YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 06, 2016

Construction worker, kulong matapos manggulo sa isang gasolinahan

Posted Febuary 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulongKulong ang isang construction worker matapos itong manggulo sa isang gasoline station sa Station 3 Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, ini-reklamo ni Nina Pretzel Zonio 18-anyos pump girl ng gasoline station si Agapito Cajilo 40-anyos na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin dahil sa ginagawang iskandalo kung saan pinagsabihan pa umano siya ng masasamang salita.

Maliban dito may hawak pa umano ang suspek na sigarilyo kung saan sinasabing mapanganib sa naturang gasoline station.

Sa ngayon ay pansamantalang naka-kustudiya sa Boracay PNP Station ang suspek sa kanyang nagawang panggugulo.

MAP sa Boracay, may paalala sa mga driver/Operator na hindi pa nakapag-renew ng permit

Posted Febuary 6, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for tricycle boracayPinaalalahanan ng Malay Auxiliary Police (MAP) sa Boracay ang lahat ng mga driver at operator na hindi pa nakapag-renew ng kanilang permit.

Ayon kay Chief Rodeto Absalon, Traffic Aid 2 ng Malay Auxiliary Police (MAP), magtatapos na umano ang deadline sa mga kukuha ng kanilang permit sa darating na February 20, 2016.

Sinabi nito na mas mainam kung mag-renew na ang mga ito ng permit dahil sa pagtatapos ng deadline ay manghuhuli na sila sa mga driver na walang maipapakitang permit.

Maliban dito, sinabihan naman ni Absalon ang mga driver na matigas ang ulo na huwag ng daanan o mag-parking sa mga ipinagbabawal na lugar kung ayaw nilang mahuli.

Kaugnay nito huhulihin din umano nila ang tricycle driver na hindi nagpapasakay ng pasahero dahil sa may ordinansa na umano para rito kung saan dapat umanong kunin ang body number o plate number ng sasakyan ng pasahero na hindi pinasakay para at isumbong sa mga kinauukulan.

Registered voters sa Boracay, umabot na sa mahigit 21 libo

Posted February 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for registered voters eleksyon
Umabot na sa dalawamput isang libo anim na raan at dalawamput dalawa ang registered voters sa isla ng Boracay.


Ito ang sinabi ni Malay Comelec Officer II Elma Cahilig sa himpilan ng YES FM Boracay.

Ayon kay Cahilig ang Brgy.ng Manoc-manoc umano ang may pinakamaraming botante sa isla kung saan umabot ito sa 10, 961 habang ang Balabag ay 7, 191 at ang Brgy. Yapak naman ay 3, 470.

Sinabi nito na may kabuuang bilang ngayong 33, 818 registered voters ang Malay para sa national at local elections sa darating na May 9, 2016.

Dahil dito, nakatakda naman ang local campaign sa March 25 hanggang May 7 ngunit mahigpit umanong ipinagbabawal ng Comelec ang pangangampanya sa panahon ng kwaresma.

Nabatid na itinakda ng Commission on Elections ang pangangampanya ng 90 days sa national at 45 days naman sa local.

Ang Malay ang pangalawang bayan sa Aklan na may pinakamaraming botante kung saan ang bayan ng Kalibo naman ang may pinakamarami.

Member/consumers ng AKELCO, maaari ng magbayad ng bill sa pawnshop?

Posted February 6, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for AKELCOIsa umanong malaking “good news” para sa mga miyembro at kunsumidor ng Aklan Electric Cooperative (AKELCO) kung sakaling matuloy na ang pagbayad ng bill sa isang pawnshop.

Ayon kay Yoko Mendoza PIO ng Akelco, nasa pag-uusap na umano ito ngayon ng Akelco management board at ng kilalang pawnshop sa bansa para sa isang partnership.

Sinabi nito na kung maaaprobahan na ito ay hindi na kailangang pumunta pa sa opisina ng Akelco para magbayad kundi puwedi na sa kanilang magiging partner na pawnshop.

Kaugnay nito, ito na rin umano ang solusyon sa sinasabing kakulangan ng Ambulant telering at mahabang pila sa isla ng Boracay sa panahon ng pagbabayad ng bill.

Nabatid na maraming nagrereklamo sa AKELCO Office sa Boracay dahil sa mabagal na operasyon dulot ng kakulangan ng empleyado na siyang nagreresulta ng mahabang pila ng mga nagbabayad ng bill sa kuryente.

Kaugnay nito, nakatakda umanong idulog ni Mendoza sa isasagawang forum ang naturang problema sa Boracay kung saan wala pa umano sa desisyon ngayon ng kanilang department at ng division ang magdagdag ng tao sa Boracay.

Friday, February 05, 2016

PFO Aklan, sumulat kay Gov. Miraflores para sa pag-operate ng patrol boat

Posted Febuary 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay


Image result for boatSumulat umano si OIC, PFO Aklan Mr. May Guanco ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAV) kay Gov. Florencio Miaraflores kaugnay sa operasyon ng bagong patrol boat sa Aklan.

Sa SP Session sa Kalibo, hiniling ni Guanco sa gobernador na kung maaari ay gumawa ng TWO o Technical Working Group para sa pag-gamit, pagbibigay ng guidelines, plano at protocol para sa pag-operate ng nasabing bangka.

Awtomatiko naman itong pangungunahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAV) para sa pagbigay ng angkop na mga dapat gawin sa pag-operate nito.

Samantala, gagamitin ang nasabing patrol boat sa tatlong bayan sa Aklan na kinabibilangan ng Altavas, Batan at New Washington.

Nabatid na layun ng operasyon nito ay para mabantayan at ma-protektahan ang Coastal Waters sa probinsya laban sa Illegal fishing at iba pang illegal na gawain ang karagatan.

Patay na sanggol na nakita sa MRF ng Manoc-manoc patuloy na iniimbestigahan

Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for PATAY NA SANGGOL SA BASURAHANPatuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Womens and Children Desk Office ng Boracay PNP sa natagpuang patay na sanggol sa Material Recovery Facility (MRF) sa Brgy.Manoc-Manoc Boracay nitong Miyerkules.

Ayon sa isa sa mga Staff ng MRF, walang tigil ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis para matukoy kung saan nagmula sa naturang baranggay ang sanggol at kung sinong walang awang magulang ang nagtapon nito.

Ang sanggol ay nakita nitong Miyerkules ni Hermie Domingo na isang empleyado ng MRF kung saan nagsi-segregate ito ng basura ng makahawak siya ng mabasang bagay na inakala niyang kaning baboy.

Dito laking gulat ni Domingo ng makita niya ang sanggol na lalaki na nakakabit pa ang pusod at tinatayang nasa walo hanggang siyam na buwan at mistulang anak ng isang foreigner dahil sa itsura nito at laki.

Agad namang pinamisahan ng Manoc-Manoc Brgy. Council ang naturang sanggol at inilibing sa Manoc-Manoc Cemetery.

Naaresto sa Comelec gun ban sa Aklan, umabot na sa 13

Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umabot na ngayon sa 13 indibidwal ang naaresto sa probinsya ng Aklan matapos na lumabag sa Comelec Gun ban para sa 2016 National and Local Election.

Ito ay base sa tala ng Aklan Police Provincial Office (APPO) kung saan sampung patalim na ang nakumpiska mula sa mga civilian at tatlong mga baril simula Enero 10 hanggang nitong Enero 31.

Walo sa mga lumabag sa gun ban ay nahuli sa bayan ng Kalibo, tatlo sa bayan ng Numancia at dalawa naman sa isla ng Boracay na kinilalang si Ruel Zonio at Randy Ventura na nahuli noong Enero 26 matapos manghold-up sa isang tindahan ng cellphone sa isla.

Nabatid na ang 13 mga nahuli ay mahahaparap sa penalidad sa paglabag sa Comelec Resolution No. 10015 dahil sa pagdadala at paggamit ng mga ipinagbabawal at nakakamatay na armas sa panahon ng gun ban.

Nabakbak na mga kalsada sa Boracay pinuna sa SB Malay

Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for kalsada sa boracayIbat-ibang layer na umano ang kalsada sa Boracay dahil sa mga ginagawang construction.

Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa ginanap na ika-limang SB Session ng Malay nitong Martes.

Ayon kay Aguirre natatanggal na umano ang surfacing ng kalsada kung saan makikita na ring lumalabas na ang mga bato nito at hindi matibay ang ipinalit na semento matapos bakbakin.

Sinabi naman ni Engr. Agustin Torres ng National Building Code Office na isa sa mga naimbitahan sa Session, na dapat umanong ibalik kung ano man ang tinanggal bago ang construction kung saan nagbigay din ito ng payo na kailangan kumuha ng disensyo sa Department of Public Works and Hi-ways (DPWH) para sa mas matibay na kalsada.

Nabatid na makailang beses ng binakbak ang mga kalsada sa Boracay matapos ang ginawang paghuhukay para sa pagsasaayos ng mga drainage system at iba pang infrastructure improvement.

Portuguese national, ini-reklamo matapos manampal ng babae Posted Febuary 5, 2016

Posted Febuary 5, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterUmabot sa reklamo sa mga pulis ang ginawang pananampal ng isang turistang Portuguese national matapos itong manampal ng isang babae sa restaurant sa Station 2, D’mall, Brgy. Balabag, Boracay.

Sumbong ng biktimang si April Mirrales 28-anyos sa Boracay PNP, kumakain umano ito sa restaurant kasama ang kanyang kaibigan ng dumating itong suspek na si Amandio Rosario 39-anyos.

Dito tinatanong umano siya kung saan ang boyfriend ng kanyang kapatid kung saan sinagot naman umano niya ito ngunit nagalit umano ito sa kanya dahil sa patanong din ang kanyang sinagot kung saan agad umano siyang sinampal sa kaliwang pisnge.

Sa ngayon, ini-embistigahan pa ng mga pulis kung ano ang dahilan ng kabuuan ng insidente.

Operator/owner ng motorized at electric vehicles sa Boracay pinaalalahan sa Mayor’s Permit

Posted February 5, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for permitIlang araw nalang bago ang deadline para sa Mayor’s Permit.

Dahil dito nag-paalala ang Municipal Transportation Office (MTRO) sa mga operator at owner ng motorized at electric vehicles sa Boracay na kailangan na nilang mag-proseso at mag-renew ng kanilang Mayor’s Permit para makapag operate ang kanilang mga sasakyan.

Ayon kay MTO Officer Cesar Oczon, dapat maaayos na ito bago sumapit ang deadline sa Pebrero 20, 2016 upang maiwasan ang abala at penalidad.

Nabatid na ilan sa mga kailangang requirements sa naturang permit ay ang kopya ng nakaraang permit to transport, 2016 Barangay Certification para sa nasabing sasakyan, kasalukuyang LTO OR/CR at kopya ng business permit para sa business service company o hotel service extension.

Samantala, paalala pa ni Oczon na ang hindi pag-renew ng kaukulang permit ay pagmumultahin ng P2, 500 bilang pagsunod sa Municipal Traffic Code ng Malay kung saan naaprobahan ito noong 2015.

Thursday, February 04, 2016

Gov. Miraflores, tinalakay ang paglago ng kita ng Provincial Hospital

Posted Febuary 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  
      
“Ina-amin ko na marami tayong problema pero dini-deklara ko rin na hindi tayo nag-papabaya”.

Ito ang sinabi ni Gov. Florencio “Joeben” Miraflores matapos niyang talakayin sa kanyang huling State of the Province Address (SOPA) ang paglago ng kita ng ospital ng Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa Kalibo.

Ikinagagalak nito na nakuha ng ospital ang pinakamataas na koleksyong 89% kumpara sa ibang mga EEDD units o Economic Enterprise Development Department.

Samantala, ang hawak umano nila ngayong accounts na 80.1 % million na ibinigay na pondo ng DOH noong nakaraang taon ay gagamitin nila para sa mga specific health projects kabilang na ang mga municipal hospitals.

Dito pinasalamatan naman ng gobernador ang Provincial Health Office (PHO) Aklan sa kanilang pag-monitor sa mga ibat-ibang health programs at sa kanilang magagandang serbisyo sa publiko.

Accomplishment report ni Gov. Miraflores ikinatuwa ng BFI President

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ikinatuwa ni Boracay Foundation Inc. (BFI) President Dionesio Salme ang naging accomplishment report ni Aklan Governor Joeben Miraflores sa kanyang State of the Province Address (SOPA) kahapon.

Ito’y matapos banggitin ni Miraflores ang mga pagbabago sa isla ng Boracay kabilang na ang mga idinagdag na facilities sa Cagban at Caticlan Jetty Port gayon din ang kinita na P43. 9 billion sa turismo at ang pag-abot ng target na P1.5 million tourist arrival noong nakaraang taon.

Samantala, sa kabila nito, nais ngayong mapabilis ni Salme ang construction ng Boracay hospital gayon din ang iba pang mga imprastraktura para sa isla.

Nabatid na wala ngayong hospital sa isla matapos itong ipasarado ng gobernador noong nakaraang taon para bigyang daan ang construction at renovation project na hanggang ngayon ay hindi pa tiyak kung kaylan matatapos at muling magbubukas.

Isa si Salme sa mga naimbitahan sa nasabing SOPA kahapon kung saan kabilang naman siya sa mga pinasalamatan sa paglago ng turismo ng isla ng Boracay.

Karagdagang facilities sa Cagban at Caticlan Jetty Port ibinida ni Gov. Miraflores sa SOPA

Posted February 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for CATICLAN JETTY PORTIbinida kahapon ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa kanyang State of the Province Address (SOPA) ang mga bagong facilities at pagbabago sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Ito ay sa kabila ng madami umanong challenges at criticism na kanilang mga natatanggap.

Ayon sa gobernador nagdagdag sila ng mga facilities sa Caticlan Jetty Port kagaya ng fast cat, roro steel ramp at full truck scale para naman sa outbound roro vehicles.

Maliban dito, nagsagawa na rin umano sila ng pagsasaayos at rehabilitasyon sa mga facilities katulad ng access road, passageways, canopies, comport room at mga building.

Samantala, pinapabuti na rin umano nila ngayon ang terminal building sa Cagban na kinabibilangan naman ng installation ng exterior ceiling, glass enclosure, CCTV at steel ladder para sa mga bangka.

Dagdag pa nito na patuloy din ang construction ng holding area gayon din ang construction ng mas matibay na concrete pier.

Kabilang pa sa mga binanggit ng gobernador ay ang kasalukuyang ginagawang 2.64 hectares na MARINA Reclamation Project sa Caticlan.

Babae, nag-reklamo pagkatapos pagsabihang prostitute ng kaibigan

Posted Febuary 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ini-reklamo ng isang babae ang kanyang kaibigan matapos itong pagsabihan na isa siyang prostitute sa Sitio Bantud Brgy. Manoc-manoc, Boracay.

Sa report sa Boracay PNP, kinumpronta umano ng suspek ang biktima at pinagsabihan ito na siya ay isang prostitute sa harap ng madaming tao.

Ayon naman sa biktima sinabi nito na ang hindi pagkakasundo nilang dalawa ay dahil sa sinisingil nito ang suspek sa hindi pa nababayarang kinuhang grocery sa kanyang sari-sari store.

Dahil dito, mas minabuti naman ng mga pulis na i-refer ang naturang kaso sa Brgy. Justice System ng Manoc-manoc.