YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 08, 2019

Isa patay, tatlong iba pa nasagip sa magkahiwalay na insidente ng lunod sa Boracay kahapon

Posted November 7, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people
CCTO
Isa ang patay habang tatlong iba pa ang nasagip sa magkahiwalay na insidente ng lunod kahapon ng hapon sa isla ng Boracay.

Unang nairekord pasado alas-dos ng hapon ang pagkalunod ng dalawang Korean National na sina Kung Yun, at Yu Nee parehong 35-anyos kung saan nangyari ang insidente sa beach front ng Station 2.

Ang dalawang turista ay ligtas na nahila papuntang dalampasigan matapos sinaklolohan ng lifeguard on-duty kasama ng isang paddle board instructor.

Sa isa pang hiwalay na insidente, pasado alas-tres ng makatanggap ng impormasyon ang Seaside Base Team ng MDRRMO na may multiple drowing sa harap ng D’Mall.

Dead on Arrival ng dinala sa Ciriaco Hospital ang biktima na si Roberto Baisas Jr., 50-anyos ng Sta. Cruz, Laguna.

Bago nito, na rescue ng stand up paddle board ang biktima at nilapatan ng CPR subalit unconsious na ito kaya dinala agad sa ospital.

Maliban kay Baisas, isa pang biktima ng active drowning ang naligtas ng mga lifeguard kung saan kinilala ang biktima na si James Alfararo, 20-anyos ng Cebu City.

Dahil sa may malay ang biktima ay binigyan ito ng oxygen at dinala rin sa malapit na ospital at nasa mabuti ng kalagayan.

Kaugnay nito, paalala ni Catherine Ong ng MDRRMO Malay na makinig, huwag maligo kung malakas ang alon, at kung nakataas ang red flag upang maiwasan ang anumang insidente ng lunod.

Dagdag pa ni Ong, hindi nagkulang sa paalala ang mga lifeguards subalit may sadyang pasaway talaga at hindi sine-seryoso ang kanilang alituntunin.

Demolisyon sa sampung establisyemento itinuloy matapos magtapos ang ibinabang TRO

Posted November 7, 2019
Inna Carol Zambrona, NEWS DEPARTMENT

Image may contain: sky, tree and outdoorItinuloy ngayong araw ang demolisyon sa sampung establisyemento sa Bolabog Boracay matapos mag expire na ang ibinibang Temporary Restraining Order o TRO ng Aklan RTC Branch 7.

Nitong umaga, sa panayam kay Natividad Bernardino, General Manager ng Boracay Inter Agency Rehabilitation Management Group, ipinagpatuloy nila ang demolisyon matapos nag-isyu kahapon si Acting Mayor Frolibar Bautista, ng Executive Order No. 038 na i-resume ang pagtibag.

Kung matatandaan, ang sampung residential at commercial building ay nag request ng TRO sa Aklan RTC Branch noong Oct. 15 kung saan kinatigan ito ng korte at pansamantalang pinahinto ang pag-giba ng 20-araw.

Sa kabila ng mga reklamo ng ilang may-ari ng establisyemento, sinabi ni Natividad na wala silang magagawa kundi sundin ang batas dahil nakitaan ang mga ito ng paglabag sa 25+5 easement.

Image may contain: outdoor Samantala, ang Provincial Engineering Office PRO Aklan, naman ang katuwang ng BIARMG upang mapadali ang pag-demolish sa lugar.

Narito ang mga sampung pangalan ng mga establisyemento sa Bolabog na binabaan ng demolition order: Aira beach front boracay hotel, Ventoso Residences, Freestyle Academy, Kite Surfing School, Kite Center at Banana Bay, Wind Riders Inn, Pahuwayan Suites, Lumbung Residences, Boracay Gems, at 101, 107 of Seven Stones Boracay Suites.

PUV Express Service nagtaas ng pamasahe

Posted November 5, 2019

No photo description available.No photo description available.Nagtaas pasahe na ngayon ang PUV Express Service o mga Van na bumabyahe Caticlan-Kalibo vice versa.

Ito ay matapos aprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB 6 ang Passenger Fare Rates na nagpapahintulot sa pagtaas ng singil sa pasahe ng mga operators ng PUV Express Service epektebo November 4, 2019.

Ang regular rate ay tumaas na sa P 130 pesos mula sa dating P 100 habang sa mga PWD’s, Senior Citizen at estudyante ay nasa P 104 na ang singilan.

Samantala, ang pagtaas umano ng pamasahe ay dahil sa pagtaas ng gasolina, at operasyon at pagmintina ng mga sasakyan.

Update sa nangyaring sunog kanina:

Posted October 24, 2019

Image may contain: 2 people, sky and outdoor
Umabot sa mahigit kumulang 200 na residential at boarding houses ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog kaninang umaga sa Sitio Ambulong, Manocmanoc isla ng Boracay.

Tumagal ang sunog ng tatlong oras na nag-umpisa bago mag alas nuebe ng umaga at idineklang fire out bago mag alas dose ng tanghali.

Pahirapan ang pag apula ng apoy dahil sa dikit-dikit ang mga kabahayan at gawa sa light materials.

Malayo rin ito sa kalsada kaya hindi ma penetrate ng mga bumbero ang lugar.

Sa pagtantya, umabot sa tatlong hektarya ang lawak ng sunog na mabilis ang pagtupok ng istraktura dahil sa malakas na hangin.

Sa kasalukuyan, nasa 550 na pamilya, 430 boarders, habang 245 na kabahayan ang totally damage at dalawang bahay ang partially damage.

Ang Manocmanoc covered court sa naturang barangay ang nagsilbi ngayong temporaryong evacuation center habang patuloy ang ginagawang validation sa mga biktima.

Samantala, patuloy pang inaalam ng BFP ang sanhi at damages ng sunog.