Posted August 15, 2018
Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Nagsagawa ng Sticker Tagging o paglalagay ng sticker sa
lahat ng mga sasakyan sa Boracay ang Land Transportation Office pakikipagtulungan ng Malay Trasportation and Regulatory Office.
Sa panayam kay LTO Kalibo Acting Chief Engr. Marlon
Villes, ang Motor Vehicle Sticker Tagging ay proyekto ng DOTr, LTO at LTFRB
para ma-inventory at madaling matukoy ang mga legal o lehitimong sasakyan sa
loob ng Boracay.
Ang ang mga nalagyan ng sticker ay nangangahulugan na
kumpleto at hindi expired mga dokumento kasama na ang nagmamaneho nito.
Ayon pa kay Villes, sa pagkuhka ng Motor Vehicle Tagging
sticker kailangan ang pagsumite ng updated Official Receipt at Certificate of
Registration ( OR/CR), Permit to Transport (LGU-Malay) at photo copy ng
Driver's License.
Layunin din ng proyekto na maalis ang mga illegal na
sasakyan dahil sa record ng MTO-Malay ay nasa mahigit limang libo na umano ang
sasakyan sa loob ng Boracay dahilan ng pagsikip ng kalsada na hindi angkop para
sa isla.
Kaugnay nito, hinihintay din umano nila ang abiso ng
Boracay Interagency Task Force kung lilimitahan na ba ang pag-operate ng sa isla, pero sa ngayon ani Vellis itong hakbang ay bahagi ng
pakikipagtulungan sa rehabilitasyon para ma-decongest ang sobrang dami ng
sasakyan.
Samantala, ipinasiguro ni Vellis sa mga hindi nakakuha ng
Sticker Tagging na pwedeng silang kumuha tuwing Miyerkules dahil narito naman
sila para sa kanilang ginagawang mobile inspection ng mga sasakyan.
Panawagan nito sa lahat ng motor vehicle owners at
operators na puntahan sila sa opisina ng BLTMPC para mapabilang sa ginagawa
nilang inventory ng mga sasakyan sa isla.
#YesTheBestBoracayNEWS