YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, August 05, 2014

Ibat-ibang pamilihan sa Boracay, sinuyod ng DTI

Posted August 5, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sinuyod ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga pangunahing pamilihan sa isla ng Boracay.

Ito ay para ma-monitor ang galaw ng mga presyo katulad ng delata, gatas, noodles, sabon, bottled water at ibang pangangailangan sa pang araw-araw.

Pinangunahan mismo ito ni DTI Aklan Provincial Director Diosdado P. Cadena Jr. kasama si DTI Development Specialist Rene Retiro.

Dito isa-isa nilang kinumpara ang mga presyo ng mga bilihin sa SRP kung saan natuklasan nilang lahat ng tindahan sa Boracay ay mataas ang presyo kumpara sa SRP ngunit ang iba naman ay reasonable ang presyo.

Bagamat may kunting kataasan, pinayuhan naman ng DTI ang mga may-ari ng tindahan na e-review ang kanilang ibinigay na Suggested Retail Price (SRPs) para sa selected Basic Necessities.

Payo naman ni Cadena sa mga mamimili sa Boracay na magtungo sa mga pamilihang reasonable at tama lamang ang presyo ng mga paninda.

Samantala, muli namang babalik ang DTI sa Boracay para e-monitor pa ang ibang grocery store at kung nag-comply ang kanilang binigyan ng SRP.

No comments:

Post a Comment