Posted April 23, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nag-paalala ngayon ang Commission on Elections (Comelec)
Aklan kaugnay sa ipapatupad na liquor ban dalawang linggo bago mag-halalan sa
Mayo.
Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng
Commission on Elections (Comelec) Aklan at ngayon ay Malay Comelec Officer II,
dapat sundin ng mga bar sa isla ng Boracay ang umiiral na resolusyon para rito
gayon din sa buong Aklan.
Ito umano ay batay sa Resolution No. 10095 na may lagda
ng lahat ng myembro ng Commission En Banc alinsunod sa Omnibus Election Code.
Dito ipinagbabawal umano nila ang ang pagbibinta at
pag-alok ng nakakalasing na inumin kung saan base sa nasabing resolusyon ay
magsisimula ito sa Mayo 8 o bisperas ng eleksyon na magtatagal naman hanggang
sa araw ng halalan Mayo 9 sa buong Pilipinas.
Nabatid na ang lalabag sa liquor ban ay mapapatawan ng
isa hanggang anim na taong pagkabilanggo at maaari ding mapatawan ng
disqualification sa paghawak ng posisyon sa gobyerno o kunan ng karapatang
makaboto.