YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, December 06, 2017

MADAC Malay, nagsagawa ng Drug Abuse Symposium

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people and indoorUpang mas maunawan kung ano nga ba ang ipinagbabawal na droga, isang symposium ang isinagawa ng LGU-Malay sa pamamagitan ng Municipal Anti Drug Abuse Council o MADAC kahapon dito sa isla ng Boracay.

Isa-isang nagbigay ng kanilang mga kaalaman ang inimbitahang tagapagsalita at ipinaliwanag kung ano ang epekto nito sa gumagamit at responsibilidad ng mga ahensya at sektor sa usaping droga.

Partikular na  naging sentro ng pag-uusap dito ay ang mga sumasailalaim sa rehabilitation program ng LGU-Malay kung saan sa mahigit dalawang-daan ang balak mag bagong-buhay.

Ipinunto ni Dr. Adrian Salaver ng MHO-Malay dito, sa tulong umano ng MADAC matutulungan ang mga drug serrenderee na mag bagong buhay dahil sila ay isinasaialim sa lahat ng mga programang makapagbabago sa kanila.

Aniya, oras na matapos ang kanilang rehabilitasyon ibaballik nila ito sa kumonidad para makapagtrabaho habang patuloy naman ang kanilang monitoring sa mga ito.

Samantala, isa rin sa naging topiko ng Head Teacher III ng ManocManoc National High School Victor Supetran ang patungkol sa Illegal Drug Use Inside the Campus kung saan ipnaliwanag niya rito kung ano ang mga epekto nito sa mga kabataan at sa kanilang kinabukasan.

Samantala, ibinahagi rin ni Alan Palma Sr., KBP Chairman ng Aklan kung ano ang role ng media sa kampanya laban sa droga at kung ano ang mga protocol nito oras na kasam ang media sa operasyon ng paghuhuli ng drug pusher/user.

Dilaluhan ang symposium ng mga empleyado ng LGU-Malay, estudyante, mga Punong Barangay sa Malay at mga miyembro ng iba’t-ibang Civil Society Organization.


Security preparation para sa Holiday Season, kasado na -BTAC

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 2 people, people sittingNakahanda na ang mga kapulisan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) para sa pagpasok ng holiday season.

Halos walang pagkakaiba sa nakalipas na taon ang ginagagawa ngayong security preparation ng BTAC ayon kay SPO4 Danny Eguis.

Aniya, may deployment plan na silang nakalatag para sa mga police personnel na naka-duty para sa pagbantay ng isla.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni Eguis partikular ang mga establisyemento lalo na ang mga hotel/resort na maglagay ng CCTV para madaling ma-identify ang may planong gumawa ng masama sa kanilang lugar lalo na at marami nang nai-rekord na kaso ng pagnanakaw sa loob mismo ng mga hotel dito sa isla.

Samantala, pina-alalahan nito ang publiko at mga turistang magbabakasyon ngayong holiday season na maging vigilante, maging mapagmatyag sa kanilang mga katabi habang naglalakad at huwag magsoot ng mamahaling gamit para hindi maging masilaw sa mata ng magnanakaw.

Samantala, kung may mga reklamo umano maaring pumunta sa himpilan ng Boracay PNP para agad nila itong maaksyunan.

Israeli National, Inireklamo ang commercial sex worker ng pagnanakaw

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Kulungan ang sinapit ng isang commercial sex worker matapos itong ireklamo ng pagnanakaw ng nakasamang Israel National kaninang madaling araw.

Reklamo ng biktima na si Ilay Nir, 23-anyos sa mga pulis, matapos umano nilang magkaroon ng sexual intercourse sa ini-reklamong sex worker na si alyas “Joy” 39-anyos kinuha umano ng suspek ang kanyang cellphone.

Agad namang tinungo ni Nir ang istasyon ng Boracay PNP para humingi ng tulong kung saan na-identify nila ang cellphone nito sa tulong ng Google Phone Locator.

Nahuli ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng mga pulis subalit wala namang kasong isinampa ang biktima sa suspek sa ginawang pagnanakaw sa kanya.

Ika-limang bloodletting activity ng MDRRMO, ikinasa

Posted December 6, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: text
Ikinasa ngayon ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay ang kanilang ika-limang blood letting activity ngayong taon.

Sa panayam kay Catherine Ong ng MDRRMO, sinabi nito na layunin ng kanilang proyekto na ito na makalikom ng maraming dugo upang matulungan ang mga nangangailangan nito sa oras ng emerhensya.

Kaya naman sa ika-lima nilang blood letting activity sa December 8, hinikayat nito ang mga residente at empleyado ng ibat-ibang establisyemento sa Boracay na makiisa at maging bahagi sa kanilang gagawing aktibidad.

Samantala, katuwang nila dito ang Philippine Red Cross (PRC) Kalibo Chapter sa pakikipagtulungan din ng iba pang Government Agency sa Boracay.

Ang bloodletting activity ay magsisimula ng alas-nuebe ng umaga hanggang alas-dos ng hapon sa City Mall Boracay.

P2.01-B 2018 budget ng probinsya , aprobado na ng SP Aklan

Posted December 6, 2017
Ni Teresa A. Iguid, YES THE BEST Boracay

Image result for BUDGETInaprubahan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang P2.01 -Bilyong budget para sa taong 2018.

Nasa 8 porsyento ang itinaas nito kumpara 2017 na may 1.8 billion na budget.

Sa ilalim ng nasabing budget naglaan ng P 208. 445 Million para sa tourism, P 888. 094 Million para sa agrikultura, P 20 Million para sa edukasyon at kabuuang P 299.308 para naman sa infrastructure projects ng probinsya.

Ang Appropriation Ordinance No. 2017-013 na naglalaman ng budget ng probinsya para sa susunod na taon at may kabuoang halaga na  P 2,011,016,309.00  ay aprubado matapos ang ikatlo at huling pagbasa sa kanilang regular session, December 4.