Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan ng Department of Tourism o DOT Boracay ang pagdating ng
mahigit sa 200 Filipino-Canadian ngayong araw sa isla ng Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar.
Dadayo ang mga nasabing turista sa Western Visayas partikular na sa apat
na probinsya na kinabibilangan ng Iloilo, Guimaras, Capiz at Aklan.
Pangungunahan naman ni Malay Mayor John Yap ang pag-welcome sa mga
turista sa pamamagitan ng maikling programa na gaganapin sa isang resort sa
Boracay.
Mamayang tangghali ay inaasahan ang pagdating ng mga ito mula sa Manila
airport patungong Kalibo International Airport, pero bago umano ito dumiritsong
Boracay ay makikisaya muna sila sa selebrasyon ng Ati-Atihan Festival sa
Kalibo.
Dagdag pa ni Ticar, bago pumuntang Roxas City ang mga Filipino-Canadian
sa Lunes ay iikutin muna nila ang ilang magagandang pasyalan sa Boracay at
susubukan ang mag island-hopping.
Nabatid na ilan sa mga turistang ito ay mga bigating tao mula Canada at
ilan pang Ambassador para sa kanilang isinasagawang tour.