YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, June 04, 2016

Public Hearing para sa bagong amended Revenue Code ng Aklan, ikinasa ng SP

Posted June 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for public hearingIkinasa ngayon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang bagong pag-amyenda para sa Revenue Code sa Public Hearing na gaganapin sa susunod na linggo.

Pag-uusapan nila dito ang isang ordinansa patungkol sa mga nararapat na pamantayan sa Hauling at trucking operation sa Probinsya.

Kasama sa tatalakayin nila ang pag-angkat ng mga buhangin, bato at iba pang gravel materials na kinukuha sa ibang lugar ng probinsya kung saan ito ay naglalayun na maging maganda at maayos ang pag-aangkat dito.

Kasabay nito, magkakaroon naman ng 10 % tax para rito kung saan nakapaloob sa Section 1. Article 227 Implementary Rules and Regulation o (IRR) ng Local Government Code of 1991, na siyang co-collect ng mahigit sa 10 % tax market value kung saan ito ay sa ilalim ng National Revenue Code.

Nabatid na tatalakayin ang nasabing usapin sa gaganaping Public Hearing ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan sa araw ng Biyernes Hunyo a-dyes.

Maliban dito ang naturang tax na malilikum ay gagamitin sa mga proyekto at construction sa probinsya ng Aklan.

Commissioner, kulong matapos batuhin ng bote ng alak ang tindahan

Posted June 4, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for kulong
Sa kulungan na inabot ng umaga ang Commissioner na lalaki matapos nitong batuhin ng bote ng alak ang isang tindahan sa Brgy. Balabag, Boracay kagabi.

Reklamo ng biktima na si Alinader Sarip 29-anyos sa Boracay PNP, nasa loob umano siya ng kanyang tindahan ng dumaan ang suspek na si Jhun Macadat 25-anyos na may dalang bote ng nakakalasing na inumin.

Kung saan walang kadahilan-dahilan ay bigla nalang umano nitong  ibinato ang hawak na bote sa nasabing tindahan at mabilis na tumakbo papalayo.

Dahil dito, ay mabilis na lumabas ang biktima kasama ang kanyang mga kasamahan at hinabol  ang suspek kung saan nahuli naman nila ito at agad na dinala sa Boracay PNP station.

Nabatid na nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang suspek at sinasabing napag-tripan lang umano nitong gawin ang insidente.

DOJ Aklan nanindigan na walang tanim bala sa Caticlan Airport

Posted June 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Mariing itinanggi ng Aklan Provincial Prosecutors office sa pamumuno ni  Prosecutor head Atty. Maya Tolentino na may nangyaring tanim bala sa suspek na mag-asawa sa Caticlan Airport.

Ito ay base umano sa kanilang nakitang probable cause na dala ng suspek na si Jerome Sulit ang mga nasabing bala sa naturang paliparan.

Dahil dito naniniwala si Atty Tolentino na malinis ang konsensya ng kanyang mga prosecutors na nag-imbestiga ng kaso sa suspek.

Kaugnay nito rerespituhin naman umano ng piskalya ang mga desisyon ng korte matapos na mag-file ng motion to quash ang Public Attorney's Office sa katauhan ni PAO head Atty Percida Acosta.

Matatandaang nahuli si Jerome Sulit kasama ang kanyang asawa habang papasok sa Caticlan Airport kung saan dito nakuha ang14 na bala ng 22 caliber na baril nitong nakaraang buwan.

Nag-resign na empleyado ng MHO Malay sumasahod parin?

Posted June 4, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for employeeLimang buwan na ang nakaraan ng mag-simulang mag-resign sa kanyang trabaho ang isang empleyado ng Municipal Health Office (MHO) Malay sa Boracay na hanggang ngayon ay nasa payroll pa umano.  

Ito ang sinabi ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre sa SB Session ng Malay nitong Martes sa kanyang naging privilege speech.

Ayon kay Aguirre, may natanggap umano siyang report na ang dating empleyado na nasa payroll parin umano ang kanyang pangalan.

Kaya ngayon nais nitong malaman dahil sa kung totoo man umano ito ay merong isang taong nagbubulsa ng nasabing pera at pumepeke sa daily time record.

Iginiit din nito na isa itong offense at dis-honesty na subject naman for dismissal at liability kung saan sa oras na mapatunayan umano ito ay gagawa siya ng kaukulang disiplina laban sa taong nasa likod nito.

Samantala, magpapadala naman ng sulat ang SB Malay sa Human Resource Office para humingi ng kopya ng payroll ng mga empleyado sa MHO Boracay.

Friday, June 03, 2016

Senior highschool sa BNHS, handa na sa pasukan


Posted June 3, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  

Image result for boracay national highschoolHanda na umano ang mga guro sa Boracay National high school (BNHS) para sa Senior High School o K-12 program ng DepEd ngayong pasukan.

Ayon kay Leila Espinosa Senior High school Coordinator ng BNHS, mayroon na umanong mga kagamitan ang inilaan ng DepEd para sa mga kursong kanilang ino-oofer kung saan nakatakda din umanong magbigay sa kanila ng tulong para rito ang Saint Benilde Lasalle HRM Dept. Manila. 

Kaugnay nito, 120- slot naman ang inaasahan ng mga guro na mag i-enroll para rito kung saan kahit sumubra umano sila ay may nakalaan paring budget ang paaralan dito.    

Maliban dito sinabi pa ni Espinosa na malaking bagay umano sa BNHS lalong-lalo na sa mga estudyante ang pagbigay ng karagdagang kagamitan ng Saint Benilde kagaya ng tools at equipment na gagamitin ng mga estudyante.

Nabatid na ang mga kursong ini-ofer ng BNHS ay General Academic Strength o (GAS), Technological Vocational Livelihood Education (TVL) kung saan sa Combination 1 nito ay  may specialization itong Home economics at Hairdressing habang sa Combination 2 naman ay Bread and Pastry Production, Food and Beverage Services, Local Tour Guiding at Tourism Production.

Samantala, ang mga qualified teachers na magtuturo sa Senior highschool ay sumailalim na sa training noong nakaraang buwan ng Abril kung saan ang mga nagturo sa kanila ay ang mga professor mula sa Lassale, Manila.