YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, June 02, 2017

Boracay PNP, naka-alerto na sa pagbubukas ng klase

Posted June 2, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for boracay pnpHanda na ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Hunyo a-singko sa isla ng Boracay.

Ayon kay SPO1 Christopher Mendoza, todo bantay na umano sila para sa pagbubukas ng klase kung saan merong mga pulis na ikakalat sa mga paaralan at magbabantay sa mga kalsadahing malapit sa mga paaralan.
Nagtulong-tulong din umano ang mga kapulisan sa paglilinis ng mga paaralan upang mapanatili ang kaayusan ng mga ito.

Magkakaroon din umano sila ng “Oplan Balik Eskwela” sa mga estudyante ng Elementary at Highschool ng ManocManoc ngayong Sabado upang gabayan ang mga mag-aaral at mga magulang sa darating na pasukan.

Samantala, ang hakbang na ito ng Boracay PNP ay para maprotektahan ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili partikular sa anumang kaso ng bullying at mga sakuna at panganib na kanilang kahaharapin.

Business Violators sa Boracay, pinasara

Posted June 2, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Sinuyod at ipinasara ng LGU ang mga business violators sa Boracay na hindi nag-comply ng kani-kanilang requirements sa pag-nenegosyo.

Sa panayam kay Executive Officer IV Rowen Aguirre, isinagawa umano nila ang naturang hakbang sa ilalim ng signal ni Mayor Ceciron Cawaling dahil sa paglabag sa business ordinance ng ilang negosyante at establisyemento.

Aniya, nabigyan naman sila ng kaukulang notice of violation kung saan ito ay nagpapahiwatig ng maaring pagsasara ng kanilang mga establisyemento.

Nabatid na nag-umpisa ang pagsasarado nitong nakalipas na linggo at asahan pa umano ang tuloy- tuloy nilang pag-iikot sa mga mga susunod pang araw nang sa ganun ay maubos na umano ang mga violators sa isla.

Katuwang sa isinagawang closure ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang hanay ng mga pulis, at Malay Auxilliary Police para sa assistance.

Sa huli, paalala naman ni Aguirre na habang may panahon pa ay lakarin na ang kanilang mga requirements at sa mga bago ay kumuha na agad ng mapunan na ang kanilang mga kakailanganin.

Contractor ng hauling re: Solid Waste, humarap sa SB

Posted June 2, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Humarap nitong Martes sa SB Session ang contractor na naghahakot ng basura sa isla ng Boracay.

Sa nakalipas, humarap sa 15th Regular Session si Engr. Arnold Solano, dating OIC ng Solid Waste Management kaugnay sa volume nang basura na hinahakot sa Manocmanoc MRF na binigyan ng 140 days na kontrata.

Sumentro ang pagtatanong sa kung natapos ba ng contractor ang trabaho base sa pinirmahang kontrata.
Ayon kay Vidal Villaruz Jr. na contractor sa paghahakot, nasa 10, 920 cubic meter ang kabuuang sukat ng hahakutin nilang basura sa MRF kung saan nabatid na nasa 10,850 na ang na-haul.

Samantala, nagkaroon man ng hindi pagkakatugma sa tamang sukat ay patuloy pa rin nilang pupunan ang natitira pang basura base sa kanilang kontrata.

Mga Security Agency sa isla, ipapatawag sa susunod na Session

Posted June 2, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image may contain: 1 person, sittingSa ginanap na 17th Regular Session nitong Martes, nabuksan ang usapin tungkol sa naganap na shooting incident sa isla sa gitna ng mga sekyu.

Ito ang naging laman ng Privelege Speech ni SB Dante Pagsuguiron kaugnay sa pagkakasangkot ng mga security guards sa naturang insidente.

Base sa datos ni Pagsuguiron, ang problema umano sa ahensya sa Boracay ay ang kawalan ng regulasyon ukol sa Standard Operating Procedures.

Kaugnay nito, binasa ni Pagsuguiron ang Republic Act 5487 na-ipinagbabawal ang pag-deploy ng mga security uniforms kung wala itong clearance magmula sa PNP at pagsusuot ng uniporme nito sa labas ng area.

Dahil dito, malinaw umano na may nilabag ang security agency sa kanilang protocol kung kaya’t nais ni Pagsuguiron na i-regulate ng LGU-Malay ang mga security agency sa isla.

Samantala, sa huli ay napagkasunduan na ipatawag ang Boracay Security Agency Association para sa mas maliwanagan matapos ang insidenteng ito.

Wednesday, May 31, 2017

Joint Task Force Boracay, sumailalim sa Simulation Exercises

Posted May 30, 2017
Ni Danita Jean A. Pelayo, YES THE BEST Boracay

Image result for task forceNitong sabado ay sumailalim ang Joint Task Force Boracay sa security exercises matapos ang nangyaring pag- atake ng Maute Group sa Marawi City.

Ang pagsasanay ay isinabay sa activation ng grupo na binubuo ng Boracay Tourist Assistance Center,Philippine National Police Maritime Group, Philippine Coast Guard, Philippine Army, Philippine Navy, Bureau of Fire Protection, Malay Auxilliary Police, Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers (BFRAV) at Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO Malay.

Nabatid na isinagawa ang 25-minute simulation exercise sa Station 1 kung saan ipinamalas dito ang kakayahan ng task force sa mga senaryo na kakailanganin ang kanilang pag-responde.

Ito ay isa sa mga hakbang upang mapanatili ang seguridad sa Boracay maging ang mga mamamayan at turista kung saan narinig ang putok at pagsabog sa kahabaan ng white beach ng Boracay bilang bahagi ng exercise na ito at maging makatotohanan ng magkasagupa ang mga umaktong “kidnappers” gamit ang blank bullets at blastering caps.

Samantala, ayon naman sa panayam kay Executive Officer IV Rowen Aguirre,wala naman umanong intelligence report ukol sa anumang banta sa isla at bago pa man umano mangyari ang mga pag-atake sa Marawi City ay pinaghahandaan na nila ang pagpaplano para sa seguridad at kaligtasan ng mga tao rito at maging ng mga turista.


Monday, May 29, 2017

Maquirang haharap sa SB Malay hinggil sa “No ID, No Entry” issue

Posted May 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image may contain: one or more people
“Okay lang”.

Pahayag ito ni Jetty Port Administrator Niven Maquirang kaugnay sa naging puna ng mga konsehal hinggil sa isyu ng “No ID, No Entry” nitong Martes sa Sangguniang Bayan Session Hall ng Malay.

Ani Maquirang, haharapin niya umano ang imbitasyon ng mga konsehal upang maipaliwanag din sa mga ito kung ano ang mga nakapaloob sa revenue codes na dapat i-implementa.

Dagdag pa ni Maquirang, mandatory ang “ No ID, No Entry” at kinu-konsidera din umano dito ang mga Aklanon, Malaynon na kahit walang ID ay pwedeng makapasok.

Kaugnay naman umano sa nagsasabi na dapat lahat ng nagta-trabaho sa port ay Malaynon, aniya hindi umano niya basta-bastang mapaalis ang mga empleyado doon dahil may endorsement ito mula sa ilang Mayor at mga Barangay Officials dito sa Aklan.

Nabatid kase na pinag-usapan itong isyu ng mga konsehal ito’y dahil kahit Aklanon umano ay kinakailangan pang hanapan ng ID para lang makapasok sa naturang port.

Dahil dito, mismong ang mga konsehales ay nagpalabas din ng kanilang saloobin kung saan nga isang SB Member ang nagsabi na hindi daw maganda ang pakikitungo ng ilang staff sa nasabing pantalan.

Samantala, bukas araw ng Martes ay haharapin ni Maquirang ang SB upang ipaliwanag ang polisiya na ipinapatud ng Caticlan at Cagban Jetty Ports.

DEPED-Aklan, nangangailangan ng guro at silid aralan sa probinsya

Posted May 29, 2017
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES THE BEST Boracay

Image result for deped aklan
Nangangailangan umano ang Department of Education o (DepEd) ng mas maraming guro at silid aralan sa probinsya ng Aklan.

Ayon kay Division Aklan Education Program Supervisor and Senior High School Coordinator Jose Niro Nillasca, sa kabila ng pagkaroon ng kapos na bilang lalo na sa mga guro ay nakahanda parin ang kanilang opisina sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo lalo na sa ipinapatupad na programa ng DepEd na K to 12.

Sa 116 na public at private na paaralan sa probinsya na nagbibigay ng Senior High School, 75 ang public schools dito.

Kaugnay nito, ongoing na ang konstruksyon sa ginagawang classroom ng senior high school kung saan inaasahan na kaya nitong mag-accomodate ng 19,000 na mga estudyante na papasok sa Grade 11 at 12 ngayong taon.

Sa kasalukuyan, ang DepEd ay may inilaang 267 slots na para sa mga guro sa senior high school at inaasahan ni Nilasca na mapunan ito ngayong taon.