Posted January 15, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Plano ngayon ng Jetty Port Administration na ilipat ang
docking area ng dalawang cruise ship na dadaong sa isla ng Boracay ngayong
Enero.
Ito ang sinabi ni Jetty Port Administrator Niven
Maquirang sa pagdalo nito sa SB Session ng Malay nitong Martes.
Ayon kay Maquirang, ang desisyong ito ay nagmula umano sa
Government Officials ng Aklan para maibsan ang problema sa Cagban Port.
Sinabi ni Maquirang na maglalagay nalang umano sila ng
pontoon sa may Sinagpa area kung saan puweding dumaong ang dalawang barko na
darating sa Enero 26 at 28, 2016.
Nabatid na ang mga barkong MS Millennium at MS Nautica ay
magdadala ng mahigit sa tig dalawang libong pasahero kung saan karamihan umano
sa mga ito ay mga European tourist.
Magugunitang ang Cagban Port ang siyang ginagamit sa
tuwing may dumadating na cruise ship sa Boracay ngunit dahil sa problema sa
sistema ngayon ng nasabing pantalan dala ng kakulangan ng docking area ay pinaplanong
ilipat na ito ngayon.