YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 09, 2017

BRP Gregorio Del Pilar ng Philippine Navy, bumisita sa Boracay

Posted June 9, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Dahil sa mga hindi magandang nangyayari sa ibat-ibang sulok ng mundo, binisita ngayon ng BRP Gregorio Del Pilar (FF15) sa ilalim ng Naval Forces Central ang isla ng Boracay.
Itong pagbisita ng military vessel ay bilang pagbibigay ng suporta at pagpapa-igting ng seguridad lalo na sa mga turistang bumibisita sa isla kung saan magiging katuwang din ito ng Task Force Boracay.

San isang mensahe, ayon kay AFP Commodore Loumer P Bernabe, Commander ng Naval Forces Central at MJTF “Area Shield”, nandito umano sila upang paigtingin ang seguridad sa isla sa pamamagitan ng kanilang visibilty kung saan pina-alalahanan din nito ang mga tao na kung may mapansin na kahina-hinala lalo na sa karagatan ay agad na ipagbigay-alam sa kanila ng ganon ay kanila ito maaksyun.

Image may contain: ocean, sky, outdoor, water and natureAng BRP Gregorio Del Pilar (FF15) ay isa sa barkong pandigma ng Pilipinas na ginagamit din sa disaster and relief operations at iba pang international operations.

Samantala, ayon kay Bernabe may tatlong navy boat ang mag-ooperate sa isla kung saan dalawa ngayon ang naglalayag dito at sa susunod naman ng Linggo darating ang isa pa.

Samantala, sa pagdalo rin ni Executive Assistant IV Rowen Aguirre ng Task Force Boracay ay nagbigay paalala ito na maging vigilante, magtulongan ang mga tao para maprotektahan ang bayan at ang bansa.

Ilan din sa mga sumampa sa navy ship na ito ay sina APPO OIC PSUPT. Lope Manlapaz,  Boracay PNP, Task Group Boracay, Philippine Army, at mga piling stakeholders ng Boracay.

Mga pekeng Snorkeling Tickets, nakaka-alarma – SB Malay

Posted June 8, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, people sitting and indoorMuling nabuksan ang usapin patungkol sa snorkeling ticket sa Boracay at sa pagkakataong ito peke umano ang ilan sa mga ini-issue sa mga bisita.

Ito ang bulalas ni SB Mamber Dante Pagsuguiron sa naging Privilege Speech nito sa 18th Regular Session kasabay sa pag-presenta nito sa plenaryo ng mga hawak nitong mag-kaibang tickets na ayon sa konsehal ay ibinigay sa kanya ng mga nagrerekalmo.

Sa pag-kumpara ay magkaiba ang sukat at bilang ng control number na sa pag-kumpirma nito sa Treasurer’s Office ay napatunayang peke ang isa sa dalawa.

Pahayag ni Pagsuguiron, nagtataka rin daw ito dahil dapat ay mataas na ang koleksyon ng LGU dahil sa pag-implement ng P 40 mula sa P20 na presyo ng ticket ngayong taon.

Aniya, rampant umano ang pag-issue ng mga ticket na ito at minsan ay isang ticket lang daw ang ibinibigay sa isang grupo at hinahati-hati na umano ang pera at kanya-kanya na umano sila ng singil sa mga identified snorkeling area sa isla.

Dahil dito, nagpahayag din ng pagka-alarma si SB Member Floribar Bautista at Jupiter Gallenero sa nasabing usapin kung saan sinabi ni Bautista na dapat tapusin na itong issue at i-ipatawag ang Treasurer Office sa plenaryo upang mapag-usapan ito.

Suhestyon ni Gallenero na dapat umanong magpatawag ng Committee Hearing para ma-imbestigahan at mag-sumite ng rekomendasyon kay Mayor Cawaling para disiplinahin ang mga empleyado na sangkot sa anomalya.

Nabatid ayon sa Commission on Audit o (COA), responsibilidad umano ng Accounting at Treasurers Office na magkolekta ng naturang fees na nasa ilalim ng LGU-Malay at hindi ng private individuals o sinuman.

Matatandaan na naging kontrobersyal at maka-ilang ulit ng tinalakay sa Sangguniang Bayan ang usapin sa snorkeling tickets dahil umano sa anomalya sa pagsingil at pangangasiwa dito.

Wednesday, June 07, 2017

Top 6 Drug Personality sa Aklan, arestado

Posted June 7, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for DRUGSArestado ang No. 6 drug personality sa Probinsya ng Aklan sa isinagawang buy-bust operation sa kaninang alas- nuebe ng umaga.

Kinilala ang suspek na si John Alex Nabor y De Miguel, 36-anyos at residente ng Brgy. Laguinbanua West, Numancia.

Naaresto si Nabor matapos itong magbenta ng 1 sachet ng suspected shabu kapalit ang 1,100 pesos at 500 na buy- bust money kung saan sa patuloy na pagkukumpiska narekober pa rito ang lima pang hinihinalang shabu sa posesyon ng suspek.

Katuwang ang pinagsamang pwersa ng AKLAN PDEU, PDEA 6, Numancia MPS, 12 IB, at MIG 6 nasa kustodiya na ngayon ng Aklan PDEU si Nabor na takda ng kasuhan sa paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs Act.

Malaysian national, nabiktima ng Illegal na Commissioner sa Boracay

Posted June 7, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for ILLEGALIsang Malaysian National ang nag-reklamo sa Boracay PNP matapos umano itong mabiktima ng Illegal na Commissioner sa isla kahapon.

Ang nagrereklamo ay nakilalang si Sing Chun Mun, 30-anyos.

Sa report ng biktima sa mga pulis, -booked umano sila ng kanyang kaibigan sa suspek na si certain “Christian” ng water sports activity subalit ng magkikita na ito sa kanilang lugar na pinag-usapang para gawin ang naturang water sports activity ay hindi nagpakita sa kanila ang umano’y komisyoner.

Pagdag-dag pa ng biktima nagbayad na sila ng mahigit P 37, 000 para sa limang Sea Sports Activity kasama ang mga kaibigan nito.

Nabatid na tinatawagan nila ang numero ng suspek subalit hindi na ito mahagilap.

Kaugnay nito, nagpapatuloy parin sa ngayon ang imbestigasyon ng Boracay PNP hinggil sa nasabing reklamo.

Chinese nationals, top Tourists sa buwan ng Mayo

Posted June 7, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Top tourists ngayong buwan ng Mayo ang mga Chinese National na bumisita sa isla ng Boracay.

Base sa datos ng Malay Tourism Office (MTOUR), pumalo sa 23, 912 ang bilang ng mga Chinese National at nasa ikalawang pwesto naman ang Koreans na mayroong 23,645.

Pasok rin sa TOP 10 Tourists Arrival ang bansang Taiwan, Malaysia, USA, United Kingdom, Australia, Singapore, Japan at ang huli ay Saudi Arabia na nakapagtala lamang ng 666.

Bagamat Habagat Season na ngayon sa Boracay at inaasahan pa rin ang pagdagsa ng mga turista na bibisita rito.

Samantala, pina-alalahanan naman ng PCG- Boracay ang publiko na maging maingat lalo pa’t maalon ang long beach dulot ng Habagat para maiwasan ang anumang disgrasya.

Monday, June 05, 2017

Paglagay ng sariling Lifeguard at outpost ng mga Resorts sa Boracay, iminungkahi ng PCG

Posted June 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Mas maganda umanong maglagay ng sariling outpost at trained Lifeguard ang mga resort owner sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni PO1st Condrito Alvares ng Philippine Coast Guard Boracay, bilang paghahanda narin sa anumang insidenteng pwedeng mangyari sa kanilang mga bisita lalo’t papasok na ang habagat season.

Sinabi pa ni Alvares, malaking tulong umano kung maglalagay ang mga ito ng sarili nilang lifeguard dahil hindi na mahihirapan ang kanilang mga bisita na humingi ng tulong dahil merong nakabantay sa mga ito maliban sa Lifeguard ng isla at PCG.

Suhestiyon niya ito bilang paghahanda narin ngayong Habagat Season at preparasyon narin sa paghahanda sa anumang kalamidad na pwedeng mangyari sa bansa. 

KALAHI-CIDSS Project sa Buruanga,ibinahagi sa mga Media

Posted June 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Nagsagawa ng media tour ang Kalahi-CIDSS ng Department of Social Welfare and Development o (DSWD) upang ibahagi sa mga Media sa Aklan kung ano ang ipinatayo o ipinagawang proyekto nito sa pinakadulong bayan ng probinsya, ang Buruanga.

Ang media-tour ng Kalahi-CIDSS ay pinangunahan nina Deputy Regional Project Manager ng Kalahi-CIDSS- Belen Gebusion, Area Coordinator-Jomar Lingaya,  Maria Chinny Joy Ballaran-Municipal Link ng 4 P’s, Maricar Calubiran-Social Marketing Officer.

Sa isinagawang pagpupulong kasama si Buruanga Mayor Concepcion Labindao kasama ang media, tatlong Barangay sa lugar ang kanilang napatayuan ng proyekto kung saan ito ang Tag-osip, Cabugan at Santander.

Image may contain: 1 person, sitting, table, living room and indoor
Bilang bahagi ng proyekto, kabilang sa mga inayos nila dito ay ang Barangay Road Construction at installation ng streetlights sa mga nabanggit na Barangay.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Labindao sa ipinagkaloob na tulong ng Kalahi-CIDSS sa kanilang bayan dahil kahit papaano umano ay napunan ang pangangailangan ng mga tao partikular na dito ang malayong Barangay.

Ayon kay Tag-osip Barangay Captain Jeneth Matutina, malaking tulong sa kanila na naayos na ang kanilang kalsada dahil sa pamamagitan umano nito makapag-tatrabaho na sila ng maayos hindi umano katulad ng dati na mahirap itong pasukin dahil sa mabatong daan.

Kaugnay nito, nagpa-abot ng mensahe si Gebusion na patuloy umano silang magbibigay ng tulong sa mga bayan at Barangay sa mga probinsya sa buong Pilipinas.

TIEZA at BIWC, nagsagawa ng Public Presentation

Posted June 5, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, indoor
Dinaluhan ng mga stakeholders sa isla maging ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Malay sa pangunguna ni Mayor Ceciron Cawaling ang isinagawang public presentation ng TIEZA sa Boracay.

Sa nagyaring pagtitipon, inilatag ni Atty. Ma. Teresa Alvarez ang paghahanda ng Boracay Island Water Company Inc. o BIWC sa mataas na demand ng water at waste water ng isla lalo at tumataas ang bilang ng tourist arrival.

Maliban dito, ibinahagi rin ang ilang infrastructure projects na nakalaan sa Baranggay Yapak bilang paghahanda na rin sa posibleng pagbukas ng mga malalaking resorts doon.

Image may contain: 2 people, people sitting and indoor
Napag-usapan din ang ilang problema sa drainage at sewer line na hiniling ni Mayor Cawaling sa TIEZA na unahin itong solusyonan sa pamamagitan ng paglatag ng mga imprastraktura.

Nabatid rin na pinaghahandaan na ng TIEZA ang pinagkukunan ng tubig na nanggagaling pa sa Nabaoy River kung saan maaari itong maubusan ng suplay ng tubig kung hindi pag-planuhan dahil na rin sa bilang ng mga consumer na gumagamit kung kaya’t ibinahagi ng mga ito ang mga proposed projects.

Bagamat sumentro ang presentasyon sa mga katanungan at mga nakitang suliranin, sa huli ay tiniyak naman ng TIEZA na lahat ng mga daing na kanilang narinig ay agad na ire-report sa kanilang opisina nang sa ganun ay matugunan ito sa lalong madaling panahon.

Paggamit ng plastic sa Isla, ipagbabawal- LGU

Posted June 5, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for plastic banMalapit ng ipagbawal ng LGU-Malay ang paggamit ng plastic sa isla ng Boracay.

Nabatid na nakatakdang ipatupad ang soft implementation ng Municipal Ordinance No. 320-2012 sa Hunyo a kinse bilang hakbang para mabawasan ang basura sa buong bayan lalo na sa isla.

Dagdag pa sa iba-ban ay ang mga styrofoam maging ang pagbebenta ng mga plastic bags kung saan hinihikayat ang paggamit ng reusable bags, woven bags, cloth bags, paper bags, at iba pa na gawa sa mga biodegradable materials.

Ang sino mang lumabag sa naturang panukala ay magmumulta ng Php 1,000 hanggang Php 2,500 o pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan.

Samantala, ang mga establisyemento naman na hindi susunod ay maaring kanselahin ang operasyon.