YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, August 05, 2017

Dating konsehal sa bayan ng Malay, arestado sa drug buy-bust operation

Posted August 5, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST

Image result for drugsKulong ngayon sa Kalibo Police Station ang dating konsehal at ngayo’y empleyado ng LGU-Malay na si Leny SacapaƱo.

Sa naging panayam kay Aklan Provincial Drug Enforcement Unit Police Chief Inspector Frensy Andrade, naaresto ang suspek malapit sa kanyang bahay sa Balabag sa lugar kung saan nakuha sa kanyang posisyon ang limang sachet ng suspected shabu at tinatayang nasa P 100,000 na cash.

Ayon kay Andrade, bagamat nahirapan silang pusasan ito ay wala naman umanong komosyon na nangyari sa paghuli dito.

Aniya, pasok sa High Value Target si SacapaƱo dahil nagtatrabaho ito sa gobyerno.

Napag-alaman, noong nakaraang taon ay drug surrenderee na ito ng Malay PNP.

Ikinasa ang drug operation ng Aklan Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Malay PNP at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5 Article II Republic Act 9165 o dangerous drugs act ang suspek.

Thursday, August 03, 2017

Rehabilitasyon ng mga Drug Surrenderee sa Malay, sisimulan na

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Sisimulan na ngayong unang linggo ng Agosto ang anim na buwang Community Base Rehab Program (CBRP) ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) sa ilalim ng LGU Malay at Philippine National Police (PNP).

No automatic alt text available.
Kahapon sa isinagawang kick-off ng programang ito sa Coverd Court ng Malay, pinulong ang nasa  235 na bilang ng mga drug surrenderee kung ano ang mga inilaang programa para hindi na nila muling balikan ang paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Ipinaintindi rin sa mga surenderees kung ano ang mga gagawin nila sa rehab program na ito kabilang na ang kanilang pagdadaanan na Physical, Mental, Spiritual at Health Recovery ng sa gayon sa paraang ito ay mabago sila at makabalik sa kanilang mga trabaho at normal na buhay.

Dahil sa seryoso ang LGU-Malay sa programang ito,  naglaan ng mahigit dalawang milyon ang Mayor ng Malay para sa Community Base Rehab Program (CBRP).

Samantala, pina-alalahan ni Mayor Cawaling ang mga ito na kung magbabago ay ituloy-tuloy na dahil aniya mahirap ang ma-tokhang.

Kaugnay nito, oras na matapos nila ang rehabilitasyon ay magkakaroon naman ng graduation ang mga surrenderee bilang patunay na kanilang natapos itong programa.

Maliban kay Mayor Cawaling, ang “Reporma Kasimanwa” – The Community Base Rehabilitation Program ay dinaluhan din nina Malay PNP Chief PSInps. Mark Evan Salvo, Chief Intelligence & Operation Section Dexter Brigido ng Boracay PNP, Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes, Municipal Health  Officer Dr. Ma. Nay Mucho at Magdalina Prado ng MSWDO.


Lubak na kalsada sa Caticlan, Malay, nakatakda nang ayusin

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people, tree, sky and outdoorNagbigay na ng sulat si DPWH Aklan District Engr. Noel Fuentebella sa Lokal na Pamahalaan ng Malay para sa pagsasa-ayos ng lubak na kalsada partikular sa Parking Area ng Tolosa at Coca Cola Warehouse sa Caticlan, Malay.

Ito’y bilang sagot sa kahilingan ni Malay Mayor Ceciron Cawaling na maisa-ayos ito dahil narin sa matagal na itong sira at naging hinaing ng mga tao at sasakyang dumadaan doon.

Image may contain: sky, tree and outdoorNapag-alaman na noong nakaraang 2016 pa ito hiniling ni Catherine Fuljencio ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Malay sa DPWH-Aklan kung saan nakapaloob sa kanyang liham na sana mapaganda ang kalsada pati na ang drainage system at mga signages na ilalagay sa lugar.

Nabatid kasi na itong pagpapaayos ng mga kalsada ay nasa pangangasiwa ng probinsya ng Aklan.

Bilang sagot, naglaan ngayon si Fuentabella ng mahigit P 8 million na budget para sa pagkumpuni at maintenance nito.

Nakatakda namang magpulong si Mayor Cawaling at Fuentebella upang pag-usapan kung kailan sisimulan ang naturang proyekto.

Star 8 E-Trike, ipinatawag sa SB Session ng Malay

Posted August 3, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Naging bisita kahapon sa 25th Regular Session ng Malay ang kinatawan ng Star 8 E-trike matapos itong ipatawag ni Sangguniang Bayan Member Dante Pagsuguiron.

Ito’y may kaugnayan umano sa kanilang pag-ooperate sa isla ng Boracay na walang kaukulang permit na hinahawakan.

Dito, ipinunto ni Pagsuguiron sa representante ng Star 8 na si Atty. Rona Jordan kailangan nilang tumalima sa mga kinakailangan requirements bago sila mag-operate dito.

Ayon naman kay Vice Mayor Abram Sualog mas mabuti umanong magbigay sila ng respeto sa Lokal na Pamahalaan ng Malay dahil gusto nilang maging patas sa ibang public utility vehicle sa isla.

Dagdag pa Sualog, hindi umano sila tutol sa pag-operate ng Star 8 ang gusto lang nila ay maging responsible sa pagsunod ng mga patakaran.

Kaugnay nito, tinanong ni SB Floribar Bautista si Malay Transportation Office (MTO) Cesar Oczon kung ano ang kanilang aksyon dito kung saan sinagot naman ito ni Oczon nagpadala siya ng kanyang trabahante nitong huwebes sa isla para i-check itong anim umanong nakitang nag-ooperate at inisyuhan nga ng ticket para sa mga nilabag nilang ordinansa.

Samantala, sinang-ayunan ni Jordan ang kanilang pinag-usapan at ipinangakong susundin nila ang proseso at magsusumite ng mga requirements para makapag-operate ang kanilang negosyo.

Napag-alaman, may sampung Star 8 E-trike na umano dito sa isla ng Boracay ang namamasada.

Wednesday, August 02, 2017

Karpentero sa Boracay, nahuli sa pagbebenta ng iligal na droga

Posted August 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for drugsKalaboso sa pagbebenta ng iligal na droga ang isang Karpentero sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Lapuz-Lapuz, Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Ikinasa ng mga otoridad ang pagka-aresto sa suspek na si Roberto Castillo, 64-anyos at native ng Bugasong, Antique.

Nahuli ang suspek matapos mabilhan ng isang plastic sachet ng sinasabing shabu kapalit ng buy-bust money.

Samantala, sa isinagawa pang body search narecover pa dito ang apat na ipinagbabawal na droga.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Boracay PNP ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tuesday, August 01, 2017

Drug Surrenderee sa bayan ng Malay, isasailalim sa Rehabilitasyon

Posted August 1, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

No automatic alt text available.Dahil sa nagpapatuloy na programa ng Philippine National Police (PNP) na Oplan Double Barrel-Reloaded, mahigit 235 drug surrenderee ngayon ang nai-rekord ng bayan ng Malay.

Ayon kay SPO1 Ernesto Lomida ng Malay PNP, bukas umano Miyerkules August 2 ay magtitipun-tipon ang mga drug surrenderee sa Coverd Court ng Malay para sa isang programa.

Magiging bisita naman dito sina APPO OIC PSUPT. Lope Manlapaz, Malay Mayor Ceciron Cawaling, Barangay Anti-Drug Abuse Council o (BADAC) Barangay Officials at kapulisan ng Malay PNP.

Ani Lumida, layunin nitong ipaliwanag sa mga surrenderee ang kanilang mga gagawin at isa na nga dito ay ang pagsasailalim sa mga ito sa anim na buwang rehabilitasyon.

Samantala, itong programa ay may temang “Ginahandom ta: Pagbag-o it Kasimanwa”.

Nabatid ang Oplan Double Barrel-Reloaded ay pinangungunahan ng mga hepe ng pulisya kasama ang mga Barangay Chairman sa pagkatok sa bahay ng mga drug personalities  upang kumbinsihin ang mga itong sumuko sa batas at sumailalim sa  rehabilitasyon.