Posted by May 17, 2017
Ni Inna Carol L.
Zambrona, YES FM Boracay
“Seguridad ng bayan ng Malay”.
Dito sumentro ang pag-uusap sa ginanap na Malay Peace and
Order Council (MPOC) meeting na pinangunahan ni Executive Assistant IV Rowen
Aguirre, Executive Assistant V Ed Sancho at
Malay Local Government Operations Officer (MLGOO) II Mark Delos Reyes.
Balak ng MPOC na bumuo ng “Joint Task Force Boracay”para
masiguro at ma-protektahan ang seguridad lalo na sa Boracay dahil na rin sa mga
nakalipas ng travel warnings sa mga tourist destination sa bansa.
Layunin ng task force na maging maagap at handa ang
Boracay at Malay sa anumang banta sa seguridad at para pagtibayin ang kaalaman
ng publiko laban sa mga masasamang elemento.
Sa naturang pagpupulong ipinatawag ng Lokal na Pamahalaan
ng Malay ang 17 Punong Barangay, kawani ng Boracay PNP, Malay PNP, Philippine Army, Philippine Navy, BFP, MTRO o
Malay Transportation Regulation Office at DOT-Boracay.
Dito, ipinaliwanag nila kung ano ang kahalagahan ng
bubuoing “Task Force”na siyang tututok pagdating sa seguridad kung saan sa huli
ay nakumbinsi naman ang mga ito na ipasa ang resolution.
Nagbigay naman ng mensahe si Delos Reyes na maging
vigilante sa mga Barangay at maging sa mga force multipliers para hindi
mangyari sa Malay ang nangyari sa Bohol.
Samantala, nakatakdang mag-deploy ng karagdagang 36 na Police Personnel ang Malay PNP bilang
bahagi ng pagpapalakas ng pwersa ng kapulisan.