YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, February 08, 2019

Papal Nuncio , bumisita sa isla ng Boracay


Posted January 7, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: 5 people, people smiling, people standing and outdoor Mainit na sinalubong ng mga taga Ati Community Village ang Apostolic Nuncio ng Pilipinas na si Most Rev. Gabriele G. Caccia, DD sa kaniyang pagbisita sa isla ng Boracay kaninang umaga.

Sa maikling programa na inihanda ng mga katutubo ay nag-alay ito ng dasal at pangaral.

Sa mensahe ng Papal Nuncio, nais nitong magka-isa ang lahat dahil aniya ito ang paraan tungo sa magandang pagsasama at paglaganap ng kabutihan.

Bago nito ay pinaunlakan ng nuncio ang imbitasyon ni Bishop Jose Corazon Tala-oc na basbasan ang St. John the Baptist Cathedral ng Kalibo bago tumulak ng Boracay.

Ikinagalak din ng mga madre at kaparian ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish ng Boracay ang kaniyang pagbisita kaya naghanda rin sila ng misa sa simbahan.

Pagkatapos ng misa ay tumulak ang Papal Nuncio sa grotto ng pamosong Boracay Rock para mag-alay ng dasal sa imahe ng Birheng Maria.

#YesTheBestBoracayNEWS


Tuesday, February 05, 2019

Phase-II ng Boracay Road Rehabilitation, sisimulan na


Posted February 4, 2019
Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT

Image may contain: one or more people, sky and outdoor“Inaantay na lang kung sino ang mananalong contractor sa ginagawang bidding process at itutuloy na ang road rehab.”

Ito ang kinumpirma ni Al Orolfo, Deputy Ground Commander ng Boracay Inter-Agency Task Force sa panayam sa kanya nitong Sabado.

Aniya, sa meeting na isinagawa ng Boracay Inter Agency Task Group ay pinag-usapan at nakalatag na ang susunod na mga hakbang para maipagpatuloy ang 20-kilometer road rehabilitation hanggang sa taong 2020.

Ang Phase II na may budget na P 300-Million ay posibleng maumpisahan sa buwan ng Marso o Abril.

Sakop nito ang road rehabilitation magmula sa Elizalde Compound hanggang City Mall at Crossing Rotunda hanggang Tambisaan Port.

Kaugnay nito, tinatapos nalang ng DPWH natitirang trabaho sa Phase-I tulad ng mga sidewalks, paving blocks at manhole covers para makumpleto na ito at magagamit na ng publiko.