Ni Jay-ar M. Arabnte, YES FM Boracay
Masuwerteng nailigtas ng dalawang lifeguard ng Philippine
Red-Cross Boracay-Malay Chapter ang isang 12-anyos na American Boy na muntikan
ng malunod habang naliligo sa dagat.
Unang nakitang naliligo ang bata sa Station 1 sa area ng Willy's
Rock at Nigi Nigi Lifeguards Station kung saan may kalakasan ang alon dulot ng
Habagat.
Photo Credit to Mar Schonenberger |
Nabatid na sa sobrang lakas ng alon ay nahirapan ang
batang lumangoy kung saan unti-unti din itong hinihila ng tubig ngunit mabilis
namang na-rescue ng mga naka-bantay na lifeguard sa lugar na kinilalang sina
Gilbert Dugang at Rex Dugang.
Dahil dito mabilis nilang naiahon ang nasabing bata at
dinala sa ligtas na lugar kung saan nasa maayos na rin itong kalagayan ngayon.
Kaugnay nito pinaalalahanan naman ng mga lifeguard ang
bata na huwag muling maliligo kung may kalakasan ang lalon lalo na at kung
hindi naman marunong lumangoy.
Samantala, paalala naman ng Red-Cross sa lahat ng mga
maliligo sa dagat na kung maaari ay huwag lumagpas sa Red at Yellow Flags na
kanilang inilagay sa beach area para maiwasan ang pagkalunod.