YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, September 24, 2016

Bagong OIC Jail Warden ng Aklan Rehabilitation Center, umupo na!

Posted September 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM BORACAY

Credit to: Jy
Umpisa nitong Lunes Setyembre 19 taong kasalukuyan ay umupo na bilang bagong Jail warden Officer-in-Charge ng Aklan Rehabilitation Center o (ARC) si Provincial Guard (PG) 2 Dizon Tropa.

Ito ay matapos personal na natanggap ni PG2 Tropa ang office order sa opisina mismo ni Governor Florencio Miraflores na tumatayo bilang official jailer habang ang pinalitan naman nito na si Teddy Esto ay inassign sa Provincial Capitol.

Aminado si Tropa na maraming problema ang nangyari dito kung saan ito umano ay nag-ugat matapos simulan ang Oplan Galugad ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Aklan Police Provincial Office ng 12th Infantry Batallion at Philippine Army noong Setyembre a-syete kung saan nakumpiska umano dito ang mga matatalim na bagay, cellphones at sari-saring drug paraphernalia sa selda ng mga inmates.

Samantala sa pagtalaga ngayon kay Tropa sa posisyon, may mga plano na itong ginagawa sa kanyang mga kasama upang mapalakas ang seguridad sa loob at hindi na maulit ang mga nangyaring problema sa Provincial Jail.

Lalaking may warrant of arrest sa kasong Parricide, arestado sa Boracay

Posted September 24, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for search warrant clipartArestado kahapon ng hapon sa Brgy. Balabag, Boracay ang isang lalaki sa kasong Parricide o pagpatay.

Ayon sa report ng Boracay PNP, inaresto ang akusado na si Harvey Jay Gestiada, alias “BJ” 17-anyos native ng Quezon City at temporaryong nakatira sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manoc-manoc na may warrant of arrest para sa kasong Parricide o pag-patay.

Ang nasabing kaso ay inisyu sa RTC 6th Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan nitong  Setyembre a-otso taong kasalukuyan.

Samantala, wala namang nakalaang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Friday, September 23, 2016

Seminar na may kaugnayan sa pagsagawa ng drug operation, malaking tulong sa Boracay PNP

Posted September 23, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay        

Isa-isa ngayong nagbahagi ng kanilang kaalaman ang mga bisitang Speaker sa kung paano magsagawa ng operasyon hinggil sa paghuli ng mga bumibenta ng iligal na droga.

Sa ginanap na seminar sa Crown Regency Covention Center kanina, kinilala ang tatlong Speaker na sina Atty. Ronald Floria, Acting Chief of Regional Legal Service Office VI, Atty.Dennis Gabihan Legal Councel at Col. Carlos Gadapan.

Naging focus sa topiko ni Gabihan ay sa kung paano magsagawa ng operasyon sa paghuli ng mga bumibenta ng iligal na droga at pagtalakay kung ano ang nakapakaloob sa kasong Republic Act 9165 o An Act Instituting The Comprehensive Dangerous Drugs Act Of 2002.

Samantala, sa naging topiko naman ni Gadapan na Drug Information Gathering and Investigation, tinalakay niya dito ang mga paraan sa pagbebenta ng droga kung saan ang iba dito ay nilulunok at dinadala sa ibang bansa.

Maliban dito, ibinahagi niya rin kung ano ang mga dahilan kung bakit ang karamihan nito ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Samanatala, naging malaking tulong naman ito sa mga operitiba ng Boracay PNP, Task Group Boracay-Philippine Army, SWAT at PNP Maritime Group kung saan sila mismo ay bahagi sa mga pagsugpong ginagawa kontra iligal na droga.

Boracay Police dumalo sa Drug Operation Seminar

Posted September 23, 2016
Ni Alan Palma Sr., Yes FM Boracay

Para sa maayos na paghawak ng mga kaso na may kaugnayan sa droga, nagsagawa ngayong araw ang Regional Legal Service Office 6 ng Seminar on Chain of Custody and Issues on the Filling of Drug Related Cases sa mga kapulisan at ibang enforcers sa Boracay.

Ang seminar na pangungunahan nina Legal Officers Atty. Ronald Floria at Atty Dennis Gabihan ay magtatalakay sa tamang paraan ng pag-kustodiya ng mga suspek pagkatapos ng mga drug-bust operations at legitimate police operations.

Inaasahan din na gagabayan ang mga kapulisan kung ano ang akmang pamamaraan sa pagsampa ng kaso sa mga nahuhuling drug personalities na naayon sa batas.

Layunin din ng seminar na mawala ang agam-agam ng publiko sa mga operasyon na kinasasangkutan ng mga pulis lalo na at tumataas ang kaso ng mga  sa mga legitimate police operations kontra droga maliban pa sa tumataas din na bilang ng Death Under Investigation.

Sa mga isinagawang Senate Inquiry on Extra Judicial Killings, madalas itanong ang POP o Police Operational Procedures ng mga operatives dahil na rin sa mga umano’y pagpatay sa mga suspeks dahil sa panlalaban.

Ang seminar na ito ay dinaluhan ng mahigit isang-daan na partisipante mula sa Boracay PNP, Task Group Boracay-Phil Army,mga miyembro ng SWAT at PNP Maritime Group.

Manoc-manoc Sewage Treatment Plant, bubuksan na

Posted September 23, 2016
Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay          

Image result for biwc boracayNakatakdang pasinayaan ang bagong sewage treatment plant ng BIWC sa susunod na mga araw.

Ito ay pangungunahan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority sa katauhan ni TIEZA Chief Operating Officer Atty. Guiller Asido at Manila Water Chairman Fernando Zobel De Ayala.

Ayon sa Boracay Water, ang bagong planta ay may kapasidad mag linis ng mahigit sa 5-milyong litro na waste water kung saan pinasiguro nila na ligtas umano ang marine life sa oras na ilabas na nila ito sa karagatan ng Boracay.

Bago ang proyekto, inamin ng BIWC na hindi kaya ng Balabag Treatment Plant ang volume ng used water mula sa mga resort at establisyemento dahilan para itayo ito.

Inaasahan din na dadalo si Aklan Governor Florencio Miraflores at iba pang stakeholders para masilip din ang bagong pasilidad na ito.

Ang Manoc-manoc Sewage Treatment Plant na proyekto ay nagkakahalaga ng P 258 Million ay itaas umano ang waste water treatment coverage sa Boracay sa 75% mula sa 35%.

Thursday, September 22, 2016

Pagbili ng bagong Sea Ambulance, planong kunin sa Trust Fund

Posted September 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for sea ambulance
Plano ngayong gamitin sa pagbili ng Sea Ambulance ang budget ng trust fund.

Sa naganap kasi na sesyon nitong Martes tinanong ni SB Danilo Delo Santos kung merong Sea Ambulance ang Boracay kung saan sinagot naman ito ni Rowen Aguirre Executive Assistant IV/MDRRMO Boracay na walang Sea ambulance ang LGU.

Kaya naman sa kanilang naging committee hearing tungkol sa supplemental budget nais nilang kunin ang pagbili ng Sea Ambulance sa trust fund.

Subali’t sinagot naman ito ni SB Gallenero na meron umano silang ipapaayos na speed boat pero dahil umano sa request ni Delo Santos na magkaroon nito ay isasama nalang ang pagbili nito sa kanilang annual budget.

Samantala, sinabi naman ni Vice Mayor Abram Sualog na magpadala nalang ng request ang Office of the Mayor sa susunod na sesyon upang mapag-aralan at maaksyunan itong pagbili ng Sea Ambulance sa Boracay.

Sa kabila nito, pino-proseso narin ng bagong ahensya na magkaroon ng Radio Communication o Hand Held Radio ito’y upang mapadali ang pagkontak sa mga rescue operators hindi lang sa mga insedente, pati na sa mga kalamidad na pwedeng mangyari.

Fly Fish sa mga Sea Sports Activity, nais i-ban ng SB Malay

Posted September 22, 2016
Ni Inna Carol L. Zambroona, YES FM Boracay

Balak ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay lalo na ni SB Member Daligdig Sumndad na ihinto na o i-ban ang pag-operate ng Fly Fish sa lahat ng mga Sea Sports Activity sa isla ng Boracay.

Sa 12th Regular Session na naganap nitong Martes, naging usapin ito dahil sa mga ipinakitang larawan ni BAG Consultant Leonard Tirol kung saan laman nito ang mga litrato ng mga turistang na-aksidente nang dahil sa pagsakay sa Fly Fish.

Image result for fly fishSa presentation, tumambad ang mga kawawang biktima kung saan ang ilan sa kanila ay nagtamo ng samu’t-saring pinsala sa katawan at dislocation sa binti.

Kaya naman, hinikayat ni Sumndad ang kapwa mga SB na i-ban itong klase ng water sports activity upang maiwasan at wala ng mangyayaring kahalintulad na insidente.

Samantala, ini-refer ang nabanggit na usapin sa Committee on Tourism na pinamumunuan  ni SB Dante Pagsuguiron kung saan magpupulong sila kasama ang mga Sea Sports Operators dito sa isla ng Boracay.

Aklan PHO naka-alerto na rin sa Zika Virus

Posted September 22, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Zika virusSa kabila ng mga naitatalang kaso ng Zika Virus sa probinsya ng Iloilo, todo naman ang ginagawang paghahanda ng Aklan Provincial Office (PHO) laban dito.

Ayon kay Dr. Cornelio Cuachon ng PHO patuloy umano ang kanilang ginagawang pagmo-monitor sa pamamagitan ng surveillance laban sa sakit na Zika virus.

Ito umano ay kabilang sa category 2 kasama ng dengue na ang ibig sabihin kada linggo ay multipliable ito at dapat na-ireport ng mga Rural Health Units (RHU) at ng mga hospital sa Provincial Health Office (PHO).

Dahil dito nag-paabot naman si Dr. Cuachon sa publiko na kung nakakaramdam umano sila ng sakit sa katawan kagaya ng lagnat, pananakit ng kasukasuan, skin rashes at pamumula ng mata ay mag pakonsulta agad para maagapan.