Ito ang reaksyon ni Caticlan Boracay Transport
Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC Chairman Godofredo “Goding” Sadiasa sa
panayam ng Boracay Good News patungkol sa napipintong proyektong tulay na
magdudugtong ng Boracay at Mainland.
“Lahat ay ayaw pero ngayon ay gusto na dahil walang
“choice” kaya open kami d’yan, ang importante ay aming napaghahandaan”, ani
Sadiasa.
Dagdag pa nito, ang nais lang ngayon ma-klaro ng
kooperatiba ng bangka ay kung anong klaseng tulay ito at kung ano ang mga
tatawid.
Bagamat maganda umano ito sa business side ng industriya
ng turismo at all-weather ay magagamit ang tulay, pangamba ng ilan ay baka
magdulot ito ng pagtaas ng kriminalidad at pagsisikip sa isla kapag hindi
i-regulate.
Ayon pa kay Sadiasa, hamon sa gobyerno ang isyu sa
livelihood, kalikasan at posibilidad na pagkawala ng ganda ng Boracay.
Sa ngayon, hinahanapan umano nila ng oprtunindad ang
bawat sagabal na darating sa kooperatiba kaya pinaghahandaan nila ang
posibilidad na serbisyuhan ang ilang malapit na destinasyon sa Boracay tulad ng
Hambil sakaling matuloy ang tulay.
Nitong nakalipas na araw, inanunsyo na ni DPWH Secretary
Mark Villar na malapit na nilang desisyonan ang OPS o Original Proponent Status
ng San Miguel Holding Corp. (SMHC).
Kapag pumasa sa DPWH ang planong 1.2 kilometer na
limited-access bridge na ito na nagkakahalaga ng mahigit P 5-billion ay
isusumite nila ito sa National Economic and Development Authority o NEDA.
Ang NEDA ang siyang may huling pasya para sa pag-aproba
ng proyekto at kung kelan ito uumpisahan.