Posted April
1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang salitang binitawan ni BLTMPC Chairman Joel Gelito
laban sa mga tricycle driver na naninigarilyo habang namamasada sa isla ng Boracay.
Ayon kay Gelito, hindi umano nila ma-control ang mga
pasaway na mga tricycle driver na naninigarilyo sa oras ng kanilang pamamasada.
Kaugnay nito nagpatawag umano ang Boracay Land
Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) ng General Assembly na
dinaluhan ng mga may-ari ng tricycle unit sa isla.
Sinabi nito sa mga dumalo kung ano ang mahigpit nilang
ipinagbabawal sa mga tricycle driver sa Boracay katulad ng paninigarilyo sa
oras ng kanilang pagbiyahe lalo na ngayon at dagsa ang mga turista sa isla.
Dagdag pa ni Gelito, nagpakalat na umano sila ng text
brigade sa mga residente sa isla na maging mapagmatyag at isumbong sa kanilang
tanggapan ang sino mang makita nilang driver na sumusuway sa nasabing kautusan.
Ang parusa umano rito ay awtomatikong pagsuspendi sa mga
driver sa oras na mapatunayan ang kanilang pagkakamali.
Samantala, sinabi pa nito sa mga driver na kung wala
silang pagmamahal sa kanilang sarili dahil sa paninigarilyo ay patunay lamang
na hindi nila mahal ang kanilang mga pamilya lalo na ang kanilang mga pasahero
kung saan sila kumukuha nang pang-kain araw-araw.