Posted March 6, 2019
Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Ikinagulat ngayon ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng
Malay matapos madiskubreng mayroon umanong nag-ooperate na mga ilegal o colorum
na mga bangka at paraw sa isla ng Boracay.
Nag-ugat ang usapin matapos ipatawag ni Sangguniang Bayan
Member Dante Pagsuguiron ang mga water sports operator at kooperatiba kaugnay
sa reklamo sa kanilang mga taripa na ang iba umano ay nag-aalok ng mas mababang
presyo.
Napag-alaman din kay Mike Sinel na Chairman ng MASBOI
Sailboat Multi-Purpose Cooperative na may mga hotels umanong nag-mamanage at
nag-ooperte ng mga bangka lalo na ang mga paraw na hindi alam ng kanilang
opisina.
Sa pahayag ni SiƱel, may ilan sa mga miyembro nila ang
nag-benta ng prangkisa ng paraw na ang sabi sa kanila sa Romblon ito dadalhin
subalit binili pala ito ng mga negosyante at resort para sila na ang
mga-operate.
Katunayan aniya, mayroong hotels na humihingi ng
endorsement sa kanila pero hindi nila binibigyan dahil mayroon ng 160 units ng
paraw ang nagooperate sa isla kung saan hinati na nga nila ito upang hindi
sumikip sa front beach.
Ganito rin ngayon ang problema ng BIHA-MPC na kooperatiba
ng mga bangkang na pang island hopping.
Dagdag pa ni Sinel, karamihan sa mga ilegal na paraw ay
makikita sa area ng BTR at Diniwid Beach.
Paglilinaw ng MASBOI, mayroon na umanong ideya ang TREU
at MAP at katunayan ani Sinel ay sinulatan na nila ito kasama ang Philippine
Coast Guard.
Kaugnay nito, ipapatawag sa susunod na plenary ang
pamunuan ng TREU at MAP upang pagpaliwanagin kung bakit hindi nila naiimplementa
ang paghuli sa mga lumalabag.
Samantala, iminungkahi ni SB Member Pagsuguiron na
maglabas ng moratorium sa pag-issue ng business permit sa paraw habang patuloy
ang imbestigasyon.