YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, August 15, 2011

Prayer rally sa Boracay laban sa casino, naging mapayapa


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Naging mapayapa ang ginanap na prayer rally sa isla ng Boracay nitong araw ng Sabado.

Ito ay dahil naganap ang una nang inihayag ni NACPHIL Chaplain Jee Ann Bolina na pawang panalangin ang magiging sentro ng nasabing rally.

Isinagawa ang rally sa mismong baranggay Balabag Plaza, Sabado ng umaga,na sinaksihan naman ng mga taga isla ng Boracay.

Naging laman ng mga talumpati ng mga nagsalita sa rally ang panalanging hindi matuloy ang tangkang pagpasok ng sugal na Casino sa isla.

Samantala,bilang pagsuporta sa adhikain ng Boracay Uplift Movement Foundation,at ng Evangilical Group.

Dumalo din sa nasabing rally ang ilang kinatawan ng simbahang Katoliko sa Boracay,mga tagapamahala ng Ati Mission sa isla,at si mismong Boracay Foundation Incorporated President  Jony Salme.

Mapayapa namang nagtapos ang kalahating araw na aktibidad na yaon. 

Fun run ng PNP, lalarga sa Boracay


Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay

Nakatakdang ilalarga sa isla ng Boracay sa susunod na Sabado, a-bente siete Agosto ng taong kasalukuyan ang fun run ng Philippine National Police.

Ayon kay PO2 Christopher Mendoza ng Police Community Relations ng Boracay PNP, ang nasabing fun run na tinawag ding “Takbong Maharlika Tungo sa Pagkakaisa” ay may temang “Patuloy Na Pagkakaisa Ng PNP At Mamamayan, Tungo Sa Mapayapang Pamayanan Ng Boracay”.

Masasaksihang ang pag-takbo ang mga pulis ng Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO) at ilan pang lalahok dito, dakong alsa singko ng umaga, mula sa station 3 hanggang sa Barangay Balabag.

Ayon kay PO2 Mendoza, lahat ng himpilan ng PNP ay magkakaroon nito upang mahikayat ang komunidad na makiisa sa paglaban sa kriminalidad, at isaalang-alang ang malusog na lipunan.

Samantala, idinagdag din ni Mendoza na kasama ng mga itong tatakbo sa fun run ang mga pulis mula sa bayan ng Buruanga.

Inaasahang magtatapos ang malawakang aktibidad na ito sa susunod na buwan ng Pebrero taong 2012.