YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, November 12, 2016

Boracay PNP, naka-full alert status kaugnay parin sa illegal drugs

Posted November 12, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dahil sa mas pinaigting na kampaniya ng Duterte administration na sugpuin ang krimen at illegal drugs sa bansa, naka-full alert status naman ngayon ang himpilan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) may kaugnay sa iligal na droga.

Itong pahayag ay naging topiko kanina sa Boracay Good News ng Yes Fm kung saan naging pangunahing tagapagsalita dito ay sina Boracay PNP Deputy Chief PSInp. Mark Anthony Gesulga and Police Community Relations Officer SPO1 Christopher Mendoza.

Nabatid na naka-focus sila ngayon na masugpo ang iligal na droga sa isla ng Boracay, patunay dito ang mga naging operasyon nila nitong nakalipas na araw kung saan kanilang nahuli ang ilang mga gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa isla.

Ayon kay Gesulga, 80 porsyento umano sa mga nadadakip sa isla ng Boracay may kaugnayan sa iligal na droga ay dayo kung saan 10  naman dito ang mga residente ng isla.

Dahil dito, hinihikayat nila ngayon ang publiko na makisama at ipagbigay alam sa mga otoridad kung sino ang patuloy na lumalabag sa kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Samantala, nagpapasalamat naman ang kanilang himpilan sa mga Barangay Official at paaralan dito dahil isa rin ang mga ito sa tumutulong sa kanila para mapalawig pa ang kanilang kampanya kontra iligal na droga.

Sa ngayon, may apatnapu’t limang idinagdag na Police Officer ang PRO 6 sa Boracay para mabantayan ang seguridad ng buong isla.

Friday, November 11, 2016

Probinsya ng Aklan, nakalatag na ang preparasyon sa ASEAN Summit

Posted November 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for ASEAN) SummitNakalatag na umano ang ginagawang preparasyon ng probinsya ng Aklan at ng LGU Malay para sa gaganaping Association of South East Asian Nation (ASEAN) Summit sa taong 2017.

Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores , ang isla umano ng Boracay ang gagawing venue para dito kung saan nagsagawa na umano ng ocular inspection ang National Organizing Council (NOC) ng ASEAN para sa seguridag ng nasabing event.

Ang Aklan provincial government umano ay tiwala na makakaya at magagampanan ng maayos ang ASEAN summit sa Boracay kung saan ito ay matatapos ng mapayapa at matagumpay.

Samantala, tiwala rin ang LGU Malay na makakaya nilang humawak ng malalaking event na magaganap sa isla kung saan may karanasan na rin umano ang kanilang mga personnel at kaya na nilang gumawa ng mga templates dahil sa mga nakaraang international events sa isla.

Inaasahang apat na magkakaibang event ang gaganapin umano sa isla simula sa unang buwan ng Enero hanggang Pebrero taong 2017.

Seguridad sa Boracay, mahigpit na ipinapatupad kaugnay sa human trafficking

Posted November 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for human trafficking.Mahigpit ngayon ang ipinapatupad na seguridad sa isla ng Boracay kontra sa human trafficking.

Ayon kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, ito umanong ipinapatupad nilang seguridad ay para maging aware ang mga tao sa human trafficking lalong-lalo na at papalapit na ang Christmas Season.

Nabatid kasi na marami ang gustong magtrabaho sa tinaguriang world-famous na isla ng Boracay kung saan kabilang dito ang mga babae na ini-engganyong magtrabaho ngunit pagdating dito ay ginagawang prostitute.

Kung matatandaan noong Marso, labing-apat na mga kababaihan ang pinilit na pumasok sa postitusyon, ang nasagip ng Aklan Provincial Social Welfare and Development Office and  Philippine National Police (PNP)

Magsasaka, nagbaril-patay sa sarili

Posted November 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nagpakamatayInaalam pa ngayon ng mga kapulisan sa Libacao PNP station kung ano ang motibo ng isang magsasaka sa kanyang pagbaril-patay sa sarili sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Ernani Santiago, 32-anyos nakatira sa naturang lugar.

Ayon sa spot report ng Libacao PNP, galing umano sa birthday party ang biktima ng mangyari ang insidente.

Nabatid na nagbaril sa kanyang ulo ang biktima kung saan narekober naman sa lugar ang .22 magnum revolver na baril.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pagpapakamatay ng biktima.

Negosyanteng lalaki na may warrant of arrest, arestado sa Boracay

Posted November 11, 2016
Ni Danita Jean Pelayo YES FM Boracay

Image result for warrant of arrest
Nahuli ang isang lalaking may warrant of arrest matapos magsagawa ng manhunt operation ang mga pulis kahapon.


Naaresto ng Boracay PNP ang akusadong si Arleen Gelito Saluta Sr., 56 anyos, residente ng Sitio Lugutan, Brgy Manoc- Manoc, Boracay.

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ang suspek ay nahuli sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 1570-M, na inisyu at nilagdaan ni Presiding Judge  Hon. Jemena Abellar Arbis ng  6th Judicial Region, 6th Municipal Regional Trial Court noong Nobyembre 2, 2016.

Ang akusado ay may kasong Anti Human Trafficking sa paglabag ng Section 6 na may kaugnayan sa Section 4 RA 10634.

Thursday, November 10, 2016

High Value target sa bayan ng Malay, patay matapos manlaban sa mga pulis

Posted November 10, 2016
Ni Inna CaroL. L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nanlaban patayPatay ang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation sa bayan ng Malay matapos itong manlaban sa mga otoridad kagabi.

Kinilala ang napatay na suspek na si Allan Rivero, 30-anyos, native ng Davao City at temporaryong nakatira sa Barangay Yapak sa isla ng Boracay.

Base sa imbestigasyon, isinagawa ng Regional Anti-Illegal Drug Special Operations Task Group (RAIDSOTG) PRO 6 at Malay MPS ang kanilang operasyon sa Barangay Argao, Malay kung saan nabilhan umano itong suspek ng isang plastic sachet ng hinihinalang droga kapalit ng P 500 na buy-bust money.

Subalit, nang magpakilala na umano ang poseur buyer na siya ay isang pulis dito agad na bumunot ng baril ang suspek at ipinaputok sa mga pulis na maswerte namang hindi natamaan ang mga ito kung saan gumanti rin ng pagbaril ang mga pulis sa suspek na agad namang ikinamatay nito.

Nabatid, na sa isinagawa pang body search ng mga pulis nakuha pa dito ang apat na sachet ng droga at 45 caliber na baril.

Samantala, tatlong tama naman ng baril ang natamo nito sa kanyang katawan.

Top 5 drug personality sa bayan ng Malay, arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Kalibo

Posted November 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drugsIsa ngayon sa mga nahuli ng kapulisan ang Top 5 drug personality sa bayan ng Malay sa magkahiwalay na operasyon ng mga ito sa iligal na droga sa Kalibo.

Naaresto ang dalawang suspek na sina Israel Asister, 35-anyos ng Barangay New Buswang, Kalibo kung saan dalawang sachet ng suspected shabu ang nakuha dito ng mga pulis habang ang top 5 drug personality sa bayan ng Malay ay kinilala na si Dodie Cawaling, 41-anyos kung saan nahuli naman ito sa isang hotel sa naturang lugar.

Nasabat umano sa posisyon nito ang malaking sachet na droga na nagkakahalaga ng P4,000.

Nabatid na si Cawaling ay isa umano sa mga nagbibigay ng supply ng ipinagbabawal na droga sa bayan ng Kalibo at isla ng Boracay.

MS Pacific Venus, nasilayan na sa Boracay

Posted November 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Dumaong na ang kauna-unahang pagbisita ng MS Pacific Venus sa isla ng Boracay dakong alas-sais ng umga kanina.

Kung saan mainit na sinalubong ng mga taga Boracay ang mga turistang sakay ng naturang cruise ship.

Ayon naman kay Special Operation III Jean Pontero ng Jetty Port Administration Caticlan, mahigit 400 na mga turista at crew ang sakay nito, at nagkaroon ng pagkakataon ang mga ito na maikot at makapasyal sa isla.

Nabatid na 80 porsyento umano sa mga nagtatrabaho dito ay mga pinoy kung saan ayon sa mga ito malaki umanong pribilehiyo ang makapag-trabaho sa naturang barko.

Samantala, isang maiden call ang ginanap kung saan nagpalitan ng plaque of exchange ang kawani ng DOT sa katauhan ni Kristoffer Leo Velete DOT Boracay Sub-Office Tourism Assistant, SB Dante Pagsuguiron ng LGU Malay, Marcello Mabilog Philippine Ports Authority at Emelyn Gomez Aklan Provincial Tourism Office.

Samantala, ang MS Pacific Venus ay ika-11 na dumaong ngayong 2016 sa isla ng Boracay.

Wednesday, November 09, 2016

Babae, kulong matapos magbirong may bomba ang bag ng kanyang kaibigan

Posted November 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for KULONGSa kulungan na ng Boracay PNP Station inabot ng umaga ang isang babae matapos itong magbirong may lamang bomba ang bag ng kanyang kaibigan.

Sa blotter report ng mga pulis, inereklamo ang suspek na babae tubong Barangay Palama, Barbaza, Antique, isang Saleslady at pansamantalang nanunuluyan sa Sitio Sinagpa, Barangay Balabag, Boracay.

Ayon sa reklamo ng Security Guard na si Josar Pesons, 26-anyos na naka-duty sa D’mall kung saan naganap ang insidente, kasama niya umano ang kapwa Security Guard sa lugar kung saan sila umano ang nag-chechek ng mga bag ng bisita na dumadaan dito.

Nabatid na ito umanong suspek ay dumaan na at na-tsek na ang kanyang gamit ng Garrett Detector subalit nagsabi pa itong may laman umanong bomba ang bag ng kanyang kaibigan kung saan agad naman nila itong pinuntahan at tsenik ang bag nito.

Napag-alaman na sa pagtsek ng mga ito ay wala naman palang lamang bomba ang bag ng kaibigan ng suspek.

Samantala, hindi naman maka-usap ang suspek kung ano ang motibo nito sa kanyang panloloko.

Dahil sa pangyayari, pansamantala muna itong ikinustudiya ng mga otoridad sa himpilan ng BTAC.

Sari-sari store sa Boracay, nilooban ng magnanakaw

Posted November 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for NILOOBANNagpasaklolo sa mga pulis ang isang 60-anyos na lalaki matapos looban ng magnanakaw ang kanyang sari-sari store sa Sitio Cagban,Brgy. Manoc-manoc, Boracay kaninang madaling araw.

Base sa report ng biktima na si Christopher Sta. Maria sa Boracay PNP, nagising na lang umano siya ng may marinig itong ingay sa loob ng kanyang tindahan.

Agad naman niya umanong pinuntahan at sinuri ang naturang tindahan kung saan naaktuhan niya dito ang isang menor-de-edad at 21-anyos na lalaki na kinukuha ang kanyang paninda at ipinapasok ng mga ito sa kanilang plastic bag na dala.

Dahil sa pangyayari, agad na ini-report ng biktima ang mga suspek sa himpilan ng mga pulis kung saan ang 21-anyos na lalaki ay naka-piit na sa kanilang kulungan habang ang menor-de-edad naman ay ini-refer sa Women and Children Protection Desk (WCPD).

Region 6, isa sa naitalang may pinakamaraming populasyon

Posted November 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for populasyon clipartIsa ngayon sa naitalang may pinakamaraming populasyon ang Region 6.

Nabatid na ang Western Visayas ang pang- sampu sa may pinakamaraming populasyon sa rehiyon ng Pilipinas base sa 2015 Census of Population.

Umaabot na sa 4,477,247 o 4.43 % ang kabuuan nito noong nakalipas na Aug. 1, 2015, na mas mataas ng 282,668 kumpara sa 4.19 million na noong 2010.

Kaugnay nito, sa mga probinsya naman, ang Iloilo ang may pinakamaraming rekord ng populasyon kung saan ito ay may 1.94 million.

Samantala, sa mga Munisipalidad naman na may pinakamalaking bilang ng populasyon, ang bayan ng Kalibo na may naitalang rekord na 80,605 habang ang Manoc-Manoc sa isla ng Boracay ay may 12,703.

Babae sa Boracay, huli sa shoplifting

Posted November 9, 2016
Ni Danita Jean Pelayo, YES FM Boracay

Image result for rehasSa kulungan ang bagsak ng isang babae matapos itong maaktuhang kinukuha ang tatlong pakete ng Energen Vanilla Flavor at kahina-hinalang ipinasok niya ito sa kaniyang bitbit na bag.

Ang pangyayari ay nakita ng isang sales lady na si Jelly Mendoza matapos mapansin sa salamin ang paglagay ng suspek ng tatlong pakete ng Energen sa isang plastic bag.

Agad niya itong ipina-alam sa kanyang Supervisor, at sinabihan ang suspek na dapat niyang bayaran ang kaniyang mga kinuha.

Ngunit pagdating sa counter, ang tanging binayaran lang ng suspek ay ang isang pakete ng isang biscuit at dalawang noodles.

Bunsod nito, kinumpiska nila ang kanyang mga bitbit at dito nakumpirma na may kinuha nga ang suspek.

Dahil dito, ipinagbigay alam nila sa mga pulis ang nangyaring insedente kung saan ang suspek ay naka-kustodiya na ngayon sa Boracay PNP.

MDRRMO, nakatakdang pulungin ang akelco hinggil sa nangyaring aksidente sa YAPAK

Posted November 9,2016
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for malay SB SESSION
Nagpaabot ng mensahe ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at LGU, ukol sa aksidenteng nangyari noong sabado sa Sitio Ayala, Brgy. Yapak, Boracay.

Ayon kay Executive Assistant Rowen Aguirre ng Office of the Mayor iimbitahan nila ang AKELCO patungkol sa mga gagawin upang maayos ang mga live wire hindi lamang sa Brgy. Yapak kundi pati na rin sa ibang barangay.

Itong hakbang ng LGU ay ayon daw sa kautusan ni Mayor Cawaling.

Samantala, sinisimulan na ng MDRRMO at LGU ang pag-iikot para sa mga mamamayan ng Boracay upang magbigay ng kaalaman patungkol sa mga gagawing preparasyon sakaling may sakunang mangyari.

Tuesday, November 08, 2016

Tourist Arrival sa Boracay nitong nakaraang Undas, tumaas kumpara noong 2015

Posted November 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Magandang balita sa mga Malaynon at Boracaynon dahil tumaas ngayon ang Tourist Arrival sa isla ng Boracay nitong nakaraang Undas kumpara noong nakaraang taong 2015.

Ito ay base sa bagong naitalang rekord ng Municipal Tourism Office (Mtour) Malay simula nitong October 28 hanggang November 2 All Souls Day.

Napag-alamang  umabot sa 27, 737 ang kabuuang tourist arrival nitong Nobyember na kinabibilangan ng local, foreign tourists at OFW.

Habang nakapagtala lamang ng 20, 231 na tourist arrival noong nakaraang taon ang Mtour na pareho ring kinabibilangan ng local, foreign tourists at OFW.

Samantala, inaasahan naman umano ng Mtour na maabot nila ang target na 1.7 million tourists arrival ngayong taon.