YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, October 10, 2015

Lalaki patay matapos mabunggo ang sinasakyang motorsiklo sa truck

Posted October 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for accident graphicPatay na ng makarating sa ospital ang isang lalaki na bumunggo sa nakasalubong na 10 wheeler dump truck ang sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Rizal, Nabas, Aklan.

Ayon kay PO1 Alvin Raymundo ng Nabas PNP, nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang biktimang si Jerome Dela Cruz, 39 anyos ng Union, Nabas, Aklan ng maganap ang insidente kung saan papunta sana ito ng Caticlan, Malay.

Dito umano niya nakasalubong ang 10 wheeler dump truck na mina-maneho naman ni Danilo Dela Cruz ng San Juan, Bulacan na papuntang Poblacion Nabas.

Napag-alaman na nawalan ng kontrol sa manobela ang minamanehong motor ng biktima ng lumagpas ito sa center lane at bumunggo sa truck dahilan para magtamo ito ng malubahang sugat sa kanyang ulo na agad naman niyang ikinamatay.

Samantala, mabilis namang nag-voluntary surrender ang driver ng truck sa Nabas PNP Station matapos ang nangyaring aksidente.

Botante sa isla ng Boracay umaabot na sa halos 17-libo

Posted October 10, 2015
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Image result for comelecUmaabot na sa halos labin pitong libo ang mga botante sa isla ng Boracay na kinabibilangan lamang ng tatlong Baranggay ng Malay.

Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, nasa 8,608 na umano ang mga botante sa Brgy. ng Manoc-Manoc habang sa Balabag ay 5, 681 at sa Yapak naman ay 2, 871 ngunit nasa 65 porsyento lang umano rito ang inaasahan nilang makakaboto.

Nabatid na nadagdagdagan ang mga botante sa nasabing bayan dahil karamihan sa mga manggagawa sa Boracay na mula sa ibang lugar ay mas pinili na bomoto sa nasabing bayan.

Kaugnay nito may ilan pa rin umanong mga botante sa bayan ng Malay ang hindi pa sumailalim sa biometrics registration na magtatapos sa Oktobre 31 ngayong taon.

Samantala, paalala ni Cahilig wala munang biometrics registration ngayong Lunes hanggang sa sa araw ng Biyernes para bigyang daan ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga tatakbong kandidato sa May 2016 elections.

LGU Malay at BFI muling lalahok sa World Travel Mart sa London

Posted October 10, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for world travel martMuli na namang sasabak sa pangalawang pagkakaton ang Local Government Unit ng Malay at Boracay Foundation Inc. (BFI) sa isasagawang World Travel Mart 2015 sa London.

Sa Session ng Malay nitong Martes muling napag-usapan ang pagdalo ng LGU sa Travel Mart para e-market ang isla ng Boracay sa mga turista sa ibat-ibang panig ng mundo.

Nabatid na ang World Travel Mart ay gaganapin sa Nobyembre 2-5, 2015 sa Asia Hall kasama ang ibang mga bansa na mayroong ibinibidang tourist spots.

Napag-alaman na ang WTM ay nangungunang global event bilang isang travel industry kung saan isa itong paraan ng pagpapakita ng oportudidad sa mga business sector na matuklasan ang ibat-ibang tourist destination sa buong mundo.

Ang LGU Malay at BFI ay nauna ng lumahok sa World Travel Mart sa London noong nakaraang taon kung saan dito nila ipinakita sa ibang International countries ang kagandahan ng isla ng Boracay.

Friday, October 09, 2015

Korean national, inereklamo ng tinuluyang hotel sa Boracay

Posted October 9, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for estafaIsang Korean National ang ine-reklamo ng isang front office staff ng isang hotel sa Sitio Diniwid, Brgy. Balabag, Boracay, Island,Malay, Aklan kahapon.

Itoy matapos hindi umano siya nakapagbayad ng kanyang inupahang kwarto sa hotel sa nasabing lugar.

Sa report ng Borcay PNP, nakilala ang nagrereklamong si Libira Lubrique (FO) 36-anyos ng Madalag Aklan.

Ayon sa salaysay ni lubrique sa mga pulis basta na lamang umano lumisan sa hotel ang Korean National na nakilalang si HAYOUNG Kim 22-anyos mula sa Gimhae, Korea.

Sinabi nito na hindi nakapagbayad sa inupahang double type na kwarto ng hotel ang suspek sa loob ng tatlong araw para sa dalawang tao na nagkakahalaga ng P5,400 at P1,800 per night.

Maliban dito nag-extend pa umano ng tatlong araw ang Korean National na nakadagdag sa bill nito na hindi nabayaran.

Samantala kasalukuyan pa itong ini-embistigahan pa ng mga pulis ang nasabing kaso.

Philippine Sports Commission planong magtayo ng Laro’t Saya Project sa Boracay

Posted October 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Philippine Sports CommissionGusto na rin ngayong pasukin ng Philippine Sports Commission ang isla ng Boracay para sa mga kabataang may potensyal sa larangan ng ibat-ibang klaseng laro.

Sa 35th Regular Session ng Malay nitong Martes tinalakay sa  Committee report ang nasabing usapin kaugnay sa request ng Municipal Mayor para sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng PSC sa implementasyon ng Laro’t Saya Boracay Project.

Ayon kay SB Member Rowen Aguirre ito umano ay gagawin sa beach area ng station 3 sakaling maaprobahan ito ng local body.

Sinabi din nito na nais ng taga PSC na makita ang kakahayahan ng mga kabataan sa Boracay na maaaring ipanlaban sa ibat-ibang bansa.

Samantala, nakatakda pa itong pag-aralan ng Konseho kung saan nais din nilang pabaguhin ang nasabing committee report para mabigyan din ng pagkakataon ang mga kabataan sa mainland Malay.

DATEM Construction sa Newcoast Boracay hindi parin nakakapag-operate

Posted October 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for NewCoast BoracayHindi pa ngayon nakakabalik sa kanilang operasyon ang DATEM Construction Corp. sa ginagawang NewCoast sa Yapak Boracay.

Ito’y matapos ipahinto ang kanilang construction ng Engineering Office ng Malay mahigit isang linggo na ang nakakaraan dahil sa nangyaring landslide na ikinamatay ng dalawang trabahador na natabunan ng lupa sa ginagawang building.

Ayon kay Head Engineer Azur Gelito ng Boracay Redevelopment Task Force, hindi pa umano nakakapag-sumite ng clearance ang DATEM mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na kanilang hinihingi.

Samantala, nilinaw naman ni Azur na wala silang report na nakuha sa DATEM kung umabot sa lima ang namatay sa nasabing insidente taliwas sa kumakalat na balita.

Sinabi nito na dalawa lamang ang napaulat na namatay taliwas sa sinasabing report dahil ito din umano ang lumalabas sa ginawang embistigasyon ng mga pulis.

Napag-alaman na ang mga biktima ay tauhan ng Datem Construction Corp. na contractor ng Mega world na nagde-develop ng NewCoast Boracay.

Motorsiklong may modified muffler sa Boracay hindi palalagpasin ng MAP

Posted October 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for muffler sa motor
Isa sa mga problema ng Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay ang mga motorsiklong may modified muffler na lumilikha ng matinding ingay.

Ayon kay Municipal Auxiliary Police o MAP Deputy Chief Rodito Absalon, patuloy umano ang kanilang kampanya laban dito upang masugpo ang mga pasaway na mayroong modified muffler sa kanilang motorsiklo.

Sa ngayon umano ay panaka-naka nalang silang nakakahuli ng mayroong modified muffler kung saan agad umano nila itong hinuhuli at pinabayad ng 2, 500 peso bilang multa kasabay ng pagkumpiska ng kanilang motorsiklo.

Nabatid na nitong nakaraang linggo ay nakatanggap ng reklamo ang Aklan Police Provincial Office (APPO) tungkol sa mga motorsiklong may malalakas na muffler sa Boracay.

Dahil dito pinatitiyak naman ni Absalon kung totoo ang nasabing report para mabigyan nila ito ng agarang aksyon.

Thursday, October 08, 2015

Marquez-Maming kumpirmado na ang pagsasama sa 2016 Election

Posted October 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for UNA PARTYLISTKumpirmado na ang pagsasama ni dating Aklan Governador Carlito Marquez at dating Banga Mayor Antonio “Antong” Maming sa United Nationalist Alliance (UNA) sa darating na 2016 elections.

Ayon kay Maming kumpleto na ang kanilang grupo para sa eleksyon kung saan tatakbo si Marquez bilang Congressman habang siya naman ay tatakbong Governador at si Loebel Mationg bilang Bise-Governador.

Sinabi nito na maging ang kanilang line-up sa Board Member sa Eastern at Western side ng Aklan ay kumpleto na rin para sa nalalapit na halalan.

Kaugnay nito nakakdang mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) ang grupo ni Marquez at Maming sa darating na Biyernes Oktobre 16.

Samantala, makakatunggali naman ni Marquez si Congressman Teodorico Haresco at sa pagka Governor makakatunggali rin ni Maming si Florencio Miraflores at si Mationg ay si Vice-Governor Billie Calizo-Quimpo.