YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 27, 2016

24 na hotel sa Boracay kinilala sa 2015 Gold Circle Awards ng

Posted February 27, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Image result for boracay island
Kinilala ngayon ng isa sa mga nangunguna sa Asya na hotel booking site ang 24 na hotel at resort mula sa isla ng Boracay bilang 2015 Gold Circle Awards.

Ang Agoda.com ang kumila sa mga nagagandang hotel at resort sa Boracay na pirangalan bilang Gold Circle Awards kung saan kabilang sa mga ito ang Agos Boracay Rooms and Beds, Alta Vista de Boracay Hotel, Boracay Grand Vista Resort and Spa, Boracay Holiday Resort, Boracay Ocean Club Beach Resort, Cohiba Villas Hotel, Discovery Shores Boracay, Fairways and Bluewater Resort, Fridays Boracay Resort, Henann Lagoon Resort, Hey Judge South Beach Resort, Hotel Villa Sunset, Island Jewel Inn and La Carmela de Boracay Hotel.

Kabilang pa sa listahan ang Levantin Boracay Resort, Monaco Suites de Boracay Hotel, Sea Wind Resort, The Club Ten Beach Resort Boracay, The District Boracay, Two Seasons Boracay Resort, Villa Caemilla Beach Boutique, Villa Oceana Boracay at Boracay Summer Place Resort.

Nabatid na kinilala ang mga ito base sa review ng mga customer, competitiveness ng presyo, at utilization ng Agoda.com.

Bishop Tala-oc, ibinunyag na aprobado na umano ang operasyon ng Casino sa Boracay

Posted February 27, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

filipino.cri.cn
Pumukaw ng atensyon sa media ang ibinunyag ni Bishop Jose Corazon Tala-oc, ng Diocese of Kalibo sa umanoy pag-aproba sa operasyon ng Casino sa isla ng Boracay.

Ito ang naging mensahe ni Tala-oc kasabay ng isinagawang covenant signing ng Comelec, PNP at AFP kahapon sa St. John the Baptist Cathedral sa bayan ng Kalibo kasama ang PPCRV, KBP, PIA, Aklan Press Club at Diocese of Kalibo.

Ayon kay Tala-oc may natanggap umano siyang impormasyon na inaporbahan na ng mga kinauukulan sa bayan ng Malay ang naturang Casino na mag-ooerate sa isang malaking resort sa isla.

Nabatid na mariin ang ginagawang pagtutol ng simbahang katoliko sa anumang klase ng gambling o sugal.   

Dahil dito hinamon naman ni Bishop ang mga pulitiko na dumalo sa nasabing covenant na kung maaari ay huwag suportahan ang operasyon ng Casino sa Boracay para na rin sa kinabukasan ng mga kabataan.

Ang nasabing covenant signing ay pinangunahan ng lahat ng mga kandito sa Aklan bilang pagtalima sa Safe and Fair Elections (SAFE) sa darating na eleksyon sa Mayo na sinabayan naman ng unity walk at candle lighting.

Samantala, kinumpirma naman ni Priest Moderator Fr. Jose Tudd Belandres ng Our Lady of The Most Holy Rosary ng Balabag Boracay na siya ang nag-paabot kay Tala-Oc ng naturang impormasyon, ngunit tumanggi muna itong magbigay ng kabuuang detalye dahil pag-uusapan pa umano nila ang kanilang susunod na hakbang para rito. 

Dahil sa mantika, babae sa Boracay nasampal

Posted February 27, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterMahapdi pa ang mukha ng isang babae ng itoy magsumbong sa Boracay PNP matapos itong sampalin ng kalive-in partner ng kanyang kapatid sa Sitio Bolabog, Brgy., Balabag, Boracay.

Nakilala ang biktimang si Catherine Beruan 23-anyos, at ang suspek na si Adelito Oracion 35-anyos kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa report ng biktima sa Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, pumunta umano ang kapatid nito sa kanyang boarding house para kumuha ng mantika pero kanya itong pinagbawalan, dahilan para magkasagutan sila at umalis naman ito.

Subalit, ilang minute ang  nakalipas kinumpronta umano ng suspek ang biktima kung saan muling maungkat din ang kanilang dating away.

Dahil dito nasampal nito ang biktima sa mukha at hindi pa umano nakuntento ay tinali pa nito ang kanyang kamay ng towel at sinuntok pa.

Samantala, ng pinagharap naman sa Boracay PNP ang mga ito ay napagkasunduan naman ng biktima na hindi na siya magsasampa ng kaso laban sa suspek.

Friday, February 26, 2016

Peace Covenant sa Malay, ikinasa sa Linggo

Posted February 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Ikinasa sa araw ng Linggo ang gaganaping Peace Covenant Signing ng Malay sa St. Joseph the Worker Parish Church simula alas-7:30 ng umaga.   

Ayon kay Malay PSI Frensy Andrade, ito umanong Peace Covenant Signing ay isang panunumpa para sa mga tatakbong kadidato sa May 9, 2016 election.  

Ang nasabing aktibidad ay dadaluhan ng mga kandidato mula sa Mayor, Vice-Mayor hanggang sa pagka-Sangguniang Bayan candidate.  

Sinabi naman ni Andrade na malaking bagay ang nasabing Covenant Signing para sa mga kandidato dahil isa rin itong pagtiyak para sa mapayapang halalan.

Samantala, nag-paalala naman si Andrade sa mga kandidato na huwag masyadong dibdibin ang magiging resulta ng eleksyon at sumunod sa mga rules and regulation para sa mapayapang eleksyon.  

Ang Unity Walk at Covenant Signing sa Linggo ay pangungunahan ng Commission on Election ng Malay katuwang ang Malay National Police.

Peace covenant ng Comelec sa Aklan naging matagumpay

Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Naging matagumpay ang isinagawang Peace covenant ng Comelec Aklan kasama ang PNP at AFP sa St. John the Baptist Cathedral sa bayan ng Kalibo kahapon.

Ito ay sa pakikipagtulungan din sa ibat-ibang organisasyon na kinabibilangan ng Parish Pastoral Council and Responsible Voting, KBP-Aklan Chapter, PIA, Aklan Press Club at Diocese of Kalibo.

Nagpakita naman ng pagkakaisa sa nasabing covenant signing ang dalawang grupo ng mga kandito sa provincial level kung saan nagkamayan ang mga ito sa pangunguna ni Congressman Teodorico Haresco at ang kalaban nitong si former Governor Carlito Marquez gayon din sa Governatorial candidate na sina Governor Miraflores at former Banga Mayor Antonio Maming.

Kasabay naman sa kanilang paglagda sa nasabing covenant na sila ay sasang-ayun sa kanilang sinumpaan kabilang na ang pag-focus sa kanilang plataporma sa pamahalaan at ang pag-iwas sa pag-atake sa personal na buhay ng kanilang kapwa kandidato sa kasagsagan ng campaign period.

Kabilang din dito ang pag-iwas sa vote buying, pananakot, pagsunod sa ipinagbabawal na sobra-sobrang paggastos sa pangangampanya, pagiging accountable para sa aksyon ng kanilang election/campaign leaders at lalo na ang pagtanggap o pagrespito sa magiging resulta at desisyon ng mga tao sa eleksyon sa May 9, 2016.

Samantala, kabilang sa mga dumalo sa nasabing Unity Walk at Covenant signing ay ang mga kandidato sa bayan ng Altavas, Balete, Banga, Ibajay, Kalibo, Lezo, Makato, Malinao, Nabas, New Washington at Numancia.

Mga nagbebenta ng tingi-tinging petroleum products maaaring managot sa batas-DTI

Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaalalahan ni DTI Provincial Director Diosdado Cadena ang mga nagbebenta ng petroleum products na gumagamit ng delikadong mga lalagyan na maaari silang managot sa batas.

Ayon kay Cadena, illegal umano ang pagbebenta ng gasolina o gas na inilalagay sa mga plastic bottles at plastic container dahil isa umano itong paglabag sa department circular number 2003-11-101 ng Department of Energy (DOE).

Iginiit ni Cadena, na hindi dapat baliwalain ang pagbebenta ng petroleum products dahil isa itong delikadong pamamaraan na maaaring makaapekto sa buhay ng isang tao kung saan malapit ito sa disgrasya na posibleng lumikha ng sunog.

Samantala, ayon pa kay Cadena, maaari umanong gamitin ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police at Local Government Unit ang nasabing circular sa pagsugpo sa mga nagbebenta ng tingi-tinging gasolina sa brgy. at mga malalayong bayan.

Menor de-edad wanted sa kasong frustrated homicide

Posted February 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterIsang menor de-edad na lalaki ngayon ang pinag-hahanap ng mga pulis matapos itong kasuhan ng frustrated homicide sa Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Sa report ng Boracay PNP, papauwi na umano ang biktima kasama ang dalawang kaibigan nito kaninang madaling araw ng mapansin ng kasama ng biktima na tila may sumusunod sa kanilang likuran.

Dito umano ay mabilis na hinampas ng kaibigan ng biktima ng bote ang suspek na tumama sa likod nito.

Maliban dito ay nakita ng dalawang kaibigan ng biktima na may kinuhang patalim ang suspek sa kanyang bag sabay unday sa likuran ng biktima at saka mabilis na tumakas.

Agad namang naisugod ang biktima sa isang pagamutan sa isla kung saan ang kaso ngayon ay ini-refer sa Women and Children Protection Desk o (WCPD) ng Boracay PNP.

Aklan pumapangalawa sa Gun Ban violators sa Western Visayas

Posted February 26, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for gun banAng probinsya ngayon ng Aklan ang pangalawa sa may pinakamaraming gun ban violators para sa eleksyon 2016 sa Western Visayas na may bilang na 18.

Sinundan ng Aklan ang probinsya ng Iloilo na may 27 habang pumapangatlo naman ang lalawigan ng Antique na may 16, Iloilo City na may 15 at Capiz na may 10.

Base sa datos ng Regional Police nakapagkumpiska sila ng 136 items kung saan kinabibilangan ito ng ice pick, kutsilyo, replica, mga baril at iba pang nakakamatay na bagay na kasama sa ipinagbabawal sa Comelec gun ban.

Karamihan naman sa mga nahuli sa Aklan ay sa bayan ng Kalibo kabilang na ang isla ng Boracay matapos ang mahigpit na ginagawang Comelec chechpoint ng mga pulis sa lalawigan.

Ang Comelec Gun ban ay nagsimula nitong Enero 10 at magtatapos naman sa buwang ng Hunyo ngayong taon.

Thursday, February 25, 2016

BFP Boracay, magsasagawa ng motorcade ngayong Fire Prevention Month

Posted February 26, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Apat na araw bago sumapit ang buwan ng Marso ay nakatakdang magsagawa ng motorcade ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay bilang paghahanda sa Fire Prevention Month.


Ito ang sinabi ni Senior Fire Officer 3 Oscar Deborja ng BFP Boracay, kung saan ngayong Martes ay magsasagawa sila ng motorcade simula ala-6 ng umaga sa Cagban hanggang sa Eco Village sa bry. Yapak.  

Maliban dito, nagbabahay-bahay na rin sila ngayon para mamigay ng mga fliers na nag-lalaman ng mga paalala sa sunog at kung paano ito maiiwasan.

Nakapaloob naman sa kanilang bagong slogan o campaign poster ang salitang “Kaalaman at Pagtutulungan ng Sambayanan, Kaligtasan sa sunog ay Makakamtan”.

Samantala, sinabi naman ni Deborja na ang kadalasang dahilan ng mga nangyaring sunog sa Boracay ay sanhi ng kuryente.

Dahil dito nag-paalala naman siya sa mga residente na hanggat maaari ay mag-ingat at huwag basta-bastang magsindi ng kandila at higit sa lahat ay huwag pabayaan na nakasaksak ang mga appliances dahil ito ang itinuturing na kadalasang pinagmumulan ng sunog.