YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 18, 2018

Ilang Wetland sa Boracay, gagawing Tourist Attraction

Posted June 18, 2018
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people smiling, people standing and indoor“Gagawing tourist attraction ang ilang wet land area sa Boracay”.

Ito ang sinabi ni DENR-CENRO OIC Atty. Richard Fabila ng matanong kung ano ang plano ng DENR sa mga declared wetlands sa isla.

Tinawag na “corporate social responsibility” ni Fabilla itong pag-adopt ng mga malaking kompanya sa ilang wetland na siyang plano nilang pagandahin at gagawing atraksyon sa mga turista oras na matapos na ang rehabilitasyon.

Dagdag pa nito na nakita na niya ang design at proposal kung saan napagkasunduan din nila na walang mangyayaring advertisement o pangalan ng kompanya na ilagay doon sa area bilang isa sa mga kondisyon.

Lilinisan ito at tatanggalin ang mga illegal structures doon at gagawin umano itong park kung saan ang ibang wetland ay lalagyan ng fountain at magkakaroon rin ng butterfly , firefly farm at pagagandahin para maging isang pasyalan.

Nauna nang sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu na natuwa ito at sa hakbang na ginawa ng ilang malalaking corporasyon para mapabilis ang paglilinis ng Boracay.

Samantala, mariing namang apela ni Fabila sa publiko na magtulungang linisin lalo na ang nasa Wetland 5 and 6 sa Mangroove area sa Lugutan at Tulubhan dahil kapag hindi ito malinis sigurado umanong maantala ang pagbubukas ng Boracay sahil sa isyu ng coliform.

#YesTheBestBoracayNEWS
#BoracayRehabilitation

DSWD, papalitan ang mga ini-rereklamong food packs

Posted June 18, 2018
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Boracay Island ---- Papalitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga ini-rereklamong food packs na umano’y naglalaman ng bigas na may “bukbok” at mga delata na ipinamahagi noong Sabado sa mga residente ng Boracay.

Ito pahayag ni Hector Roldan Focal Person ng DSWD, matapos samut-saring reklamo ang kanilang natanggap mula sa mga nabigyang residente dahil hindi umano nila ito mapakinabangan.

Kumalat kasi sa social media na ang mga ipinamahaging food packs ay parang expired na ang mga delata dahil may bula at ang bigas naman ay may amoy at may mga “bukbok” o rice weevil.

Paliwanag ni Roldan, ang bigas nilang ibinigay ay galing sa National Food Authority o NFA at ito umano ay hindi contaminated taliwas sa paniniwala ng iba dahil nilalagyan umano ito ng gamot para hindi ma-peste at wala naman itong epekto sa tao.

Pinabulaan rin nito ang kaugnay sa delatang ibinigay nila na hindi ito expired dahil sa 2019 pa ang expiration date nito.

Nabatid kase na ang ibang delata umano na ibinalik sa kanila ay pumutok na ayon sa kanya gawa umano ito sa paghawak.

Ani Roldan, sa dami ng mga ibinagay nilang food packs posible na ang ilan doon ay may problema subalit pinasiguro nito na ang karamihan ay nasa maayos at pwedeng kainin.

Samantala, humingi ito ng paumanhin at pinayuhan naman nito ang publiko na pumunta lang sa kanilang opisina at barangay kung may mga concerns para agad nilang maaksyunan.

#YesTheBestBoracayNEWS