Pages

Tuesday, August 05, 2014

Wikang Filipino pinapayaman ng turismo - BNHS

Posted August 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Pinapayaman umano ng turismo ang wikang Filipino lalo na sa isla ng Boracay.

Ito ang sinabi ni Boracay National High School (BNHS) Principal II Jose Niro Nillasca kaugnay sa selebrasyon ng buwan ng wika sa bansa ngayong buwan ng Agosto.

Anya, ang pagkakaroon ng iba’t-ibang lenggwahe o salita sa Boracay ay higit na nagpapayaman sa wikang Filipino.

Ito’y dahil sa katulad umano ng BNHS, ginagamit ang Filipino hindi lamang bilang medyum ng pagtuturo kundi salita ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng iba’t-ibang estudyante mula sa iba’t-ibang probinsya.

Dagdag pa nito na kung sa labas naman umano ng paaralan at may pagkakataong makasalamuha ng mga estudyante ang mga dayuhan ay lalong nadadagdagan ang kanilang bokabularyo.

Dahil dito, nagiging mas mayaman lalo ang wikang Filipino na sya ring magbibigay ng malaking ambag sa turismo.

No comments:

Post a Comment