YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, April 13, 2018

ManocManoc Barangay Assembly, dinagsa

Posted April 13, 2018
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST BORACAY

Image may contain: 1 person, crowdDinagsa ang ManocManoc Covered Court ng mga tao kahapon sa naganap na Barangay Assembly.

Tinatayang nasa tatlong-libo ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon na karamihan ay mga residente, mga manggagawa at representante mula sa  iba’t ibang sektor.

Nagsimula ang pulong sa pagbibigay ni ManocManoc Punong Barangay Chona Gabay ng kanyang State of the Baranggay Address para malaman ng mga tao kung saan napupunta ang kanilang mga ibinabayad kasama na ang paglatag ng mga natapos na proyekto ng Barangay.

Image may contain: 3 people, crowd and indoorSumentro rin sa mga pagtatanong ang tungkol sa Barangay ID kung saan temporaryo munang ipinatigil subalit ayon sa mga opisyales ng barangay ay bukas pa rin sila para sa application ng mga nais kumuha para makasama sa profiling.

Sa kabilang banda, naghiyawan naman ang mga tao ng pabulaanan ni Boracay Water COO/General Manager Mr. Joseph Michael A. Santos na walang magaganap na shutdown sa kanilang operasyon.

Image may contain: 1 person, crowdNagpasiguro naman ang hanay ng pulisya na narito sila sa Boracay para mapanatili ang peace and order at maging maayos ang gagawing rehabilitasyon.

Nagpaalala din sa naturang pulong na mas maiging pumunta na lamang sa Barangay kung may mga katanungan ng sa gayon ay maiwasan ang mga haka-haka.

Kaugnay sa mangyayaring closure ng isla, ayon sa Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO), wala pang proper guidelines at hinihintay pa nila ang contingency plan ng LGU.

Ngayong araw naman ang huling araw para sa ginagawang validation survey ng  MSWDO ngunit siniguro nila na ang mga kabahayan na hindi nadaanan ay babalikan nila dahil magkakaroon pa ng validation bago ang Abril 26.

Samantala, sa panghuling mensahe ni Gabay ibinibigay nito ang kasiguraduhan na anuman ang kanilang matanggap na tulong ay makakaabot sa mga residente.

Thursday, April 12, 2018

BIWC at AKELCO, walang natanggap na sulat kaugnay sa pagshutdown ng kanilang operasyon sa Boracay

Posted April 12, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for akelcoWala umanong natanggap na sulat o order ang opisina ng Boracay Island Water Comapany at AKELCO hinggil sa balitang ipapa-shutdown ang kanilang operasyon sa isla ng Boracay.

Sa pahayag nina Acs Aldaba,  Operations Manager ng BIWC at AKELCO Boracay Sub-Office Manager na si Ching Ocampo, wala umano silang natanggap na kahit anumang sulat o anumang impormasyon na ipinapahinto ang kanilang operasyon alinsunod sa pagpapasara ng Boracay sa Abril 26.

Pagsasabi pa ni Aldaba, hindi umano pwedeng ipasara ang water supply sa isla, dahil marami ang maaapektuhan kapag ipinatupad ito.

Image result for boracay water companySa kabilang banda, pinabulaan rin ni Ocampo itong balita, aniya, patuloy parin sila sa pagbibigay ng power supply sa kabila ng ipapasara ang Boracay.

Magkakaroon lang umano ng power interruption sa oras na masimulan ang road widening dahil ililipat at aayusin ang mga poste ng kuryente.

Samantala, magbababa naman ang dalawang kompanya ng press release upang ipaalam sa publiko na walang katotohan na mawawalan ng supply ng tubig at kuryente sa anim na buwang rehabilitasyon ng Boracay.

Pag-issue ng Barangay ID sa Boracay, pansamantalang pinatigil ng LGU-Malay

Posted April 11, 2018
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Pansamantala munang pinatigil ng LGU-Malay ang pag-issue ng Barangay Identification Card sa tatlong Barangay ng , Yapak at ManocManoc sa isla ng Boracay.

Ayon sa Office of the Mayor, pinayuhan umano ni Mayor Ceciron Cawaling ang mga Punong Barangay ng mga nasabing lugar na itigil muna ang pagbibigay ng Barangay ID dahil sa nagkakagulo sa mga Barangay Hall sa pagkuha nito.

Nitong mga nakalipas na araw kasi ay dumagsa ang ilang residente at mga manggagawa para maka-proseso ng nasabing ID bago ang naka-ambang pagsara ng Boracay sa Abril 26.

Mahaba ang pila at tila naghahabol sa oras ang ibang pumunta lalo na sa Barangay Balabag at ManocManoc kung saan kahit tanghali na ay tinitiis pa rin ang sitwasyon.

Image may contain: one or more people and people standingAyon sa LGU Malay, ang pansamantalang pagtigil ng issuance ng Barangay ID ay hakbang upang ayusin muna ang tamang proseso ng mga taong kukuha nito.

Pinawi naman ng LGU na hindi lang Barangay ID ang pwedeng i-presenta upang makapasok o makatawid ng Boracay dahil kahit government o company ID  basta ang address ay nasa Boracay ay pwede itong gamitin.

Bago nito, nag-anunsyo ang Inter Agency Task Force na pagbabawalang makapasok ang mga turista sa panahon ng closure maliban sa mga residente at manggagawa ng Boracay.