Posted March
14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bukas na umano ang gagawing test power distribution sa
grid ng Petrowind Energy, Inc. sa bayan ng Nabas sa Aklan.
Ito ang sinabi ni Akelco Engr. Joel Martinez, kung saan
ang nasabing umanong testing ay para masukat ang kapasidad ng wind power
production ng nasabing kumpanya.
Nabatid na ang Petrowind wind farm sa Nabas ay
naglalayong makapag-bigay ng 50 megawatts na power ng kuryente kung saan ito
rin ang ikinukunsidira bilang pinakamalaking single investment sa probinsya ng
Aklan ngayon.
Sinabi pa nito na ang test operation ay para matukoy na
ang bagong tayong wind farm ay handa ng makapag-generate ng elektrisidad.
Samantala, ang Petrowind wind na itinayo sa paanan ng
bundok sa bayan ng Nabas ay inaasahang bubukasan din sa publiko para maging
isang tourist destination sa probinsya ng Aklan kung saan tanaw mula dito ang
isla ng Boracay at Carabao, Island sa Romblon.