YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 16, 2017

Straktura ng umano’y pier na pinapatayo sa Bulabog beach, tinibag na

Posted November 16, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Tinibag na ang umano’y ipapatayo sanang pier sa bahagi ng Bulabog beach malapit sa Ati Village.

Nabatid noong isang linggo ay napansin ang konstraksyon sa lugar kung saan si Sangguniang Bayan Member Nenette Graf ang siyang pumuna sa mga  nang poste na nakabaon na sa dalampasigan.

Image may contain: sky, beach, mountain, cloud, outdoor and nature
Photo Credit SB Graf
Sa panayam kay Executive Assistant IV Rowen Aguirre nitong nakalipas na araw sa pakikipagtulungan ng MPDO o Municipal Planning Development Office, Zoning Office, Engr. Office at ng LGU-Malay pinuntahan nila ang area para magbigay ng notice of violation sa may-ari para mapahinto ang ginagawang konstruksyon.

Sa kanila namang pag-inspeksyon sa lugar ay natibag na ang mga nakatayong poste subalit wala silang matumbok kung sino at anong establisyemento ang nag-hukay doon.

 Sa kabilang banda, sa pagtatanong ng istasyong ito sa mga tao sa lugar isang tulay umano ang gagawin sa lugar kung saan dadaong ang mga yacht at sea service.

Samantala, ayon kay Aguirre pina-iimbestigahan na nila sa kinauukulang ahensya ang naturang kaso.

Kaugnay nito, sa naganap na 38 th Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Malay pinag-usapan itong isyu ni Committee on Chairman Environment Nenette Graf na aniya nagpapakita na umano ang tao ng “total disrespect” sa kanilang mga kinauukulan dahil alam naman ng lahat na mayroong ordinansang sinusunod kaugnay nito.

Binanggit pa ni Graf na may problema umano ang LGU sa regulasyon kung saan nang kanilang tanungin kung kanino itong proyekto ay wala silang ideya kung kanino ba talaga ito.

Sa ngayon umano kanila nang inaayos itong isyu para hindi na maulit muli.