YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, October 31, 2013

Dahil sa Undas, matinding trapiko sa Boracay, inaasahan ng MAP

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inaasahan ng Malay Municipal Auxiliary Police (MAP) ang matinding trapiko sa Boracay bukas sa pagdiriwang ng undas.

Ayon sa mga taga-MAP Boracay paiigtingin nila ang kanilang pagbabantay sa mga kalsadahin sa isla partikular na sa labas ng Manoc-manoc cemetery.

Bente-kwatro oras naman ang kanilang gagawing siguridad sa trapiko para maiwasan ang anumang aksidente sa daan gayon din para hulihin ang mga pasaway na motorista.

Sa ngayon halos patuloy ang mabigat na trapiko sa main road ng Boracay dahil sa pagdagsa ng maraming turista dulot ng long week end sa bansa.

Hindi naman palalagpasin ng MAP ang mga motoristang walang lisensya at helmet kabilang na dito ang hindi rehistradong mga sasakyan na kalimitang ipinagbabawal sa Boracay.

Sa ngayon halos all-set na ang lahat ng mga pangunahing otoridad sa isla ng Boracay na may kaugnayan sa ipinagdiriwang na undas ng bukas.

PNP Malay at Boracay, todo-alerto para sa Undas bukas

Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay

Todo-alerto ang ginagawang siguridad ng Malay at Boracay PNP para sa pagdiriwang ng undas bukas.

Ayon sa Malay PNP nag-deploy na sila ng mga kapulisan sa Caticlan cemetery at Poblacion Malay kabilang na sa dalawang sementeryo sa isla ng Boracay.

Nabatid na kahapon palang ay nakatutok na ang mga pulis sa mga sementeryo sa nasabing lugar para magbantay sa mga taong bibisita sa kanilang mahal sa buhay.

Kasabay nito, nakatotok din sila sa gagawing siguridad sa mga jetty port dahil sa posibleng pagdami ng mga turistang uuwi at pupuntang Boracay.

Magkakaroon naman ng checkpoint ang mga pulis bukas sa ilang pangunahing kalsadahin sa isla ng Boracay at sa bayan ng Malay.

Samantala, mahigpit na ipinagbabawal ng mga kapulisan ang pagdala ng mga matutulis na bagay sa mismong araw ng undas sa mga sementeryo na maaaring makapatay ng tao.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng mga radyo, baraha at ilan pang mga bagay na walang kinalaman sa pagdiriwang ng undas.

Car Show, planong gawin sa Enero sa panahon ng Ati-atihan Festival

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasabay ng Opening Salvo ng Ati-Atihan Festival noong October 25, 2013, ay ang planong pagkakaroon ng Car Show sa panahon ng Ati-Atihan Festival.

Ito ang pagpapakita ng ilang mga magagandang sasakyan ng tatlong myembro ng mga Car Enthusiasts Organization sa probinsya ng Aklan.

Sa inisyal na impormasyon kay Kalibo Sto. Niño Ati-Atihan Foundation Inc. (KASAFI) Chairman Albert Meñez.

Matapos na nakibahagi sa Opening Salvo ang mga nasabing sasakyan, plano naman ng mga itong lumarga sa mga itinakdang ruta bago ang street dancing ng mga tribu sa Ati-Atihan kasama rin ang mga Body painting Contestants.

Sa pakikipagtulungan umano ng KASAFI, plano ng mga Car Organizations sa Aklan na gumawa ng Car and Motor Contest sa Enero 15, araw ng Miyerkules kung saan gagawin naman sa Kalibo Pastrana Park.

Bukas naman daw ito sa mga Aklanon na nagmamay-ari ng mga sasakyan at motor na maipakita ang iba’t-ibang lights and sounds, accessories at mga customized modification.

Samantala, ito ang kauna-unahang Car Show sa probinsya kung saan layunin umano nitong maipakita ang kakayahan ng mga Aklanon na gumawa ng ganitong aktibidad.

Nabatid na iimbitahan din umano ang iba’t-ibang Car Organizations sa Panay Island kabilang na ang mga guest kung saan pwede rin nilang ipakita ang kanilang mga sasakyan.

Mga naka-imbak na kahoy sa ginagawang gusali sa Boracay nasunog

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inabot ng walong minuto ang sunog na agad namang naapula ng mga bombero sa So. Manggayad Balabag Boracay.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula mismo ang sunog sa ginagawang gusali na pagmamay-ari ng nakilalang si Aneclito Dalida na naka-base naman sa Maynila at tanging care taker lang nitong si Magihin Carlos ang nag-aasikaso sa building.

Sinabi ni FO1 John Henry Eldisa ng Boracay fire department na tinatayang aabot sa halagang P5, 000 ang tinupok ng apoy kung saan tinukoy naman ng care taker na ang iba pa kasi umano dito ay bago pa.

Wala namang nasaktan sa sunog na nagsimula bandang alas 2:05 ng hapon maliban na lamang sa mga nabubulok at bagong kahoy na naka-imbak sa nasabing building.

PCG, naka-heightened alert na para sa pagdiriwang ng Undas bukas

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naka-heightened alert na ang Philippine coastguard (PCG) sa lahat ng pantalan sa probinsya ng Aklan para sa pagdiriwang ng undas bukas.

Ayon kay Caticlan Philippine Coast Guard Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno.

Simula pa noong Oktobre bente singko ay ipinatupad na nila ang “oplan ligtas biyahe” para sa mga magsisiuwi sa kani-kanilang probinsya.

100 percent naman umano silang naka-pokus para sa pagdagsa ng mga turistang pupunta sa isla ng Boracay dahil sa mahaba-habang long week end.

Dagdag pa Vingno, may mga assistance center at hotlines silang inilagay sa mga jetty port para sa emergency.

Kaugnay nito, nagpaalala ang PCG sa lahat ng mga bibiyahe sa malalayong lugar na mag-ingat para maiwasan ang anumang sakuna.

Kasama naman ng Philippine coast guard ang Marina o Maritime Industry Authority, Philippine Ports Authority, Coastguard Auxiliary at ilang pang ahensya para masiguro ang kaligtasan ng mga biyahero.

PRC Boracay-Malay chapter, all-set na para sa Undas bukas

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Nakahanda na ang Philippine Red Cross Boracay-Malay chapter kasama ang kanilang mga volunteers para sa pagdiriwang ng undas bukas.

Ayon kay Red Cross Boracay Deputy Administration John Patrick Moreno.

Maglalagay sila ng assistance center sa bawat sementeryo sa isla ng Boracay at sa bayan ng Malay bukas, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

May ambulansya din umanong ilalagay sa Manoc-manoc cemetery sakaling magkaroon ng grabeng pasyente doon.

Nagpaalala naman ang PRC sa mga dadalaw sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na mag-ingat dahil sa maraming tao sa sementeryo kung saan maaaring mahawa ng ibat-ibang sakit o di kaya ay mahimatay dahil sa tindi ng init na maaaring maranasan bukas.

Ang oplan undas ng Red-cross ay taunang ginagawa para sa paglilingkod sa mga taong pupunta sa himlayan ng kanilang mga mahal sa buhay sa ibat-ibang lugar sa buong bansa.

Paghahanda para sa pagdating ng cruise ship sa Boracay sa Lunes, plantasado na

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Plantasado na ang paghahanda ng Aklan Provincial Government para sa pagdating ng cruise ship sa Boracay sa Lunes.

Ito ang kinumpirma ng jetty port administration sa ginanap na pagpupulong kahapon kaugnay sa pagdating ng MS Superstar Aquarius.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng Philippine National Police o PNP, Philippine Coast Guard, bantay dagat, Department of Tourism, lokal na pamahalan ng Malay at iba pang ahensya.

Nabatid na dadaong ang MS Superstar Aquarius sa Nobyembre a-kwatro ng alas-diyes ng umaga sa karagatan ng Boracay at babalik ng China kinahapunan ng alas singko.

Sakay naman nito ang halos isang libo at dalawang daang turista mula sa bansang China at mahigit siyam na raang crew.

Inaasahan din na bababa ang mga ito at pupunta sa mga sikat na tourist spot sa Boracay kabilang na ang souvenir shop, shopping area at iba pa.

Sa ngayon halos plantsado na ang lahat ng mga kakailanganin para dito gayon din ang siguridad sa tulong ng mga otoridad at ng buong probinsya ng Aklan.

Wednesday, October 30, 2013

“Oplan Undas” ng BFP sa Boracay at Malay kasado na

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kasado na ang taunang “Oplan Undas” ng Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay at Malay kaugnay sa paggunita sa araw ng mga patay.

Ayon kay Boracay Fire Insp. Joseph Cadag, matapos nilang matanggap ang kautusan noong October 23 ay tinutukan na nila ang mga araw mula October 31 hanggang November 4.

Kaugnay nito, maglalagay ang BFP ng mga emergency medical service personnel sa bawat sementeryo at mag-iikot din ang kanilang mga fire track para sa kanilang “Oplan Paalala”.

Ito’y upang paalalahanan ang publiko na bantayan ang mga nakatirik na kandila sa sementeryo at siguraduhing naka-switch off lahat ng mga electrical appliances kapag lalabas ng bahay upang maiwasan ang sunog.

Madalas daw kasi na kapag aalis ng bahay ang mga tao ay nakakalimutang patayin ang kanilang mga kagamitan at electrical system lalo na ang mga LPG.

Ayon pa kay Cadag, ngayon palang ay marami nang mag-anak ang bumibisita sa sementeryo kaya’t pinaigting na rin umano nila ang paghahanda para sa nalalapit na undas.

Mga enforcers at first responders sa Boracay, inihanda para sa AGCEF

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat Zero Complain.

Ito ang target ng LGU Malay kaugnay sa gaganaping AGCEF o Asian Games Centennial Festival sa Boracay.

Kaugnay nito, nagbigay ng dalawang araw na orientation seminar ang Malay Tourism Office sa mga enforcers at first responders sa isla.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga miyembro ng BAG o Boracay Action Group, iba’t-ibang asosasyon sa Malay at Boracay katulad ng BLTMPC, MABOVEN,at MASBOI.

Ayon kay Malay Chief Tourism Operations Officer Felix delos Santos Jr, kailangang ibahagi sa mga enforcers at first responders ang Tourism standards and protocol upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista at mapangalagaan ang turismo ng Boracay.

Maliban sa AGCEF, bahagi din ng paghahanda ng mga enforcers at responders ang iba pang international at national events dito.

Ilang mamimili sa Boracay namakyaw ng bulaklak para sa Undas

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Habang maaga pa ay namakyaw na ang ilang mamimili sa Boracay ng mga bulaklak para sa Undas.

Sa ngayon kasi ay wala pang pagtaas sa presyo ng mga bulaklak sa isla at bukas pa ang pagtaas ng mga ito sa kabila ng inaasahang pagdagsa ng mga mamimili kaugnay sa paggunita ng nasabing okasyon.

Ayon sa isang flower vendor magtataas lang sila bukas ng 50 pesos o 30 pesos sa mga bulaklak pero naka-depende parin umano ang presyo nito sa magiging paki-usap ng isang mamimili.

Aniya dinadagdagan narin nila ngayon ang supply ng mga bulaklak lalo na’t marami sa mga mamimili ay namamakyaw nalang para mas makamura.

Samantala, karaniwang mas mabili naman umano ang mga orchids tuwing Undas dahil matagal daw itong malanta.

Simula bukas ay asahan na mula sa 40 na regular price ng mga orchids ay magiging 50 pesos na ang mga ito, ang mums flowers naman ay hindi na umano magtataas at mananatili sa regular nitong presyo na 40 pesos.

Sa kabilang banda, sa mga nagmamadali namang pumunta ng sementeryo nasa 250 pesos ang pagpapa-arrange ng bulaklak at 1, 500 pesos naman ang mga naka-lagay sa basket.

Sa ngayon ay preparado narin ang mga flower vendors sa pagdagsa ng mga mamimili na dadalaw ng gabi.

DTI Aklan, tiniyak na sapat ang suplay at presyo ng kandila para sa Undas

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) Aklan na nananatiling sapat ang suplay at presyo ng mga kandila para sa Undas sa Sabado.

Ayon kay Aklan DTI Development Specialist Rene Retiro.
Patuloy ang kanilang pagmonitor sa mga pamilihan sa Aklan na nagsimula pa nitong nakaraang buwan.
Sa inilabas namang listahan ng Suggested Retail Price o SRP ng DTI.

Ang white Manila wax esperma #2 ay nasa P44.75 ang isang pakete na naglalaman ng apat na piraso.

Ang liwanag esperma #24 ay nasa P122.75 habang ang bawat pack naman na naglalaman ng dalawampung piraso ng liwanag esperma #3 at #5 ay nasa P43.75 at P60.75.

Samantala, ang isang pack naman na may lamang sampung piraso ng esperma #16 ay nasa P49.75, habang ang isang pack na may lamang apat na piraso ng esperma #14 ay nasa P44.75 at ang isang pack na naglalaman ng dalawampung piraso ng esperma #3 ay nasa P54.75.

Ayon pa kay Retiro walang pagtaas ng mga presyo ng mga kandila ngayon sa Aklan dahil narin sa inilabas nilang SRP.

Mahaharap naman umano sa kasong profiteering o Administrative charge ng DTI ang hindi sumunod sa tamang presyo ng mga kandilang ibibinta para sa Undas.

Iba’t-ibang haloween customes, umeksena sa Boracay

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ramdam na talaga sa Boracay ang paggunita sa araw ng mga kaluluwa o All Souls’ Day.

Maliban kasi sa mga nakakatakot na palamuti ng mga resort at establisemyento sa Boracay.

Umeksena na rin ang iba’t-ibang Halloween customes na siguradong patok para sa nga turista, mapa bata man o matanda.

Katunayan, may mga naglalako na ng samu’t-saring maskara sa mismong beach front ng isla nitong mga nagdaang gabi.  

Nakakatakot, dahil mismong ang mga naglalako nito ang nakasuot din ng maskara.

Maliban sa mga maskara, tampok din sa ilang souvenir shops ang Halloween buckets, witch hats, wizard hats, pirates hat, Halloween T-shirts at mga super hero customes.

Inaasahan namang sa mga susunod na gabi hanggang sa a uno ng Nobyembre, rarampa at gagala sa beach front ang mga turista at party lovers sa isla na suot ang mga nasabing customes.

Ibat-ibang stakeholders sa Malay at Boracay, naghahanda na sa pagdating ng Cruise ship sa Lunes

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

MS Superstar Aquarius
Naghahanda na ang ibat-ibang stakeholders sa Malay at Boracay para sa pagdating ng MS Aquarius sa Lunes sa karagatan ng Boracay.

Sa katunayan magkakaroon ng meeting mamayang hapon ang mga stakeholders at ilang pang concerns agencies para dito.

Pangungunahan naman ito ng government officials ng Aklan at ng Caticlan Jetty Port Administration office.

Bagamat nito lamang Oktobre ay dumating din ang MS Superstar Gemini sa Boracay ay ganoon parin ang inaasahang paghahanda ng mga ito para sa MS Aquarius.

Ayon naman sa Jetty Port Administration office, higit na mas mahalaga ang siguridad ng mga sakay na turista ng cruise ship na pupunta sa Boracay.

Samantala, ang MS Superstar Aquarius ay pagmamay-ari ng Star cruises company at ini-organisa naman ng Wallem Philippines ang pagpunta nito sa ibat-ibang lugar sa bansa kabilang na ang Boracay.

Nabatid na ilang oras lamang ang itatagal ng MS Aquarius sa Nobyembre a-kwatro sa Boracay at agad din itong aalis para pumunta sa ibat-ibang bansa.

Tuesday, October 29, 2013

Accreditation at Re-accreditation sa mga NGO’s sa Malay, inirekomenda sa SB

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Inirekomenda sa Sangguniang Bayan (SB) Malay ang pag-accredit at re-accreditation sa mga Non Government Organization (NGO’s) sa Malay.

Ito umano ay para maiwasan ang ilang mga bugos na NGO na naglulustay ng pera magmula sa kaban ng bayan.

Matatandaang mainit ngayon ang isyu sa pork barrel scam kung saan sangkot ang ilang mga pekeng NGO’s na madaling nakakakuha ng pera sa bayan at pinaglaanan ng pondo.

Ayon sa SB Malay, kapag accredited na ang lahat ng NGO’s sa bayan maiiwasan ang mga kaso ng korupsyon at hindi rin mapupunta ang pondo ng mga mambabatas sa mga  kuwestiyunableng NGOs.

Marami na umano kasi sa mga NGO ay peke ang address, habang ang iba ay pinamumunuan ng ilang mga negosyante na ginagamit ang pondo para sa pan-sariling kapakanan.

Ilang mungkahi na rin ang lumabas tulad ng higpitan ang pagpapalabas ng pondo o patakaran sa paggamit nito para matiyak na sa tamang proyekto mapupunta.

Basurang iniwan ng mga botante sa mga paaralan sa Malay, nalinis na

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nalinis na ang mga basurang iniwan ng mga botante sa ginanap na halalan kahapon sa ibat-ibang paaralan sa bayan ng Malay.

Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig, habang patapos palang kahapon ang eleksyon ay agad nang nilinis ng ilang mga botante at residente ang mga kumalat na basura.

Aniya, mayroong mga paaralan sa Malay na may nakalagay na babala na huwag ikalat ang kanilang mga basura sa oras ng halalan.

Responsibilidad na rin umano ito ng paaralan na panatilihing malinis ang kanilang mga silid –aralan.

Dagdag pa ni Cahilig, ang mga campaign materials naman na ginamit sa pangangampanya ay responsibilad rin na linisin ng mga tumakbong kandidato sa baranggay election kahapon.

Samantala, naging matagumpay naman ang naganap na halalan ngayon sa bayan ng Malay at wala namang naitalang problema at insidente na may kinalaman sa eleksyon kahapon.

Dalawang lalaking nagtutulak ng shabu sa Boracay, timbog sa ginawang buy bust operation ng mga kapulisan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kalaboso ang dalawang lalaki sa isla ng Boracay matapos mahuling nagtutulak ng droga sa magkaibang operasyon ng mga otoridad nitong nakaraang araw.

Sa pinagsamang pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Intelligence Branch Operative (PIBO), Police Regional Office (PRO)-6 at Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) nahuli ang suspek na si Ronnie Diamante, 49, residente nang Sorsogon at presenteng naka-tira sa Brgy. Balabag sa isla.

Inaresto ng mga otoridad ang suspek ng aktong binintahan ang isang poseur-buyer.

Sa ginawa namang body search sa kaniya ay nakuha pa ang dalawang sachet ng shabu at isang libong marked money.

Samantala sa isa pang ginawang operasyon na-aresto naman si Alvin Gelito, residente nang Brgy. Manoc-Manoc Boracay na nakuhaan ng anim na plastic sachet ng shabu sa pamamagitan ng warrant of arrest.

Ang dalawang suspetsado ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Mga incumbent brgy.Captain sa Malay, balik pwesto sa kakatapos na halalan

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Balik sa pwesto ang mga incumbent baranggay. Captain sa Malay sa ginanap na halalan kahapon.

Kabilang dito ay ang baranggay captain sa Yapak na si Hector Casidsid, brgy. Balabag Lilibeth Sacapañio, brgy.Manoc-manoc Abram Sualog, brgy. Caticlan Julieta Aron at Poblacion Malay na si Ric Calvario.

Kung saan lumamang sila sa kanilang mga katunggali at nakakuha ng mas matataas na bilang ng boto.

Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig, wala naman silang naitalang problema sa ginanap na halalan kahapon dahil patuloy naman ang kanilang pag-momonitor sa lahat n g mga present sa Malay.

Ikinatuwa naman ng mga incumbent baranggay. Captain ang kanilang pananatili sa pwesto para mamuno sa kanilang baranggay.

Samantala, ikinatuwa naman ng Comelec Malay na naging maayos at mapayapa ang naganap na baranggay eleksyon ngayon 2013.

HRP Boracay, may eskedyul ng misa para sa darating na undas

Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

May eskedyul na ng misa ang HRP o Holy Rosary Parish Boracay para sa undas.

Kinumpirma ng HRP na walang ipinagbago ang mga nasabing eskedyul para sa pagpapadasal sa kaluluwa ng mga kamag-anak o pamilyang yumao.

Nabatid na isang misa muna sa mismong simbahan ang gaganapin, dakung alas sais y medya ng umaga, sa araw ng mga santo o All Saints Day.

Mabibigyan naman ng pagkakataon ang mga bibisita sa Manoc-manoc cemetery na makapagpamisa o dumalo sa gaganaping misa, sa alas otso y medya ng umaga.

Samantala, isa pang misa ang gaganapin naman sa Sinagpa cemetery kinahapunan, dakung alas dos y medya.

Muli namang nagpaalala ang simbahang Katoliko sa Boracay, na ipagdiwang ang paggunita sa mga namayapang pamilya, sa pamamagitan ng pagdarasal.

Resolusyon na humihiling kay Aklan Gov. Miraflores na magpadala ng tulong sa mga nabiktima ng lindol, aprobado na sa SP Aklan

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aprobado na ang resolusyon sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na humihiling kay Aklan Gov. Florencio “Joeben” Miraflores na magpapadala ng tulong sa mga naging biktima ng 7.2 magnitude na lindol.

Sa nilalaman ng nasabing resolusyon, layunin nitong magpadala ng financial assistance kung saan makakatulong rin umano ang ilang mga pribadong sector sa nangyaring kalamidad sa Central Visayas noong October 15, 2013.

Samantala, ayon naman sa National Disater Risk and Reduction Management Council (NDRRMC), tinatayang nasa P1.6 billion na ang halaga ng pinsala ng kalamidad kung saan pinakamalaki ay naitala sa lalawigan ng Bohol na sentro ng pagyanig.

Magugunitang nasa 44,430 bahay ang napinsala kung saan 12,503 dito ang tuluyang nawasak.

Monday, October 28, 2013

Botanteng nakapagboto na sa Brgy. Polls ng Malay, halos nangangalahati na

Ni Carla N. Suñer, YES FM Boracay

Paunti-unti ang pagdating ng mga botante mula sa iba’t ibang Barangay sa bayan ng Malay, para sa 2013 Brgy. Election.

Ayon kay Comelec Officer II Elma Cahilig, mahigpit ang seguridad na ipanapatupad kaakibat ang BTAC ( Boracay Tourist Assistance Center) upang mapanatili ang matiwasay na halalan.

Samantala ang Barangay Balabag, ay may tinatayang 16 na presinto kung saan may tinatayang aabot ng 300 na botante ang inaasahang darating.

Ayon naman sa aming source, sa kasalukuyan ay wala namang nangangailangan ng medical assistance o anumang komosyon ang nagaganap, bagkus sinasabing halos patapos na ang botohan sa nasabing Barangay.

Sa Barangay Manoc-manoc naman ay may aabot sa mahigit kumulang 8,800 voters, bagama’t sa tindi ng init ng panahon at haba ng pila ay patuloy naman sa pag-usad ang dami ng nakapagboto.

Dagdag pa ni Cahilig, nawa’y bigyan ng priroty ang mga nakakatatanda o mga senior citizens bagkus ang mas batang botante ay may kapasidad na  pumila ng matagal.

Ang bayan ng Malay naman ay halos patapos narin kung saan  isang presinto na lamang ang may bumuboto, bandang 11:00 ng umaga.

May nagaganap ring tension sa sinsasabing bayan na may mga sinasabing kandidatong namimigay ng mga pagkain, kung saan mahigpit itong ipinagbabawal.

Samantala, tensiyon naman ang naramdaman ng mga kandidato ng Barangay Yapak sa kadahalinang may pumapasok di-umanong mga kaduda-dudang  mga kilos ng ibang mga botante.

Inaasahan namang matatapos ang halalan bago o takdang alas tres ng hapon ngayong araw.

2 Lalaki sa Kalibo huli sa aktong nangunguha ng poster

Ni Carla N. Suñer, YES FM Boracay

2 lalaki ang huli sa akto matapos di-umanong manguha at nangbaklas ng poster ng isang kandidato sa Barangay Elections sa Brgy. Mobo Kalibo.

Dakong alas singko  ng madaling araw ay dumulog sa Kalibo PNP ang 2 Barangay Tanod na sina Michael Ferrer at Glenn Pabelico, nang mamataang binabaklas nito ang poster ng isang kandidato.

Ayon say PO1 Jandel Delacruz, kinilala ang mga suspect na sina Rojer Nagales at Marvin Mobo, kung saan nakipaghabulan pa daw ang mga ito sa mga tanod  na rumuronda bandang madaling araw kanina sa nasabing lugar.

Sa kasalukuyan ay nakadetain ang 2 suspect sa lock-up cell ng Kalibo, Police Station.