Posted October 29, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Muli ngayong
nagpaalala ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa mga residente na mag-ingat
sa paggamit ng kandila sa darating na araw ng mga patay o Undas sa Martes.
Sa panayam ng
himpilang ito sa BFP-Boracay, sinabi ni F03 Franklin Arubang na kung mag-sindi
ng kandila ay kailangan ipatong sa ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang
insidente lalo na ang sunog.
Samantala, naka-full
alert status na umano ang kanilang hanay para sa Martes hanggang sa araw ng
Miyerkules.
Dagdag pa nito
patuloy din umano ang kanilang pagbibigay ng mga flyers o mga paalala sa mga
residente sa Boracay tungkol sa pag-iwas sa sunog.
Maliban dito
naglabas na rin sila ng mga panuntunan para naman sa nalalapit na kapaskuhan
ang bagong taon kagaya ng paggamit ng Christmas lights at ang pag-iwas sa
paggamit ng paputok.