YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 19, 2014

Lalaking nasa impluwensya ng alak, binugbog sa lamay sa Boracay

Posted April 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Nabulabog ang mga naglalamay kagabi sa Barangay Balabag dahil sa isang komosyon.

May isang lalaki kasing nasa impluwensya ng alak ang umano’y pinagtulungang bugbugin doon.

Sa presento na ng Boracay PNP nagsumbong ang biktimang si Glen Familara, 29 anyos ng Odiongan, Romblon.

At kahit sugatan ang kanyang bibig, ikininuwento nito na sinuntok siya sa hindi nalamang dahilan ng hindi nakilalang lalaki habang nag-iinuman ito doon sa lamay.

Kaagad namang rumespondi ang mga pulis sa lugar, subali’t nakatakas na ang ibang bumugbog sa biktima.

Mga major events ng HRP Boracay ngayong Semana Santa, all set na

Posted April 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

All set na ang mga major events ng HRP o Holy Rosary Parish Boracay ngayong Semana Santa.

Katunayan, isang open recollection ang gaganapin ngayong alas 6:00 ng gabi ng Miyerkules sa mismong simbahan.

Base sa schedule of activities ng HRP Boracay, isang misa sa alas 4:00 ng hapon bukas ang gaganapin bilang paggunita sa huling hapunan o Last Supper ni Kristo Hesus.

Inaabangan na rin ng mga debotong Katoliko sa isla ang Live Station of the Cross na magsisimula alas 6:00 ng umaga sa Sitio Angol Manoc-manoc at dadaan sa beach front hanggang Barangay Balabag.

Maaalalang maraming mga turista dito ang sumasabay sa nasabing aktibidad dahil may maikli itong live drama o pagsasadula sa bawat estasyon.

Samantala, nilinis at inihanda na rin ang karo ng Santo Entierro o ang karo ng bangkay ni Kristo Hesus, para sa gaganaping prosesyon sa araw ng Biyernes.

Tutuldukan naman ang selebrasyon ng Semana Santa sa pamamagitan ng Easter Vigil Mass sa alas 8:00 ng Sabado de Gloria, at "Salubong" na susundan ng mga misa sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

BTAC Chief Salvo, naniniwalang walang high end bars na nagiging drug den sa Boracay

Posted April 16, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Walang high end bars na nagiging drug den sa isla.

Ito ang sinabi ni BTAC o Boracay Tourist Assistance Center Chief PSInspector Mark Evan Salvo, kaugnay sa napapaulat na mga high end bars sa bansa na niri-raid ng anti-illegal drugs ng ating kapulisan dahil sa pagiging drug den.

Bagama’t hindi isinasantabi ang posibilidad, sinabi naman ni Salvo na wala pa naman silang report na natatanggap na may mga nagpa-pot session sa anumang bar dito sa isla.

May mga illegal drug user at pusher umano kasi na sa isang bar nagkakaroon ng drug transaction, subali’t kaagad din umano ang mga itong umaalis.

Samantala, sinabi din ni Salvo na wala silang target na resort o bars ngayon, kungdi mga indibidwal o grupo ng drug personalities sa isla.

Wednesday, April 16, 2014

BAG, ikinatuwa ang bagong Fire Rescue Ambulance Fire Truck

Posted April 16, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Mas madali na ngayong maapula ang sunog sa isla ng Boracay lalo na sa mga mataas na gusali.

Ito ang masayang sinabi ni Boracay Action Group (BAG) Adviser/Consultant Leonard Tirol sa isinagawang joint flag raising ceremony sa isla nitong Lunes.

May bago na kasing fire truck ang Boracay Fire Rescue Ambulance Volunteer (BFRAV) ang BAG galing Subic Maynila.

Ayon kay Tirol, maganda ang nasabing fire truck dahil maliit ito at nababagay sa mga barangay road sa isla.

Maliban dito, may bucket din ito sa taas na pwedeng magrescue ng tao mula sa 2nd o 3rd floor ng nasusunog na gusali.

Lubos naman ang pasasalamat ng LGU Malay sa pagkakaroon ng nasabing fire truck na added asset naman ng BAG sa pagresponde sa sunog sa isla ng Boracay.

Nabatid na nagkakahalaga ng isang milyong piso ang nasabing fire truck.

BFP Boracay, umapela sa publiko na magdoble ingat ngayong Semana Santa

Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Umapela ang Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay sa publiko na doblehin ang pag-iingat ngayong Semana Santa.

Ayon kay BFP Boracay Inspector Joseph Cadag, kinakailangan umanong siguraduhin ng publiko ang fire safety bago nila lisanin ang kanilang bahay para sa kanilang bakasyon ngayong Semana Santa.

Giit pa ni Cadag na bago umalis ng bahay ay tingnan munang mabuti kung naka-unplug ang lahat ng kanilang electronic devices at appliances.

Dagdag pa nito, marami din umano ang gagamit ng mga kandila sa Semana Santa kung kaya’t tingnan umanong mabuti kung nailagay ito sa tamang lugar na hindi madaling maabot ng bata.

Isa rin sa higit na paalala ng BFP Boracay ang kailangang pagsara ng mabuting valve ng LPG na siya minsang nagiging sanhi ng sunog sa tuwing hindi tama ang pagkakasara nito.

Sa kabilang banda hindi lamang umano dapat sa sunog maging preparado ang publiko sa tuwing aalis ng bahay, kundi sa mga magnanakaw lalo na kapag walang tao sa mga kabahayan.

Sa ngayon todo-alerto na rin ang Bureau of Fire Protection Unit sa seguridad sa isla ng Boracay para sa paggunita ng Semana Santa.