YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, July 09, 2016

Brgy. Balabag may pinakamaliit na bilang sa mga sumukong drug user- Andrade

Posted July 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ang Brgy. Balabag sa isla ng Boracay umano ngayon ay may pinakamaliit na sumukong drug user sa bayan ng Malay na umabot palang sa dalawa.

Ayon kay Malay PNP Chief Police Senior Inspector Frensy Andrade, nasa kabuuang 61 na ang mga sumukong drug user sa kanilang himpilan simula nitong nakaraang Sabado.

Karamihan naman umano sa mga sumuko ay mula sa isla ng Boracay kung saan sa pagtaya nito ay umabot sa 15 hanggang 20 ang nag-surrender mula sa Brgy. Yapak, 15 naman sa Manoc-Manoc at dalawa sa Balabag.

Muli namang nanawagan si Andrade sa mga gumagamit at nagbibinta ng illegal na droga na sumuko na sa kanilang himpilan para hindi na malagay sa alanganin ang kanilang buhay lalo na ang mga nasa watch list.

Security guard sa Boracay, patay matapos barilin ng hindi nakilalang mga suspek

Posted July 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Wala ng buhay ang isang security guard matapos itong barilin ng tatlong hindi nakilalang suspek sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktima na si Reynold Sarandin, Liason Officer ng Security Agency at residente  ng Brgy. Aranas, Balete.

Sa blotter report ng Boracay PNP, may kumatok umano sa gate ng kanilang pinag-tatrabahuhan at sa pagbukas nga ng biktima ay dito na siya binaril ng mga suspek.

Nabatid na sinubukan pa umanong lumayo ng biktima sa mga suspek ngunit  natumba na ito at hindi na nakatayo pa.

Napag-alaman na ginantihan pa umano ng kasamahang security guard ang mga suspek ngunit mabilis ding tumakas sa lugar.

Samanatala, narekober naman sa Scene of the Crime Operation (SOCO) ang .38 caliber na baril na may anim na bala, 3 fired cartridge ng 12 gauge shot gun, 14 fired cartridge ng hindi nakilalang baril at 7 live ammos ng caliber 38 pistol  sa bulsa ng biktima.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Boracay Tourist Assistance Center o (BTAC) sa nangyaring insedente.

Sa ngayon pansamantalang nakahimlay ang katawan ng biktima sa Prado Funeral Homes sa bayan ng Malay.

Project Tokhang ng Aklan PNP, patuloy ang pagtanggap ng mga surrenderees

Posted July 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for OPLAN TOKHANGPatuloy ngayon ang pagtanggap ng Aklan PNP para sa kanilang Project Tokhang sa mga nagsu-surrender na may kaugnayan sa illegal na droga sa probinsya.

Habang nanatili naman ang ginagawang pag-iikot sa mga bayan sa lalawigan ng mga prosecutor na sina Maya Bien Mayor Tolentino at Fiscal Cris Gonzales para i-assist ang mga sumuko na sinasabing sangkot sa droga.

Base sa tala ng Aklan PNP, umabot na sa mahigit dalawang daan ang boluntaryong sumuko sa ibat-ibang municipal police station sa Aklan.

Samantala, sa huling limang bayan na inikot ng mga fiscal 10 ang sumuko sa bayan ng Balete, 12 sa New Washington, 1 sa Numancia, 9 sa Makato at 20 sa Banga.

Bago naman pinalagda sa affidavit of undertaking ang sumuko ipinaliwanag muna ni Prosecutor Tolentino kung ano ang kanilang nilagdaan at kung ano ang mga legal na implekasyon para rito.

Sa kabila nito nanawagan naman si Tolentino sa mga sumuko na hikayatin pa ang kanilang mga kakilala na magbalik loob at magbago na.

Lalaking hindi pinautang ng lapad, nagwala; kulong

Posted July 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ipina-kulong ngayon ng may-ari ng isang tindahan sa Sitio Cabanbanan, Manoc-manoc ang isang lalaki matapos itong manggulo dahil hindi pinautang ng lapad.

Sa blotter report ng Boracay PNP, inereklamo ng biktima na si Sakirah Mamismal, 30-anyos ang suspek na si Rico Diones, 37-anyos, isang tricsycle driver itoy matapos manggulo sa kanyang tindahan  dahil hindi niya ito pina-utang ng lapad.

Nabatid na nasa ilalim umano ng nakakalasing na inumin ang suspek na pumunta sa tindahan ng biktima para umatang ngunit, ng itoy kanyang tinanggihan, biglang nagalit at nanggulo ang suspek sa lugar.

Dahil dito, idinulog naman ang reklamo sa Boracay PNP kung saan ang suspek ngayon ay pansamantalang iki-nustodiya dahil sa kanyang nagawang kasalanan.

Friday, July 08, 2016

Bagong miyembro ng 17th Sangguniang Panlalawigan, nakahanda na sa Inaugural Session

Posted July 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay  

Ngayong araw ng Miyerkules Hulyo-13 ay nakatakdang isagawa ang Inaugural Session ng bagong miyembro ng 17th Sangguniang Panlalawigan sa probinsya.

Ito ay gaganapin alas-10 ng umaga sa SP session hall, Capitol Building kung saan dadaluhan ito ni Bise-Gobernador Atty. Boy Quimpo at ang mga SP member officials na si Ampod Neron, Soviet Russia Dela Cruz, Lilian Quimpo-Tirol, Harry Sucgang at Atty. Emmanuel Nolly Sudosta ng Eastern Side habang sa Western side naman ay si Ramon “Andoy” Gelito, Engr. Miguel Miraflores, Jay Tejada, Esel Flores at Nelson Santamaria.

Samantala, ang nasabing inagurasyon ay dadaluhan ng mga Department heads ng gobyerno sa probinsya kung saan inaasahan dito ang paglatag ng kanilang mga plataporma  sa kanilang pag-upo bilang mga opisyal ng probinsya.

SB Committees tinalakay sa unang session ng SB Malay

Posted July 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for SB MALAY SESSION\Ginawa nitong Martes sa kauna-unahang Session ng Sangguniang Bayan ng Malay ang botohan sa SB Committees assignment at districting sa ibat-ibang barangay sa nasabing bayan.

Si Vice-mayor Abram Sualog ang siyang chairman ng Session habang napili bilang Chairman ng Committee on Laws ay si SB member Jupiter Gallenero.     

Maliban dito ina-dopt naman ng mga ito ang dating Internal Rules and Procedure ng Sangguniang Bayan habang pinag-usapan naman ang petsa at araw ng session kung saan kapareho lang din ito sa nakaraang council.

Sa kabilang banda napili naman bilang Liga President si Juliet Aron ng Baranggay Caticlan matapos ang isinagawang botohan ng mga Brgy. Captain sa bayan ng Malay.

Sobrang haba ng pila sa Tambisaan Port kagabi muling naranasan

Posted July 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Muli na namang naranasan ang sobrang haba ng pila ng mga pasahero sa Tambisaan Port sa Manoc-Manoc kagabi.

Ito’y dahil sa hirap na makadaong ang mga bangka sa dalampasigan dala ng low tide kung saan paisa-isa nalang na bangka ang ginagamit sa pagpapasakay sa mga pasahero.

Dahil dito hindi naman naiwasan na mainip ang ibang mga pasahero dahil sa tagal bago sila makasakay kung saan karamihan sa mga ito ay turista at mga manggagawang tatawid ng mainland.

Kaugnay nito nananatili namang naka-antabay ang Philippine Coastguard sa lugar para sa seguridad ng mga pasahero lalo na at masama ang panahon kagabi.

Ang Tambisaan port ang siyang ginagamit sa tuwing malakasas ang alon sa Cagban at Caticlan Jetty Port dahil sa umiiral na Habagat season.

Thursday, July 07, 2016

Permit para sa Docking Facility sa Punta Bunga Boracay, muling pag-aaralan !

Posted July 7, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay        

Image result for illegal docking of boatIbinalik ngayon ang aplikasyon ng SMI Development Corporation sa pagkuha ng permit para sa construction ng Docking Facility sa Punta Bunga sa isla ng Boracay.

Ito ay para pag-aralang muli sa mga dapat na i-proseso sa pagkuha ng permit para ma-aprobahan ang kanilang kahilingan.


Nabatid na ito ang request ng SMI Development Corporation kay Aklan Governor Joeben Miraflores at sa Sangguniang Panlalawigan ng probinsya.

Sa panayam ng himpilang ito kay Jetty Port Administrator Niven Maquirang, nag-pulong na umano sila para tingnan ang mga dokumento at mga requirements ng SMI bago nila ito bigyan  ng permit.

Nabatid na nais ng kahilingang ito ay para sa direktang pag-transport ng kanilang mga bisitang magbabakasyon sa isla ng Boracay.

Samantala, sinabi naman ni Maquirang na hindi nila pinapayagan na mag-direct ang mga guest na bisita sa kanilang hotel na hindi dumadaan sa Caticlan Jetty Port kung saan magiging unfair daw umano  ito sa mga turistang kumukuha ng Environmental Fee.

Kaya naman isa ito sa mga nakikitang dahilan ni Maquirang na hindi muna bigyan ng permit ang naturang construction sa lugar.

Samantala, mahigpit parin nitong ipinapatupad ang “one entry” “one exit” policy sa isla ng Boracay.

Publiko hinikayat ng Aklan PPO, na makipag-ugnayan sa kanila laban sa mga tiwaling pulis

Posted July 7, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Aklan Police Provincial Office (APPO)Hinikayat ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang publiko na makipagtulungan sa kanila laban sa pagsugpo sa mga tiwaling pulis.

Ayon kay Public Information Officer 1 Jane Vega ng APPO, ito umano ay bilang tugon at sa mahigpit na kauutusan ng bagong Regional Director ng Provincial 6 na si PCS Jose Gentiles.

Nais umano ni Gentiles na mas pagtuunan ng pansin ang illegal na droga na walang kompremeso at zero tolerance.

Maliban dito binilin niya umano ang mga unit commander na epektibong pamunuan ang implementasyon ng Project Double Barrel .

Nabatid na ang paglilinis na ito ay magsisimula sa PRO6 pababa sa lower units kung kayat hinihiling nila ang suporta ng publiko na mag sumbong laban sa mga kurakot at tiwaling pulis.

40-anyos na lalaki, nagreklamo matapos suntukin ng tomboy

Posted July 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterTatlong tama ng suntok sa mukha ang tinamo ng isang 40-anyos na lalaki mula sa isang tomboy sa Station 2, Balabag, Boracay.

Sa reklamong idinulog ng biktimang si Rhudini Bandada, sa mga pulis sa Boracay PNP, sakay umano siya ng kanyang motorsiklo ng inihinto niya ito sa lugar kung saan nilapitan siya ng ine-rereklamong tomboy na si Michelle Pablo at walang anumang dahilan ay sinuntok siya nito.

Nabatid na nagka-problema sa trabaho ang asawa ni Bandada at ang suspek dahilan para kumprontahin ito ng biktima.

Samantala, ang kaso ay ini-refer naman ng mga pulis sa Brgy. Justice System ng Balabag.