YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, August 06, 2014

Problema sa drainage at pumping station, pag-uusapan sa isang closed-door meeting ng DOT at BRTF

Posted August 6, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay 

Pag-uusapan sa isang closed-door meeting ng DOT at Boracay Redevelopment Task Force ang problema sa drainage at pumping station sa isla.

Kaugnay nito, umaasa umano si DOT o Department of Tourism Regional Director Helen Catalbas na magkakaroon na ng konkretong kasagutan tungkol sa estado ng mga nasabing tourism infrastructure project.

Maliban dito, pag-uusapan din kung papaano masosolusyunan ang matagal nang problema sa baha at kung ano ang bahaging dapat gampanan ng TIEZA o Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority, Boracay Island Water Company at LGU Malay.

Samantala, sinabi pa ni Catalbas na dadalo din sa nasabing pagpupulong si mismong DOT Undersecretary Maria Victoria Jasmin.

Magugunitang umani ng batikos at reaksyon mula sa social media, mga turista at maging sa mga lokal na residente ng isla ang naranasang pagbaha nitong nakaraang buwan na isinisi naman ng publiko sa baradong drainage at hindi gumaganang pumping station.

No comments:

Post a Comment