YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 20, 2017

Tattoo Artist at Tricycle Driver, arestado sa magkahiwalay na Buy-Bust Operation sa Boracay

Posted April 20, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for drug buy bust in word
Arestado ang Tattoo artist at Tricycle driver sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga otoridad kagabi.

Naaresto ang suspek na si Dale Madrid, isang Tattoo artist, 41-anyos residente ng Olongapo City kung saan nahuli ito ng nagpanggap na pulis na isang poseur buyer kapalit ng P500 na buy-bust money sa Sitio Ambulong Barangay Manocmanoc, Boracay.

Bukod dito, sa isinagawa pang body search ng mga pulis nakuhaan pa ito ng siyam na hinihinalang droga at cellphone na naglalaman ng illegal transaction.

Kaugnay nito, nahuli naman sa area ng Mt. Luho sa Brgy. Balabag ang tricycle driver suspek na si Jovic Balantong alias Juvy, 43-anyos ng Roxas, Oriental Mindoro at temporaryong nakatira sa Sitio Lapus Lapus ng nasabi ring Brgy..

Ang suspek ay naaresto sa pagbebenta ng suspected shabu kapalit ng P1, 000 na buy-bust money.

Sa pinag-samang pwersa ng Aklan Police Provincial Office Provincial Drug Enforcement Unit (Aklan PPO PDEU), Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), PNP Maritime Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Aklan Provincial Public Safety Company and Philippine Army 12th Infantry Battalion nahuli ang dalawang suspek.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o dangerous drugs act of 2002 ang dalawa.

29th Ship For Southeast Asian And Japanese Youth Programme, gaganapin sa isla ng Boracay

Posted April 20, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 29th Ship For Southeast Asian And Japanese Youth ProgrammeInaasahang mahigit 200 youth ambassador ang dadalo sa 29th Ship for Southeast Asian and Japanese Youth Programme (SSEAYP) International General Assembly (SIGA) 2017 sa isla ng Boracay na magsisimula sa susunod na Linggo Abril 26 hanggang 30 taong kasalukuyan.
Layunin umano nito na mapagtibay ang relasyon ng mga kabataan ng Southeast Asian Region at Japan.

Itong event ay kinabibilangan ng bansang Brunei, Cambodia, Indonesia, Japan, Laos, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at Pilipinas.

Samantala, nakalatag na rin ngayon ang preparasyong ginagawa ng mga otoridad para sa seguridad ng pagdating ng mga ito sa isla.

Tuesday, April 18, 2017

Mga Aklanon Centenarians, pagkakalooban ng P100k mula sa DSWD

Posted April 18, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for centenarians image with words
Pagkakalooban ng P100,000 ang lahat ng mga centenarians o umabot sa isandaang-anyos.

Ang naturang benipisyo ay magmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) alinsunod na rin  sa Centenarians Act of 2016 kung saan ito ay bahagi na rin ng pag-honor at pagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa lahat ng mga Pilipinong umabot sa isandaan ang edad o  centenarians.

Ayon kay Libny Inocencio, Social Welfare Officer I ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at Senior Citizens and Persons With Disabilities (PWDs), sa ngayon ay mayroong naitalang 38 na mga centenarians sa Aklan, mula sa 46 na nakalista kung saan ang walo ay namatay na.

Naibahagi nito na ang pinakamatandang nabubuhay sa Aklan ay nasa 116- anyos na residente ng Bayan ng Kalibo at ang dalawa pa ay nasa Libacao at Banga na nasa 113- anyos.

Kaugnay nito, wala pa umanong petsa kung kailan maibibigay ang nasabing benipisyo sa mga Aklanon na may budget na nagkakahalaga ng P36 million.

Nabatid na ang Region 6 ang nakapagtala ng may pinakamaraming centenarians na aabot sa 360 at sinundan ng region 3 na may 342 centenarians.

Samantala, sa 17 munisipalidad sa Probinsya ng Aklan sampu lamang sa mga ito ang nakapag-submit ng listahan ng mga centenarians na nabubuhay sa kanilang lugar base na rin sa rekord ng PSWDO.

Tourist Arrival nitong Holy Week, lumobo sa limampu’t apat na libo

Posted April 18, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

No automatic alt text available.Lumobo sa limampu’t apat na libo ang bilang ng tourist arrival sa Boracay nitong nakaraang Holy Week.

Base sa ibinigay na datos ng Malay Tourism Office (MTOUR), pumalo sa 54,887 ang numero ng mga bumisita sa isla sa paggunita ng Semana Santa simula ng Abril 10 hanggang Abril 16.

Nagtala ng pinakamataas na bilang ang araw ng Maunday Thursday o Huwebes Santo na umabot sa 13, 575 at sinundan naman ng 8,368 ng Holy Wednesday.

Kaugnay nito, nanguna sa pinakamataas na bilang ang mga Local tourists na piniling sa isla sulitin ang kanilang mahabang bakasyon kung saan umabot sa bilang na 34,613, pumatak naman sa 19, 490 ang mga Foreign tourists habang ang Overseas Filipino Workers o OFW ay nagkapagtala ng 784.

Nabatid na mas mataas ngayon ang kanilang naitalang arrival kumpara noong nakalipas na taon na umabot lamang sa 44,786.

Inaasahan naman ang paglobo pa ng mga turista ngayong summer season.

Magugunitang target na maabot ngayong taon ang 2Million na tourist arrival sa Boracay.

PHO-Aklan, may paalala ngayong tag-Init

Posted April 18, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for PHO AKLAN“Simula na naman ng tag-init o dry season”

Kaya naman muling nagpaalala ngayon ang Provincial Health Office o (PHO) Aklan sa publiko, ang maaaring sanhi na pwedeng kumapit sa ating katawan partikular sa balat na dala ng init ng araw.

Ayon kay Provincial Health Officer II, Dr. Victor Santamaria ng PHO-Aklan, dahil sa panahon ng tag-init nauuso na naman ang mga sakit kagaya ng sore eyes, pag-susuka, rushes at heat stroke.

Ani Santamaria, upang maiwasan umano itong sakit huwag basta-bastang lumabas ng bahay at kung magbabakasyon man sa mga beach ay magdala ng proteksyon sa katawan katulad na lamang ng paggamit ng sun block at pagdala ng bote ng tubig.

Image result for SUMMER SEASONKaugnay nito, pina-alalahanan niya rin ang publiko sa sintomas ng heat stroke kung saan ito umano ay umaatake kapag ang katawan ng tao ay nakabilad ng mahabang oras sa matinding init ng araw.

Samantala, pinayuhan nito ang lahat na huwag masyadong i-expose ang balat sa init, uminom ng maraming tubig at magsuot ng light colored na damit para hindi masyadong mainit sa paningin.

Outstanding Teachers sa Aklan, pinarangalan na

Posted April 18, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for 2017 Aklan's Ten Outstanding Mentors (ATOM) awards
Photo Credit to the owner
Pinarangalan o binigyang pagkilala na ang mga Outstanding Teachers na pasok sa 

Sampung mga bagong teachers ang pinagkalooban ng award sa secondary at elementary school department kung saan binigyan ang mga ito ng cash na P20, 000 at plaque of recognition sa Razon Tumbocon Foundation at Department of Education (DepEd).

Napabilang umano sa sampung awardees sina:

Sharon R. Gungon, Master Teacher III ng New Washington Elem. School

2. Armi Joy A. Gonzales, Master Teacher I ng Kalibo Integrated Special Education Center

3. Rosalie L. Rabara, Master Teacher I ng Pook Elem. School

4. Grace F. Nabiong, Master Teacher II ng Kalibo Elem. School

5. Maricel T. Salazar, Master Teacher II ng Kalibo Elem. School

6. Randy D. Bagac, Master Teacher I ng Sta. Cruz, Ibajay Elem. School

7. Alendro P. Arca Jr., Master Teacher I Regional Science High School

8. Ju-im T. Jimlan, Teacher III ng Tanglan National High School

9. Joel E. dela Cruz, Teacher I ng Makato Integrated School

10. Boby Rose R. Ricaforte, Master Teacher II ng Aguinaldo T. Repiedad Sr., Integrated School

Ang mga ATOM awardee ay pinili dahil sa kanilang ipinamalas na galing pagdating sa pagtuturo at Community Work.

Ang pagkilala sa nasabing mga guro ay isinagawa kahapon ng umaga, Abril a-disi siyete, sa ABL Sports and Cultural Complex.

Paggunita ng Semana Santa sa Aklan, ‘Orderly and Peaceful’ - APPO

Posted April 18, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES FM Boracay

Image result for AKLAN POLICE PROVINCIAL OFFICE “Orderly and Peaceful”

Ito ang naging pahayag ni APPO Public Information Officer SPO1 Nida Gregas, sa panayam ng himpilang ito.

Ayon sa kanya, wala umanong nai-rekord na mga related incidents sa kasagsagan ng Holy Week.

Dagdag pa ni Gregas, kahit tapos na ang paggunita ng Semana Santa ay patuloy pa rin ang ilalaang pagbabantay ng mga hanay ng pulis lalo na sa inilunsad na SUMVAC o Summer Vacation ng Aklan Police Provincial Office (APPO) para sa seguridad ng mga nagbabakasyon ngayong tag-init.

Dahil dito, mas hihigpit pa umano ang seguridad sa isla ng Boracay bilang tourist destination kung saan nakahanda na ang mga Tourist Assistance Desk ng kapulisan para mapabilis ang pag-responde at mapaigting ang seguridad sa beach area dito.

Samantala, tuloy-tuloy pa rin naman ang pamimigay ng mga BTAC Personnel ng safety at informative flyers para sa mga turista.