YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, July 11, 2019

Bagong sets ng Sangguniang Bayan Members itinalaga na sa kanilang hahawakang komite

Posted July 10, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 11 people, people smiling, people standing, people sitting and indoorItinalaga na sa bagong set ng Sangguniang Bayan members ang mga komitebang hahawakan nila sa loob ng tatlong taon na panunungkulan sa lokal na lehislatura ng Malay.

Ang first timer na konsehal na si SB Nickie “Boy” Cahilig ay hahawakan ang Committee on Laws and Ordinances, Rules and Privileges at Committee on Peace and Order and Public Safety.

Itinalaga naman kay SB Nenette Aguirre-Graf ang Committee on Finance, Budget and Appropriations, Committee On Tourism Industry, Trade, Econimic Enterprise at Committee on Environment Protection.

Ang Committee on Health and Sanitation at ang Committee on Housing, Land Utilization and Building Construction ay ibinigay kay SB Danilo Delos Santos.

Ang bagitong si SB Member Junthir Flores ay itinalaga sa Committee on Social Welfare, Senior Citizen, Disable and Human Rights at Committee on Market and Slaughterhouse.

Samantala, pangungunahan ni Liga President Ralf Tolosa ang Committee on Good Government, Public Ethics and Accountability, Committee on Education and Culture at ang Committee on Brgy. Affairs.

Inilagay naman bilang Chairman sa Committee on Public Works and Highways and Public Utility at Committee on Agriculture, Fisheries and Aquatic Resources si SB Dante Pagsuguiron.

Kaugnay nito, hiniwalay naman ang Committee on Youth Games and Amusement and Sports sa Committee on Youth and Affairs na hahawakan ni Sangguniang Kabataan SK Federation Presdident Hope Pagsuguiron at si SB Daligdig Sumndad sa Committee on Games and Amusement and Sports at Committee on Transportation.

Si Sangguniang Kabataan SK Federation President Hope Pagsuguiron ang hahawak bilang Committee Chairman sa Committee on Women, Family and Child habang sa Committee on Culture and Minorities si Sangguniang Bayan Member Lloyd Maming.

Maliban dito, napagkasunduan din na ang linggohang sesyon ay ilipat sa araw ng Huwebes, ala-una ng hapon.

Lalaki namatay habang nasa Snorkeling Activity

Posted July 10, 2019
Inna Carol Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, swimming, ocean, outdoor, nature and water
(ctto)
Wala ng buhay ng isugod sa hospital ang isang lalaking hindi na pinangalan matapos umanong malunod kaninang  sa isla ng Boracay.

Ayon kay Philippine Coast Guard Commander Marlowe Acevedo, ang biktima ay 40 na taong gulang at isang bakasyonista.

Ayon sa inisyal na report ng MDRRMO Malay, nakatanggap ng tawag ang sea patrol na may humihingi ng saklolo sa snorkeling area sa Crocodile Island sa Sitio Tambisaan, ManocManoc.

Sa pagresponde nila sa area ay wala ng malay ang biktima at agad na isinugod sa St. Gabriel Hospital Boracay.

Matapos suriin ay idineklara naman itong DOA o Dead on Arrival ng attending medical staff ng ospital.

Samantala, ayon kay Acevedo inaalam pa nila ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at kung ito ba ay inatake sa puso bago nalunod.

LGU Malay magpapasa ng resolusyon kaugnay sa “Clean Up Drive” bilang aksyon sa sakit na dengue

Posted July 10, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, people sitting, table and indoorBilang aksyon sa tumataas na kaso ng dengue sa ibat-ibang rehiyon sa bansa, magpapasa ngayon ng resulosyon ang Lokal na Pamahalaan ng Malay upang maiwasan at hindi na dumami pa ang mabiktima ng sakit na dengue.

Kahapon, sa isinagawang meeting kasama ang ibat-ibang department heads ng LGU Malay, stake holders at iba pang ahensya ng gobyerno, napagkasunduan na magpasa ng resolusyon para hikayatin ang mga paaralan at barangay sa isang malawakang “Clean Up Drive”.

Ang “Clean Up Drive” ay isang paraan upang suyurin ang mga area na marurumi kung saan naninirahan ang mga lamok at hindi na makapinsala ng buhay ng tao.

Ang schedule ng paglilinis ay araw ng Miyerkules sa mga paaralan na magsisimula sa alas syete ng umaga at araw ng Sabado sa alas-otso ng umaga.

Hinikayat naman ni Malay Acting Mayor Frolibar Bautista ang mga Barangay Captains at Paaralan na gawin ang 4 o’clock habit o paglilinis sa mga area na maaaring pamugaran ng lamok.

Samantala, ire-reactivate naman ang Barangay Dengue Monitoring Task Force at magkakaroon din ng Municipal Dengue Monitoring Task Force bilang tugon upang masawata ang nakakamatay na sakit.

Neuro-exam para sa bagong Malay Auxiliary Police – Bautista

Posted July 9, 2019
Inna Carol Zambrona, Yes The Best Boracay NEWS DEPARTMENT

No photo description available.
(ctto)
Nais ngayon ni Malay Acting-Mayor Frolibar Bautista na pakuhanin muna ng “ Neuro-Phsycological Assessment and Evaluation Exam” ang lahat ng aplikante bago tanggapin na maging miyembro ng MAP o Malay Auxiliary Police.

Sa panayam kay Bautista, marami umano siyang natatanggap na reklamo kaugnay sa performance o trabaho ng ilang miyembro ng MAP.

May iilan na patambay-tambay lang at walang ginagawa at karamihan ay walang kakayahan na gampanan ang kanilang tungkulin.

Aniya ang MAP ay frontliner ng isla kaya dapat sila mismo ay alam ang mga ordinansa na dapat ipinapatupad sa buong bayan ng Malay.

Sinabi pa nito na kahit kaunti lang basta’t inaayos nila ang kanilang trabaho ay wala siyang problema.

Aminado ito na may mga mga “political accomodation” na nagyayari sa pagpili ng kawani sa LGU subalit mahalaga pa rin aniya na dapat ay may kakayahan at kapasidad ang mga empleyado ng gobyerno.

Samantala, nauna ng sinabi at hinamon ni Bautista ang mga nagta-trabaho sa LGU-Malay na mag “ Level Up” sa serbisyo dahil ito umano ang susi para sa mas maunlad na Malay.