabihan nito
ang mga employer na wag na umano nilang hintayin pa na ang DOLE ang magsabi sa
kanila o sampahan ng kaso ang employer na dapat na umano nilang i-regular ang
matagal na nilang empleyado na hindi pa nari-regular.
Napag-alaman na ang
mga 6 months provisionary na empleyado ay dapat ng inoobserbahan ng kanilang
mga employer kung sila ay pwedeng mai-regular dahil kung hindi naman umano ay
dapat na itong tanggalin na hindi na lalagpas sa anim na buwan niyang kontrata.
Kaugnay nito, itong
memorandum na nagbibigay direktiba sa regional offices ng DOLE ay upang masimulan na ang paglilinis
sa mga kumpanya na nakasanayan na ang “endo” employment.
Samantala,
dinaluhan naman ito ng 299 na mga employer at mga empleyado na nagtatrabaho sa
hotel, spa, sports activity at iba pang mga establisyemento sa isla ng Boracay.