Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bagamat batid na ng mga taga Caticlan at Caticlan Elementary School na tatangalin na ang paaralang ito malapit sa paliparan batay sa paka huling pakikipag-ugnayan umano ng developer kay Antonio Cahilig Principal ng Caticlan Elementary School.
Subalit namomoblema ito dahil hindi pa malinaw ngayon kung kaylan sisimula ang relokasyon at paglilipat ang paaralang ito.
Ito ay sa kabila din ng napag-alaman nilang nagpahiwatig na rin ang pamunuan ng Caticlan Airport na sila na ang bahalang bumuli ng lupa para pagtirikan at sila na ring bahala sa pagpapatayo ng gusali.
Subalit sa kasalukuyan hindi pa umano nila alam kung kaylan talaga ito sisimulang gawin.
Kaya umapela na ang Principal ng tulong para sa madaling pagkakagawa dito gayong araw-araw umanong nararanasan ng mga estudyante ang ingay doon.
Samantala, nabatid din mula sa nasabing principal na ang relocation area ayon kay Cahilig ay sa tabi ng Caticlan Public Market, gayong balak na aniya ng developer na doon bumili ng lupang 9,000 sq. meter para sa paaralan.
Matatandaang, simula nang mapabalita na may expansion na gagawin sa Caticlan Airport, hindi parin nagkaroon ng linaw kung saan, kaylan o ililipat nga ba ang paaralang ito lalo pa at ramdam na ang subrang ingay kapag may lumapag o lumipad na eroplano sa runway na halos nasa tabi lang din ng eskwelahan.