Inna Caro L. Zambrona,
YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Ito ang hakbang na nais itulak ni Malay Acting Mayor
Abram Sualog para sa nalalapit na phase-out ng tricycle sa isla ng Boracay.
Ayon kay Sualog, bago ito maisakatuparan ay dadaan ito sa
isang resolusyon sa Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Committee on
Transportation.
Sa pananaw nito, panahon na aniya na dagdagan ang nasa
540 franchise dahil sa dumaraming turista at residente ng isla.
Tiwala rin itong maaprubahan ito ng Sangguniang Bayan ng
Malay dahil ang makakabenepisyo nito ay ang riding public.
Kung maalala, makailang beses na-extend ang phase out ng
tricycle dahil posibleng kukulangin ng sasakyan kapag ipapatupad ito agad.
Maliban dito, ang 180 units ng etrike na donasyon ng
Department of Energy DOE ay hindi pa naipamahagi dahil sa mga prosesong
pagdadaan ng mga benipisyaryo tulad ng “undertaking”.
Kaugnay nito ayon kay Sualog ang problema nalang ngayon
upang maipamahagi na ang donasyong e-trike ay gumawa ng resulosyon ang miyembro
ng SB Malay na pahintulutan siyang lumagda ng Deed of Donation sa DOE.
May requirements umano kasi si Sangguniang Bayan Member
Frolibar Bautista, na dapat mayroong masterlist na pipirmahan ang mga gustong
mag-avail ng donasyon na nasa 250 at ang mga hindi naman ay idadaan umano sa
“raffle”.
Samantala, pabor naman ang pamunuan ng Boracay Land
Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC)n a magdagdag ng 200 bagong
franchise para sa e-trike program.
Katunayan ayon kay BLTMPC Vice Chairman Prudencio Vargas,
sinabi nito na may proposal narin sila na magdagdag ng isangdaan at limampung
franchise subalit hindi pa nila ito naihain sa Sangguniang Bayan ng Malay.
Mag-change unit na rin daw ang kooperatiba at katunayan
ay may anim na silang E-Jeep na dalawa dito ay solar-operated Mini Bus.
Samantala, itinutulak naman ng national government ang
Euro 4 bilang bahagi ng pag-modernize ng mga sasakyan sa Boracay.