YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 17, 2012

Produktong de kuryente at electrical supplies, mariing binabatayan ng DTI


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ang pagbili ng isang produkto ay choice ng isang consumer.

Kaya kung alam agad umano ng mamimili na peke ang isang produkto,ito’y kanilang ikinukunsedra bilang pagsa-alang alang sa kabuhayan ng mga Pilipinong, sa kundisyong hindi naman nila niluluko ang mamimili.

Bagamat sinabi ni Director Diosdado Cadena ng (DTI) Aklan katulad na pahayag at hindi nila ito kinukunsinte.

Mariing nilinaw nito ngayon, na mahigpit nilang binubusisi ang mga produktong pumapasok sa bansa at tinitingnan kung sub standard o hindi ang bagay para masigurong ligtas itong gamitin.

Katulad na umano sa mga gamit na de kuryente, gaya ng mga pailaw, charger at iba pang electrical supply at kung ano pa na maaaring makakapagdala sakuna particular sunog at iba pang aksidenta na ikakasira ng propidad at buhay ng tao. Kaya ay mahigpit nilang binubusisi para ma protektahan ang mga consumer.

Ito ay kasunod na rin aniya ng napapabalitang ang Pilipinas ay binabaha ng mga pruduktong kulang sa standard at mga imported.

Ang pahayag na ito ay sinabi ni Cadeana matapos na nitong ika labin anim ng Mayo sa sisyon ay pinag-usapan ng Sangguniang Bayan ng Malay na ipapatupad na ang batas na sumasaklaw sa pagbibinta ng pekeng produto gayong ang Boracay ay sikat na tourist destination, pero peke ang mag panindang inaalok sa mga turista. 

Pagbili ng produktong peke, hindi masama ayon kay DTI Director Cadena


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kung alam naman umano ng mamimili na peke ang kanilang produkto binibili, kahit ito’y branded na ipinagbibili sa murang halaga.

Wala umanong problema sa bagay na iyon ayon kay Department of Trade and Industry (DTI)Aklan Director Diosdado Cadena.

Maliban na lamang umano kung ang produktong ibinibenta ay peke na ngunit ipinagbibili pa sa mahal o kaparehong presyo sa original at naluko ang isang mamimili, iyon di umano ang klarong paglabag sa karapatan ng mamimili.

Pero kapag nakita naman agad aniyang mura at nabibili ng tag isa o dalawang daan na klaro ding peke lamang, gayong alam naman ng bumibili na ang original nito nagkakahalaga ng libo, walang pandaraya aniya sa ganitong sitwasyon.

At bagamat aminado si Cadena na hindi talaga pwedeng gamitin ang pangalang ng isang brand.

Pero ito na umano ang realidad ngayon lalo pa at ang Pilipinas ay miyembro ng World Trade Organization (WTO) kaya madaling makapasok mga produktong peke katulad nito mula sa China.

Ngunit hindi aniya ibig sabihin nito ay kinukunsinte na nila ang gawaing ito.

Kaya naman, bilang paghahanda umano sa ganitong pagkakataon, dapat ay maging begelante ang mga mamimili at may sapat na edukasyon sa mga pruduktong kanilang binibili. 

Terminal Fee sa Kalibo International Airport, tataasan na rin


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Plano ngayon ng Kalibo International Airport (KIA) na taasaan na rin ang Terminal Fee sa domestic at international flights.

Bunsod nito, ayon kay KIA Manager Percy Malonesio, ay itinakda na ang Public Hearing para sa pagtaas ng Terminal Fee sa darating na Mayo 24 sa bayan ng Kalibo.

Aasahan umanong dadalo ang mga taga Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) mula sa Metro Manila at Cebu, mga negosyante sa Aklan, lalo na sa Boracay.

Dagdag pa ni Malonecio, kung titingnan, ang Kalibo Airport ang pinaka-huling magtataas ng Terminal Fee sa bansa dahil halos ang lahat ng mga paliparan, kasama na ang Caticlan/Boracay Airport, ay nagawa na magtaas noong nagdaang taon pa, gayong International Airport na rin ito ngayon.

Dahil dito ay umapela na rin umano ang KIA ng umento, upang may pangtustos din sa pang-araw-araw na operasyon ng paliparan.

Kaugnay nito, kapag naaprubahan ang planong pagtataas ng terminal fee, ang P40.00 terminal fee para sa domestic flight ay magiging P200.00, samantalang sa international flights naman ay tataas mula sa P500.00 at magiging P700.00.

Pero bago umano ito ipatupad, aasahang magkakaroon pa ng proklamasyon sa publiko kapag naaprubahan matapos ang gagawing public hearing.

Nilinaw din ni Malonesio na walang exception sa pagbabayad ng terminal fee na ito, kahit pa Aklanon ang pasahero. 

Akelco, nagbaba ng P0.25/kwh


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Muling ibinaba ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) ang taripa sa per kilowatt hour sa residential epektibo ngayong bayaran ng buwan ng Mayo.

Sa kalatas na ipinalabas ng Akelco halos P0.25 sentimos ang ibinababa sa rate ng Akleco sa residential consumers.

Bunsod nito, mula sa P10.66 kada kilowatt hour para sa residential, inaasahang aabot na lang ito ngayon ng P10.42.

Samantala, para naman sa komersiyal na mga konsyumer, P0.26 sentimos ang ibabawas mula sa presyo nitong nasa P9.70 at ngayon ay P9.40 na lamang.

Kung maaalala, ito na ang ikalawang beses na nagbaba ng rate ang Akelco ngayong taon.

Gayon pa man, nagpaalala pa rin ang Akelco na magtipid sa pag-gamit ng kuryente. 

Wednesday, May 16, 2012

Guardiya ng Caticlan Jetty Port, nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated Homicide


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Bukas ay nakatakdang sampahan ng kasong Frustrated Homicide ang isang security guard na naka-duty sa  exit area ng Caticlan Jetty   Port, dahil sa di umano ay pagbaril nito sa isang dispatcher ng L300 van nitong banda alas-8:45 ng umaga.

Ayon kay Insp. Mark Cordero, hepe ng Malay Police, pinagsabihan umano ng 34-anyos na guwardiyang si Allan Delos Angeles ang 50-anyos na dispatser na si Carlos Pamat, kapwa taga-Caticlan, na tanggalin ang tent sa area na ito batay sa utos ng pamunuan ng pantalan.

Subalit nagkainitan umano ang diskusyon ng dalawa hanggang sa humangtong sa suntukan at mula doon ay pinaputukan ng guardiya ang dispatcher.

Tama naman sa kanang bahagi ng tiyan ang pinsalang natamo ng biktima kung saan sa impormasyon umanong nakalap ng Hepe ay agaw buhay ang  nasabing dispatcher sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo.

Agad naman aniyang sumuko kay Caticlan Punong Barangay Julieta Aron ang suspek, at nakuha mula dito ang 9mm pistol at mga bala, na kasalukuyang nasa kustudiya na ng Malay Pulis. 

International Flight ng China sa KIA, kanselado na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Kinumpirma na ngayong hapon ni Kalibo International Airport (KIA) Manager Percy Malonesio na kinansela na ang International Flight ng China ng papuntang Kalibo simula kahapon, Mayo 15.

Sa komunikasyon na ipinadala umano ng Philippine Airline (PAL) kay Malonesio, pansamantala muna nilang ititigil ang beyahe dito epektibo kahapon.

Gayong pansamantala lamang, sinabi ng Manager na babalik naman ang operasyon ng International Flight ng PAL sa hindi pa malamang petsa.

Pero nilinaw ni Malonesio na tanging ang China papunta Kalibo lamang ang nagkansela ng biyahe.

Samantala, ang biyahe mula at papuntang Taipei, Hong Kong at South Korea ay wala naman umanong problema sa ngayon. 

Pag-alma ng mga vendors, inaasahan na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa balak ng Sangguniang Bayan ng Malay na mahigpit nang ipatupad sa Boracay ang pagbibinta ng mga peke na produkto o items.

Naniniwala si naman Bayan Member Rowen Aguirre, Chairman ng Committee on Laws and Ordinances, na posibleng mag-react nga dito ang mga vendors sa Boracay.

Pero ang bawal umano talaga ay bawal, kaya ang batas ay dapat ipatupad, at  hindi naman umano dapat masisi ang tagapagpatupad kung ma-implement ang national law ukol dito.

Ngunit gayong ang mga vendors at mga establshemento na ito na nagbibinta ng peke ay nabigyan ng permit mula sa lokal na pamahalaan ng Malay at barangay.

Sinabi ni Aguirre na ang mga vendors lang naman umano ang binigayan ng permit at hindi ang kani-kanilang paninda. 

Batas para sa pekeng paninda sa Boracay, balak nang ipatupad


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

“Ang bawal kasi ay bawal, lalo pa at may national law na sumasaklaw dito”.

Ito ang mariing sinabi ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre, Chairman ng Committee on Laws and Ordinances, batay sa panayam dito kahapon, kaugnay sa balak ng Sanggunian na ipatupad ang batas ukol sa pagbibenta ng mga pekeng items sa Boracay na kinabibilangan ng mga sunglasses, cell phone accessories, DVDs at iba pa.

Sapagkat kung wala pa naman aniyang lokal na batas ang bayan para dito, naririyan umano ang national laws na dapat ding ipatupad.

Paliwanag ni Aguirre, bawal talaga ang pagbinta ng peke lalo pa at ito ay ginaya o pineke ang isang signature o original brand ng isang produkto.

Kaya may karapatan naman anya ang may-ari ng pangalang o brand na protektahan din ang kanilang kumpaniya, kaya mariin itong ipinababawal.

Lalo pa anya at mga pekeng items ito at dinadala pa ang pangalan ng isang kumpaniya, kaya para maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili at kumapniya  nakasaad sa Intellectual property Law ng bansa ang mga bagay na ito.

Matatandaang kahapon sa session ng konseho binuksan ni SB Member Jonathan Cabrera at Aguirre ang usaping ito, dahil sa ang Boracay umano ay “world tourist destination”, pero ang mga paninda dito karamihan ay mga peke at inaalok pa sa mga turista, gayong sa batas ay klarong bawal ito.

Konseho, tutulong sa negosasyon ng circumferential road


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nakabuo na ng proposisyon ang Sanguniang Bayan ng Malay para mabigyan ng solusyon ang suliranin ukol sa circumferential road sa Boracay.

Sa session kahapon ng konseho, inamin ni Engr. Tabuena, OIC District Engineer ng DPWH Aklan, na hininto sa kasalukuyan ang ginagawang pagtatambak sa bahagi ng lawa sa Balabag kung saan dadaan ang proyekto.

Pero dahil sa ang DPWH Regional Office umano ang gumagawa ng Phase 3 ng proyektong ito, sa ngayon ay hindi pa aniya nila batid kung ano ang resulta, ngunit sa pagkaka-alam umano nito ay hinihintay na lang ang environment compliance certificate (ECC) mula sa DENR 

Maliban dito, ang problema umano sa Bolabog area upang mai-konekta ang kalsada o proyektong ito sa Main Road ay isa pa sa tinututukan nila.

Dahil sa kawalan ng “road right of way”, kaya ang isa sa plano ay idaan ito sa baybayin.

Ngunit hindi dito sang-ayon ang konseho, kaya nagpasya ang mga ito tumulong sa negosasyon para mai-iwas sa beach ang proyekto, gayong ang may-ari lang din ng mga lupain ito ay kamag-anak lang din ng ilang miyembro ng konseho.

Tuesday, May 15, 2012

SB Malay, sisilipin ang sitwasyon ng front Beach


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nakatakdang magkaroon ng inspeksiyon ang Sangguniang Bayan ng Malay sa front beach ng Boracay ngayon linggo para silipin ang kasalukuyan sitwasyon sa baybayin lalo na ang mga istrakturang nakalatag doon.

Layunin ng isasagawang inspeksiyon ay upang makita nila kung ano ba ang dapat ayusin o tanggalin kung kinakailangan, ng sa ganon ay mailatag nila ito sa paraan ng ordinansa.

Bagamat may kasalukyan ordinansa sa Boracay na bawal ang straktura  sa front beach partikular sa vegetation area, dahil sa nagiging sagabal na ito, ngayon na umano ang pagkakataon nila para makita kung may dapat ding bang ayusin o baguhin para maging akma sa kasalukuyang panahon at kondisyon o ameyendahan na ang batas na ito.

Ito ay dahil ang konseho aniya ay maaari din gumawa ng mga rekomendasyon kahit pa ang saklaw lang nila ay ang gumawa ng batas sa bayan.

Pero hindi umano nangangahulugan na kung ano man ang nakita nilang maling gawain sa front beach ay hahayaan na lamang nila o ipipikit nalang ang kanilang mga mata. 

Beach ng Boracay, magulo na at ginagamit na pangkomersiyo --- SB Aguirre


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Klaro ang nakasaad sa ordinansa, na lahat ng istrakturang nakalatag sa front beach ng Boracay partikular na sa vegetation area ay mahigpit na ipinagbabawal kaya kailangang itong tanggalin.  

Ito ang nilinaw ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre, Chairman ng Committee on Laws ang Ordinance ng SB Malay, batay sa panayam dito nitong tangghali.

Bilang reaksiyon na rin ito ni Aquirre sa una nang inihayag ni Island Administrator Glenn Sacapaño.

Hindi na nila umano tinatanggal pa ang mga tent na nakalatag sa vegetation area dahil may mga pag-uusap na aniya sila ng may-ari ng estabishimiyementong naglagay ng tent, sa kundisyon na tanggalin lang ang mga bangko at mesa kapag araw, at klaro naman aniyang bawal ayon kay sa konsehal.

Kaya kung pinapayagan aniya ng lokal na pamahalaan ng Malay na maglatag ng tent o anumang istraktura sa vegetation area, ay hindi umano nito alam kung saan kinuha ng tagapag-patupad ng ordinansa sa isla ang kanilang sariling interpretasyon.

Dati ay malinis naman umano ang vegetation area, at ngayon lamang nangyari ang ganito na magulo na at ginagawa pang komersiyal, na dapat ay ipinipreserba ito at bukas sa lahat o publiko at hindi lamang para sa iisang tao.

Matatandaang sa panayam nitong nagdaang buwan kay Island Administrator Sacapaño ay sinabi nito na hindi na nila tinanggal ang mga tent at ilan pang istraktura katulad ng paglagay ng bakod sa vegetation area, dahil nagsisilbi naman itong silungan ng mga turista kapag mainit o maulan.

Ahensiyang tutugon sa pagbebenta ng mga pekeng paninda sa Boracay, tinukoy


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sinang-ayunan naman ni Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre ang panukala ni Sangguniang Bayan Member Jonathan Cabrera na bigyang atensiyon na ang mga ibinebentang pekeng items sa Boracay.

Ayon kay Aguirre, nasa isip na rin aniya nito ang hinggil dito, katunayan ay nakapag-research na ito sa bagay na ito kung ano ang batas na sakop ng nasabing panukala.

Alam naman umano ng lahat na bawal magbenta ng peke sa mga consumer, may tatlong ahensiya aniya siyang nakita na makakapag-aksiyon hinggil dito.

Unang natukoy ay ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Bureau of Customs (BoC).

Bunsod nito, gayong nasa privilege hour pa lang ito nilatag, aasahan magkakaroon pa rin ng mga pagdinig ang konseho ukol sa bagay na ito.  

Mga nagbebenta ng peke sa Boracay, nanganganib na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tila nangananganib na ngayon ang kabuhayan ng mga nagbebenta ng mga pekeng items o sa sidewalks, katulad sa front beach at mga establishimiyemento  sa Boracay.

Ito ay dahil nabuksan na sa Sangguniang Bayan ng Malay ang pagbibigay atensiyon sa mga panindang ito, gaya ng mga pekeng sunglasses, charger at kung anu-ano pang nilalako o ibinibenta sa isla.

Sa privilege speech ni SB Member Jonathan Cabrera, huminggi ito ng saklolo sa kapwa konsehal kung ano ang maaari nilang gawin sa mga pekeng paninda na ito.

Ayon dito, ang lumalabas aniya sa kasalukuyan ay tila hinahayaan o pinapayagan lamang ng lokal na pamahalaan ng Malay ang ganitong kalakaran, gayong ang Boracay ay kilala bilang sikat na World Tourist Destination pero ang paninda ay mga peke.

Kinuwestiyon din ng nasabing konsehal kung ano ang naging aksiyon sa bagay na ito ng Department of Trade and Industry (DTI), gayong ang nangyayari aniya ay madalas hands off ang ahensiyang ito pagdating sa Boracay.

Maliban dito, nakita rin umano nito na tila hindi binibigyang prayoridad ng tagapag-patupad ang batas ukol dito.

Paliwanag ni Cabrera, ang nais lamang niya aniya ay maprotektahan ang kapakanan ng mga consumer batay sa National Law. 

Dr. Salaver, payag na’ng mapasama sa pagkakalkal sa pangunahing problema ng Boracay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi lamang si Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay, ang dismayado sa naging sitwasyon ng drainage at sewerages system sa Boracay, kundi siya na rin umano mismo ay nahihiya na sa kalagayang ito para sa isla.

Ito ay dahil tumagal ng umano ng ilan taon ang problemeng ito at hanggang sa ngayon ay nagtuturuan pa rin kung sino ang dapat umakasiyon.

Sa totoo lang, aniya, siya bilang Municipal Health Officer ng Malay at Boracay ay nakagawa na ng kaniyang mga rekomendasyon para masolusyun ito.

Kaya naman bilang tugon nito sa balak ng Sangguniang Bayan ng Malay na papaimbestigahan ang sulirain sa drainage at sewer system na siyang matagal nang pinuproblema sa Boracay para mapanagot kung sino man ang may responsibilidad sa problemang dinulot ng proyekotng ito.

Isa din ang tanggapan ng doktor sa plano ng SB na mag-iimbestiga kasama ang municipal environmentalist.

Reaksiyon ni Salaver, ang Sanggunian umano ang mas magkapangyairahan para sa pag-iimbestiga kapag pinatawag ang mga kumpaniyang sangkot para usisain kaya nagtataka ito kung bakit sila pa.

Ngunit nilinaw nito na kapag nagkataon at sa kanila ibigay ang pag-iimbestiga sa kanila, ay sino ba naman aniya ito para tumanggi kung para naman sa pagbibigay solusyon sa problema ang layunin.

Monday, May 14, 2012

Maliliit na mga hawksbill sea turtles, nasagip sa Tambisaan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Halos 100 na pawikan na naman na bagong pisa ang nasagip nitong umaga sa Tambisaan, Barangay Manoc-manoc, makaraang madiskubre ito sa buhangin na nasa kusina ng isang restaurant sa nasabing lugar.

Sa impormasyon mula kay Felix Balquin, Marine Biologist ng lokal na pamahalaan ng Malay at Bantay Dagat, ang maliliit na mga pawikang ito na kilala bilang “hawksbill” at isang klase ng sea turtle ay nakuha mula sa kusina ng isang restaurant  na pinamamahalaan Imelda Sevilla.

Nitong tanghali ay pormal nang ibinigay sa Bantay Dagat ang mga naturang pawikan para sa tamang pangangalaga.

Nabatid mula kay Balquin na umabot sa 97 ang bilang ng mga pawikan na pinakawalan kaninang hapon sa baybayin ng Boracay kasabay ng pag-lubog ng araw.

Samantala, hiniling din ni Balquin sa publiko, na sakaling may makita o mamataang itlog o maliliit na pawikan sa baybayin ay hayaan na lang ito at ipagbigay alam agad sa kanilang tanggapan.

Matatandaang nitong nagdaan buwan ng Marso ay halos 100 pawikan din ang nasagip mula sa baybayin ng Poblacion Malay, na pinakawalan din sa baybayin ng mga taga Bantay Dagat. 

Pagdausdos ng bilang ng Chinese tourist arrival sa KIA, nararamdaman na


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Wala umanong pagkanselang nangyari sa mga international flight o direct flights papuntang Kalibo mula China at Taipei Taiwan.

Ngunit inihayag ni Percy Malonesio, Administrator ng Kalibo International Airport (KIA), na ramdam na rin umano sa palipiran ang pagbaba ng bilang ng mga turistang Chinese papuntang Boracay dahil bahagayang humina ang pagpasok ng mga Tsino sa KIA.

Sinabi din ni Malonesio na mayroong pagbabago sa oras at bilang ng mga lumalapag na eroplano mula Hongkong, China Taiwan at iba pa, dahil ang nangyayari aniya ay wala naman regular ng schedule ang mga ito dito sa KIA.

Mga chartered din lamang ang mayroon, kaya naka-depende sa dami ng pasahero ang paglapag ng mga eroplanong ito sa paliparang ito.

Ganoon pa man, aminado ito na nagbawas nga talaga ng biyehe ang ibang airline company kung saan dati ayon dito ay halos umaabot sa labin tatlo ang flights pero bumaba na ito ngayon.

Naniniwala naman ang adminstrador na walang koneksiyon sa isyu ng China at Pilipinas ang pagbawas ng flights dahil ginawa umano ito bago paman ang travel advisory ng China Government sa kanilang mga kababayan na may balak magbakasyon sa bansa.

Samantala, sa susunod pang mga araw, posibleng at aasahan umano ang pagbaba ng bilang nga mga Tsinong turista.

Ngunit sa kasalukuyan ay maganda pa umano ang relasyon nila ng mga airline companies at batay sa mga pag-uusap nila ay wala pa naman umanong binabanggit ang mga ito na magkansela ng flights patungong Kalibo.

Aklan, makakatangap ng P4.3 B na tulong mula sa Australian government


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Apat na taon simula ngayong taong 2012 ay makakatanggap ng aid o tulong ang probinsiya ng Aklan mula sa Australian government  na nagkakahaaga ng P4.3 B.

Ito nag kinumpirma ni Aklan Governor Carlito Marquez sa panayam dito kung saan, ang perang ipagkakaloob sa Aklan ay gagamitin para sa pagsasa-ayos sa farm to market road sa paglalayun mapa-unlad ang kabuhayan at agrikultura ng Aklanon.

Sa kasalukuyan nabaitd mula sa gobernador na nagkakaroon na ng inspeksiyon ang Australian government sa area o bayan ng Madalag at Libacao, na siyang makakabenipisyo sa nasabing programa.

Bunsod nito, aasahan aniya na ilang opisyal at namumuno ng mga departamento sa probinsiya ay ipapadala sa para sa pagsasanay sa  banasang Austrilla bilang bahagi sa pagtupad sa kasunduan.

Bagamat ang bagay na ito ay kumpirmadong matutuloy na ayon kay Marquez na magtatapos hanggang taong 2015.

Kasalukyan ay inihahanda na umano nila ang ilang pa sa mga requirements na hinihinggi ng mga dayuhang ito na nais magpa-abot ng tulong sa pamahaalaan sa Aklan.

Pagkakaroon ng insurance para sa mga tricycle at multicab sa Boracay, isinulong ng SB Malay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Para sa seguridad ng mga pasahero sa Boracay, isinusulong na ngayon sa Sangguniang Bayan ng Malay ang panukalang pagkuha ng insurance ng lahat ng uri ng pampublikong sasakyan sa isla.

Sa ordinansa isinusulong ngayon sa konseho, nakasaad na lahat ng may-ari/operator ng mga tricycle at Multi Cabs sa Boracay ay dapat kumuha ng insurance sa nga insurance company para sa mga driver at pasahero.

Gayon pa man, ang ordinansang ito ay nakalagak na ngayon sa agenda ng SB, pero nakatakda pa itong idaan sa mga pagdinig bago maging ganap na batas sa Boracay.

Matatandaang ang iba sa mga nabanggit na sasakyang ito at walang insurance, maliban na lamang sa pangako ng  Boracay Land Transportation Multi-purpose Cooperative (BLTMPC) na ayuda sa ibang aspeto para sa mga miyembro nila. 

Sunday, May 13, 2012

“Close coordination” at paglilinis sa buong komunidad, solusyon sa Dengue


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Komunidad pa rin ang may malaking papel para makaiwas sa nakakamatay na sakit na dengue lalo na ngayon pagpasok ng tag-ulan.

Ayon kay Dr. Adrian Salaver, Municipal Health Officer ng Malay, hindi lamang dapat iisang bahay ang naglilinis o lilinisin, gayong ang lamok na nagdadala ng sakit na ito ay palipat-lipat aniya ng lugar.

Dagdag pa nito, ang pakiki-isa umano ng buong komunidad ay mahalaga pa rin para maiwasan ang pagdami ng lamok.

Subalit kapag may nakita umanong isang lugar sa pamayanan ng maaring pagitlugan ng lamok lalo na ngayong tag-ulan, hiling ng doctor na sana ay ipagbigay alam na ito sa Municipal Health Office upang malagyan ng kemikal at hindi na mapangitlugan pa ng mga insektong ito.

Kaya naman, mas mainam aniya sa sitwasyong ganito kung may close coordination ang publiko sa Municipal Health Office, gayong ang sakit na ito ay dapat buong taon ding pinaghahandaan, sa paraan ng palilinis.

Ang panayam na ito kay Salaver ay kasunod ng napabalitang may isang kaso ng dengue na naitala nitong nagdaang lingo sa Boracay, gayong din sa ibang bayan sa Aklan.

Matatandaang ang buwan ng Hunyo ang buwan na siyang itinuturing na panahong kung saan marami ang nagkakasakit ng dengue.

Tambisaan Port, hihingan ng ayuda ni Governor Marquez sa PTC-Aklan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ramdam na umano ng pamahalaang lokal ng Malay na kailangan na ngang paunlarin ang Tambisaan Port na siyang nagsisilbing pantalan para sa mga pasaherong turista o residente man ng Boracay kapag dumating ang Habagat Season.

Ngunit balakid ngayon sa balak na pag-sasaayos ng LGU sa pantalan na ito ay ang sitwasyon ng lupain kaya hindi pa magalaw-galaw, ayon kay Malay Administrator Godofredo Sadiasa ang area na ito na siyang paglalatagan ng proyekto.

Gayunpaman, naniniwala itong hindi naman siguro ganoon kahirap ang sitwasyon sa Tambisan Port na matagal sa pagpapababa sa mga pasahero mula sa mga bangka at kailangang mag-antay ang iba o pumila.

Kung nasusunod lang aniya ang kanilang regulasyon na matapos bumaba ng mga pasahero ay alisin din agad ang bangka para makadaong din ang iba.

Samantala, batid rin umano ngayon ng LGU na kailangan talaga na magkaroon ng palikuran sa pantalang ito, kaya ang kasalukuyang pampublikong palikuran doon ay siya nalang aniya ang aayusin nila.

Sa bahagi naman ng pamahalaang probinsiya, sinabi ni Aklan Governor Carlito Marquez, na ang suliranin sa Tambisan Port ay ipa-abot nito sa Provincial Tourism Council ng Aklan para ayudahan ang LGU Malay. 

Pagbaba ngt bilang ng mga Chinesse National sa Boracay, hindi pa ramdam


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi pa ramdam sa Boracay ang pagbaba ng bilang o tourist arrival ng mga Chinese National na bakasyunista batay sa obserbasyon kahapon ng Municipal Tourism Office/MTO sa Caticlan Jetty Port.

Ayon kay Richan Casidsid ng MTO, sa kabila ng advisory ng Chinese government sa kanilang mga kababayan na wag magtungo sa Pilipinas, nanatiling walang ipinagbago umano o normal pa rin ang pagdagsa ng mga Tsino papuntang Boracay kung ikumpara nitong mga nagdaang araw at buwan.

Ito ay batay aniya sa datus na nakalap nila mula sa Boracay o Caticlan Airport at Jetty Port.

Gayon pa man naniniwala si Casidsid na hindi ito ramdam sa ngayon dahil ang mga arrivals simula kahapon ay matagal nang naka-booking kaya hindi pa naabutan ng travel advisory ng China.

Ang pahayag na ito ni Casidsid ay kasunod ng napabalitang pagkansela sa bookings ng mga Chinese National na magbabakasyon sa Boracay, dahil na rin sa isyung namamagitna sa China at Pilipinas kasabay ng inilunsad na Anti- China Rally sa bansa.