Nangako ang hepe ng Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay na agad nitong a-aksiyunan ang reklamo kaugnay sa pangha-“harass” at pag-“ambush” ng mga komisyuner sa ilang turista sa front beach nitong umaga.
Ito ay kasunod ng reklamong ipinaabot sa himpilang ito ni Jonathan Escobar na isang empleyado sa isla at nabiktima di umano ng mga komisyuner gayon din ang mga kamag-anak nitong nagbabakasyon sa Boracay.
Sa reklamo ni Escobar, labis-labis na inis umano ang naramdam nila nitong umaga sapagkat, hinarang-harang pa sila habang naglalakad para alukin ng sea sports activities.
Maliban dito, isa pa sa kaniyang kamag-anak ay ginising ng isang komisyuner habang nagsa-sun bathing para alukin lamang ng kung anu-anong aktibidad.
Dahil dito, agad aniyang pagagalawin ni Rommel Salsona, hepe ng MAP sa isla, ang kaniyang nasasakupang tao para aksiyunan ang reklamong ito.
Ayon pa sa hepe, dapat ay nasa vegetation area lamang ang mga komisyuner at hindi na kailangan mang-harang at mag-harass ng mga turista.
Sa kasalukuyan din aniya, sa Station 1 at 3 lamang umano pinapahintulutan ang mga ito, dahil ipinagbabawal sa ngayon ang mga komisyuner sa Station 2.
Kung maaalala, madalas na lang mga komisyuner na ito ay nirereklamo ng mga resort owner lalo na ng mga turista dahil sa katulad na gawain, na di umano ay nang-i-istorbo sa mga nais mag-relax na bisita sa front beach. #ecm102012
YES THE BEST 911 BORACAY
Friday, October 26, 2012
Dry run ng re-routing para sa pagating ng cruise ship bukas, isasagawa ngayong araw
Ngayong araw ay gagawin na ng dry run para sa ipapatupad na re-routing sa daloy na trapiko sa Boracay.
Ito ay bilang paghahanda sa pagdating ng Caribbean Cruise na Legend of the Seas bukas, ika-27 ng Oktubre.
Ayon kay P/S Inps. Joeffer Cabural, hepe ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ang ipapatupad nila ngayong re-routing ay upang maiwasang bumigat ang daloy ng trapiko bukas kapag dumating na ang mahigit dalawang libong turista na sabay-sabay baba sa Boracay mula sa nasabing barko.
Bunsod nito, magpapakalat na rin ng Pulis, Army, Municipal Auxiliary Police (MAP), Baranggay Tanod, at mga miyembro ng iba’t-ibang Non-Government Organization sa Boracay para sa seguriad ng mga bisitang ito sa isla.
Kaugnay nito, kooperasyon at pag-unawa mula sa mga motorista, lalo na sa mga tricycle driver ang hiling ni Cabural, kasabay ng panawagan ng hepe na sundin ang re-routing na ipapatupad nila para sa maaayos na daloy ng trapiko sa isla simula ngayong araw.
Samantala, dahil sa bagong luklok na hepe pa lamang si Cabural sa Boracay at ito ang kauna-unahang malaking event na kaniyang pangu-ngunahan ang siguridad gaya ng pagdating ng libo-libong turista na sakay ng Cruise ship, para sa hepe ay isang paghamon ito sa kaniya, at naniniwala itong magiging maaayos naman ang lahat.
Pero, sinabi nitong all set na rin ang lahat para sa deployment ng friendly forces ng pamahalaan para bukas. #ecm102012

Thursday, October 25, 2012
Coast Guard Caticlan, ipinaliwanag ang pagkansela sa beyahe ng bangka sa Boracay
Ipinaliwanag ngayon ng Coast Guard Caticlan ang kaugnay madalas na reklamo ng mga turista na-stranded sa Caticlan Jetty Port.
Ito ay dahil sa hindi batid ng mga turistang pumupunta sa Boracay ang sinusunod na alituntunin ng Coast Guard sa pagdideklara na bawal maglayag ang mga bangka patawid ng isla kapag may bagyo.
Nakapaloob din kasi umano sa Memorandum Circular nila na bawal talagang maglayag ang bangka kapag may storm signal sa isang probinsiya.
Ngunit dahil sa konsiderasyon at napalibilang ang islang ito sa Special Areas ng Coast Guard.
Kaya kahit may Storm Signal pa rin sa Aklan at Boracay ngayon, ibinalik umano pansamantala ang biyahe ng bangka gayong kailangan ito at nakita naman nila ang sitwasyon ng mga turista.
Kaya ipinapatupad aniya nila ang “sun rise to sunset” na paglalayag na siyang ali-tuntunin na nakasaad sa Memorandum Order. #ecm102012

Pagkansela sa biyahe ng mga bangka sa Boracay, negatibong tinanggap ng mga turista
Panay reklamo at tanong ng mga dayuhang turista ang naririnig mula sa mga bibig ng mga ito habang nakatengga sa Caticlan Jetty Port Holding Area para maghintay sa pagbabalik ng biyahe ng bangka nitong umaga.
Ganito ang ilang lamang sa mga eksenang naganap sa loob ng Passenger Terminal simula pa kagabi.
Dagdagan pa ng samu’t-saring negatibong reaksiyon mula sa mga turistang ito dahil sa doon na sa Jetty nagpalipas ng gabi.
Kalimitan sa naibulalas ng mga ito ay kung bakit hindi na lamang hinayaang makapaglayag ang mga bangka patawid ng Boracay gayong hindi naman ganon kalakas ang alon at hanggin lalo na ngayong umaga.
Bunsod nito, nang ideklarang pwede naman bumiyahe ang mga bangka patawid ng isla, sa pagod ng mga pasahero, nakipagsiksikan din ang mga ito sa pagsampa ng bangka upang agad na makaalis doon at makapag-pahinga. #ecm102012

Biyahe ng mga Bangka papasok at palabas ng Boracay, hanggang alas-singko lang
Muling nagpaalala ang Coast Guard Caticlan sa lahat ng mga resort owner sa Boracay na hanggang alas singko na lamang ngayong hapon ang biyahe ng bangka.
Gayong din sa ginawang kumpirmasyon ni Caticlan Jetty Port Nieven Maquirang, na hindi na nila hihintayin pa ang alas-sais ng gabi para ipatigil ang biyahe sapagkat sa mga oras na iyon ay madilim na.
Ito ay dahil nasa Storm Signal Number 1 pa rin ang Aklan kasama ang isla ng Boracay kaya para sa kaligtasan ng mga pasahero, pansamantala ay ititigil nila ang biyahe ngayong alas singko.
Dahil dito, payo ni CPO Serafio Trogani ng Coast Guard Caticlan sa mga resort owners na may parating na bisita papuntang Boracay na hangga’t maaari ay huwag na munang patuluyin pa sa Caticlan lalo na ang mula sa Airport sa Kalibo sapagkat nakikita umano nila na ma-stranded lamang ang mga turistang ito sa Caticlan Jetty Port.
Ayon naman kay Mars Bernabe ng Caticlan Jetty Port, inaasahang babalik ang biyahe kapag idineklara na ng PAGASA na wala nang storm signal sa Aklan o sa Boracay. #ecm102012

8 flights sa Boracay/Caticlan Airport, apektado ni Ofel
Walong flights sa Caticlan/Boracay Airport ang apektado ngayon araw, sa nararanasang sama ng panahon sa Boracay ngayon dahil sa Bagyong Ofel.
Anim dito ang biyahe ng airline company na Cebu Pacific na lalapag sana sa nasabing paliparan.
Nabatid mula sa Civil Aviation Authority (CAAP) Caticlan na apat sa flights ng Cebu Pacific simula nitong umaga hanggang ngayon ang na-kansela, habang ang dalawang flights at na divert sa Kalibo Airport.
Maliban dito dalawang biyahe din ng AirPhil na lalapag sana sa Caticlan ngayong umaga ang nakansela din.
Dagdag pa dito, apektado ang pag-alis eroplano sa Caticlan Airport, sapagkat delay din umano ang pagdating ng mga pasahero mula sa Boracay, kaya hindi rin makakapag-boarding ang eroplano. #ecm102012

400 pasahero, standed kagabi sa KIA; biyahe ng eroplano, tuloy pa rin
Sa kabilang ng nararanasan samang panahon dahil sa Bagyong Ofel at nasa dignal number 2 ang buong probinsiya ng Aklan kasama ang isla ng Boarcay, tuloy pa rin ngayon araw ang biyahe ng eroplano sa Kalibo International Airport ayon kay Jenet Menor, Duty Officer sa Civil Aviation Authority (CAAP) Kalibo.
Aniya, simula kahapon hanggang ngayon, isang flight lamang ang naapektuhan sapagkat dapat kahapon ng 6:30 ay lalapag ang isang eroplano ng Cebu Pacific.
Subalit bagamat nasa kalawakan na ito ng Kalibo, bumalik pa ito sa Manila dahil nahirapan sa pag-landing dala ng masamang panahon.
Inihayag din ng Duty Officer na kagabi ay tinatayang 400 pasahero ang na-stranded at doon na lamang nagpalipas gabi sa Terminal ng KIA pagkalapag ng sinasakyang eroplano dahil sa hindi rin umano makatawid papuntang Boracay dahil cancelled ang biyahe ng bangka.
Kaugnay nito, nilinaw naman ni Menor, na kahit may bagyo, ay tuloy pa rin ang biyahe ng eroplano sa KIA.
Anya, ang piloto naman di umano ang nakaka-alam kung ligtas pa ba sa kanila at sa mga pasahero ang bumiyahe sa himpapawid.
Pero sa pagkakataong ito ay desidido pa naman ang mga piloto. #ecm102012

Paliligo sa beach at mga sea sports activities sa Boracay, bawal muna dahil sa Bagyong Ofel
Mahigpit nang ipinapatupad ngayon sa front beach ang pagbabawal sa paliligo pansamantala ngayon araw.
Ito ay dahil nasa ilalim parin ng Storm Signal Number 2 ng bagyong Ofel ang buong probinsiya ng Aklan kasama ang isla ng Boracay na nagdadala ng malakas na hanggin at naglalakihang mga alon sa baybayin.
Bunsod nito, puspusang pagbabantay ngayon ang ginagawa at pagpapatrolya ng Life Guard sa front beach upang pagbawalan muna ang naliligong ito, gayong delikado pa sa ngayon.
Bagamat sumusunod naman ayon sa Life Guard ang iba, hindi pa rin maiiwasang mayroong nagmamatigas at nagpupumilit pa ring maligo.
Pero wala umanong magagawa ang Life Guard kundi ang paahunin ang mga ito mula sa tubig para din sa kanilang kaligtasan.
Nabatid mula kay Life Guard Ortega na sakali umanong mayroong magreklamo dahil sa pina-ahon at pinagbawalang maligo ang mga turista sa isla.
Tumatanggap naman umano sila ng anumang reklamo, gayong nakahanda naman aniya ang supervisor ng Life Guard na magpaliwanag sa mga turistang ito.
Sa kabilang banda, naman hanggang ngayon ay kanselado pa rin ang biyahe ng lahat ng bangka.
Maging ang sea sports activities sa Boracay ay pansamantalang itinigil din.
Samantala, ayon kay CPO Serafio Trogani ng Coast Guard Caticlan, mamayang alas onse ng umaga kapag maglabas na ng panibagong pagtataya ng panahon ang PAGASA at maibaba sa storm Signal # 1 ang Aklan ay posibleng magdesisyon din sila na ibalik na ang biyahe ng mga bangka, depende umano sa sitwasyon. #ecm102012

Mahigit 600 na pasahero, stranded sa Caticlan; 2 bangka tumaob dahil sa bagyong Ofel
Siksikan at stranded ang mga pasaherong tinatayang nasa
animnaraan ngayong umaga sa Caticlan Jetty port sa kasagsagan ng Signal number
2 ng Bagyong Ofel.
Sa anim na daang pasahero, humigit kumulang dalawang daan
dito ay pasahero ng Roll-on-Roll-Off (RORO).
Sa panayam kay Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ng
himpilang ito, simula pa ng alas-kwatro ng hapon kahapon nang idineklarang
kanselado ang biyahe patawid ng Boracay kasama sa inilabas na utos ng
Philippine Coast Guard Caticlan Detachment ay dumami ang na stranded hanggang
ngayong umaga.
Sa lakas naman ng alon buong magdamag, tumaob at nasira ang
pampasaherong bankang “Michael “2 at isang cargo banca habang ang mga ito ay
naka-angkla sa Jetty Port mag a-alas-singko nitong umaga.
Inaasahann naman ngayong umaga na posibleng dumaan ng
Boracay ang bagyong Ofel na may lakas na 65 kph bago ito lumabas kanlurang
bahagi ng Mindoro. #acpsr102012
Wednesday, October 24, 2012
Bagyong Ofel, nananalasa sa Aklan; pag-re-resume ng biyahe ng bangka sa Boracay, depende sa takbo ng panahon
Nakadepende sa takbo ng panahon kung ibabalik na ang biyahe ng mga bangka papunta at palabas ng Boracay, pampasahero at pang-kargo man, ngayong araw.
Ito ang napag-alaman mula kay CPO Serafio Trogani ng Caticlan Coast Guard, kasunod ng pagkanselang ginawa sa beyahe ng mga bangka dahil sa ilalim ng Strom Signal No. 1 ang Aklan sa kasalukuyan.
Aniya, aasahan naman ibabalik ang biyahe kapag natanggal na ang storm signal sa probinsiyang ito.
Kaya payo nito sa lahat ng resort owners sa Boracay, na kung maaari ang mga arrival na guest nila ay doon na lang muna sa Kalibo, sapagkat masa-stranded lang umano ang mga bisitang ito sa Caticlan Jetty Port. #ecm102012

Iskedyul ng mga misa sa Boracay para sa Undas, inilabas na
Mahigit isang linggo bago ang Undas, nagtakda na ng misa ang
Simbahang Katoliko sa Boracay.
Sa inilabas na schedule ng Holy Rosary Parish sa Brgy. Balabag,
tatlong misa ang nakatakda sa a-uno ng Nobyembre para sa All Saints at All
Souls Day.
Ang unang misa na gaganapin sa Lady of the Holy Rosary
Church sa Balabag ay sa alas sais y media ng umaga na nakalaan para sa Pista ng
mga Santo.
Dahil sa ang dalawang huling misa na gaganapin sa dalawang
sementeryo sa Boracay ay nakalaan naman sa Pista ng mga Kaluluwa.
Dito ay nakatakda ding bendisyunan ang mga puntod at nitso
ng mga yumaong mahal sa buhay bilang pag-alala sa mga ito.
Bago basbasan ang mga puntod, isang misa muna ang gagawin sa
sementeryo ng Manoc-manoc sa oras na alas-otso ng umaga.
Pagsapit naman ng alas-tres ng hapon ay may isa pang misa na
gaganapin sa Sinagpa Cemetery. #pnl102012
Karagdagang silid aralan para sa Boracay, hihilingin ng SB sa DepEd
Karagdagang mga silid aralan para sa Boracay National High
School (BNHS) sa Balabag, ang hiling ngayon ng Sangguniang Bayan Malay.
Kaya sinisimulan ng lutuin sa SB ang resolusyon na humihingi
sa pamahalaang nasyonal na dagdagan ang kasalukuyang bilang ng silid aralan
mayroon sa nasabing eskuwelahan, kung saan ay nasa 2nd reading na
ito ng konseho.
Aminado kasi maging ang mga lokal na mambabatas na ito na
kulang talaga sa silid aralan pati sa guro ang BNHS, kaya aapela na lamang umano
ang SB sa Department of Education (DepEd).
Sa resolusyong kanilang ilalatag, hihilingin nila na kung
maaari ay maglaan ng pondo ang DepEd para sa karagdagang silid aralan ng BNHS
upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon para sa mga kabataan dito.
Ito ay sa kabila na rin umano ng pagsisikap sana ng lokal na
pamahalaan ng Malay na madagdagan ang mga silid-aralan dito.
Pero sa nakikita nila ngayon, hindi pa kakayanin ng pondo ng
LGU Malay na magpagawa ng karagdagang silid-aralan.
Kung matatandaan, ang nasabing paaralan ay dumaranas ngayon
ng problema.
Dahil maliban sa dumami ang mga estudyante, kapag umulan pa
ay hindi rin nagagamit ang ilang classrooms doon.
Ito ay dahil pinapasok ito ng tubig-baha na hindi man lang
humuhupa sa dampa, at ngayon ay nagsisilbing tirahan na rin ng isda. #ecm102012
Tuesday, October 23, 2012
Seguridad sa pagdaong ng Cruise ship sa Sabado, kasado na
Sinimulan nang linisin ang front beach ng pinagsanib na puwersa
ng lokal na pamahalaan ng Malay ay Boracay Police kahapon.
Ito ang nabatid mula sa P/S Insp. Jeoffel Cabural, Hepe ng
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa panayam dito.
Kung saan naging abala ang mga ito sa pagpapatupad ng ordinansa
sa Boracay na ipagbawal ang pakalat-kalat na mga paninda sa baybayin lalo na
ang mga kumisyuner na nag-aalok ng kung anong sea sports activities.
Kaya kahapon sa pangunguna ni Island Administrator Glenn
Sacapaño at Cabural sa panig ng Pulisya tinangal at pina-alis na rin ang mga
vendor na nahimpil sa mga lugar na hindi dapat na naroon ang mga ito.
Ito ay bilang paghahanda na rin ng pamahalaan para sa
pagdaong ng Cruise ship na Royal Caribbean Legend of the Seas sa Sabado, ika-27
ng Oktubre.
Inihayag ng Hepe na binigyan na ng lugar ng LGU ang mga
kumisyuner upang hindi na maka-esturbo pa at hindi na rin makalapit sa mga
turista.
Ayon pa kay Cabural, isang buwan na rin ang ginawa nilang paghahanda
para dito kaya umaaasa silang magiging matagumpay ang kanilang operasyon para
sa kaligtasan ng lahat.
Halos lahat na puwersa na aniya ng mga friendly forces ng
pamahalaan gaya ng, Pulis, Army, Navy, Coast Guard, maging ang mga organisasyon
sa lokal na pamahalaan ng Malay, at mga Non-Government Organization sa Boracay at
iba’t ibang grupo na nagbibigay serbisyo sa mga turistang ito ay naki-isa din para
sa siguridad ng lahat.
Aasahan din umanong may mangyaring pagbabago sa ruta ng mga
sasakyan sa isla at ang mga hotel na pupuntahan ng mahigit dalawang libo at
limang daang turista na lulan ng barko ay magkakaroon ng mahigpit na seguridad.
#em102012
Paghahanda sa pagdating ng Cruise ship sa Boracay, all set na
Kasado na ang lahat para sa pagdating sa Boracay ng cruise ship na Royal Caribbean Legend of the Seas sa Sabado, ika-27 ng Oktubre dahil napag-usapan na rin umano ang mga dapat na paghandaan ng Task Force Boracay.
Ayon kay Marz Bernabe, Technical Staff ng Caticlan Jetty Port, ikinasa na ng pamahalaang probinsiya ang siguridad para sa pagdating ng barkong puno ng turista mula sa iba’t ibang bansa na umaabot sa dalawang libong at mahigit limang daang Filipino Crew.
Bagamat ilang oras lamang na mamamalagi sa isla, simula 6:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, ngunit biglaan naman ang buhos ng mga turistang ito sa Boracay.
Kaya nakipag-ugnayan na ang probinsiya sa mga otoridad gaya ng Philippine Army, Police at Coast Guard, maging sa lokal na pamahalaan ng Malay na siyang katuwang, Municipal Auxiliary Police at iba pang organisasyon kasama ang Red Cross.
Inihayag ni Bernabe na ang nabanggit na bilang na ito ng mga turista ay aasahang baba ng barko para mag-ikot sa isla, gayong batay umano sa tie up nilang travel agency, pupunta sa iba’t ibang hotel ang mga sakay ng cruise ship gayon din iikot sa Boracay o mag-a-island hopping.
Aasahan din umano darating sa isla ang pamilya ng may limang daang Filipino Crew ng barko para makita ang mga ito.
Nilinaw din nito na sa pagkaka-alam niya ay dadaong dito sa Boracay ang barko, pero malabo na mayroong papayagang makasampa sa barko na hindi pasahero.
Samantala, dahil sa mag-a-island hopping ang iba sa ito at pabago-bago ang panahon, inataasan na rin umano ang Coast Guard na siyang magdeklara sa ligtas na paglalayag para sa siguridad ng mga turistang ito.
Dagdag pa Bernabe, ang seguridad na kinasa ng probinsiya ngayon sa Boracay ay hindi lamang para sa pagdating ng cruise ship, kundi pati din sa inaasahang pagdagsa ng mga turista ngayong Semestral break na. #em102012

Dog catcher sa Boracay na nireklamo Swiss National, pai-imbestigahan
Pai-imbestigahan umano ni Sangguniang Bayan Member Dante
Pagsugiron, Chairman ng Committee on Agriculture, ang kaugnay sa reklamo ng
dalawang dayuhan laban sa isang dog catcher sa Boracay.
Ayon sa konsehal, bagamat aminado itong may ordinansa sa
isla na nagre-regulate sa mga gumagalang hayop lalo na sa aso para makaiwas sa
sakuna at mapanatili ang kaayusan sa Boracay, naniniwala ito na hindi naman
magagawa ng nirereklamong dog catcher ang pagpatay at pagbenta sa mga aso.
Bagamat sumang-ayon ang nasabing konsehal na dapat ang mga
asong hindi pa nakukuha ng may-ari lalo na yaong delikado sa publiko ay dapat
talagang idispatsa, pero hindi naman umano sana sa ganitong paraan.
Katunayan aniya sa Boracay, may mga nalalaman na rin silang
kapag hindi nakuha ng may ari sa loob ng panahon na itinakda ng ordinansa,
inaampon o ina-adopt ito ng ilang indibidwal para sila na ang umalaga.
Samantala, hinggil naman sa reklamong hindi pinapakian ang
mga asong na huli at hinahayaan lamang sa kulungan ng patrol ng dog catcher, hindi
naman nito masagot kung may pondo talagang inilaan para sa pagkain ng mga asong
ito.
Ngunit ang dapat umano ay pinapakain pa rin ang mga hayop na
gaya ng tao.
Dahil dito, mahalaga pa rin ayon kay Pagsugiron na magkaroon
ng “tag” ang mga alagang hayop sa Boracay, ng sa ganon kapag mahuling gumagala
ay maipagbigay alam agad sa may-ari.
Nag-ugat ang usaping ito makaraang magreklamo sa Pulisya noong
Linggo ang dalawang dayuhan na Swiss National na naninirahan dito sa Boracay na
sina Dr. Landert Chantal at Leneberger Emst laban sa dog catcher na si Junjun
Mendoza dahil sa umano ay pagbibenta at pagpatay nito sa mga asong nahuhuli
nila kapag hindi nakuha ng may-ari. #em102012
Pagpapanatili ng drug-free workplace sa Boracay, responsibilidad ng mga stakeholders
Responsable ang mga stakeholders, lalo na ang mga may
hinahawakang negosyo, dito sa Boracay na tiyaking mayroon silang drug-free
workplace.
Ipinaliwanag din ng opisyal ng ahensya na maraming hindi magandang maidudulot ang drug addiction sa isang workplace tulad ng palagiang pag-liban sa trabaho, mababang perfomance at productivity, pati na rin ang posibilidad na gumawa ng krimen sa pinagtatrabahuhan, tulad ng pagnanakaw sa kompanya, upang matustusan ang bisyo.
Ito ang ihinayag ni Gen. Pedrito Magsino ng Philippine Drug
Enforcement Agency Regional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa
isinagawang dalawang araw na Information and Education Campaign on Drug
Awareness and Prevention na ginanap noong ika-labingsiyam hanggang dalawampu ng
Oktubre, taong kasalukuyan dito sa isla ng Boracay.
Ayon sa opisyal, nakasaad umano sa Sec. 48 ng Republic Act
9165, o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, na dapat na i-promote ang
drug free workplaces sa pamamagitan ng pagpapatupad ng drug abuse prevention
program ng mga pribadong kumpanya na may sampu o higit pang empleyado.
Ito ay sa pakikipag-tulungan na rin ng Department of Labor
and Employment (DOLE) at ng Dangerous Drugs Broard.
Anya, dapat din na magkaroon ng karatula ang isang
establishimiyento na may nakalagay na "This is a drug-free workplace.
Let's keep it this way."
Dapat ay magkaroon din ng random drug testing sa mga
empleyado.
Ipinaliwanag din ng opisyal ng ahensya na maraming hindi magandang maidudulot ang drug addiction sa isang workplace tulad ng palagiang pag-liban sa trabaho, mababang perfomance at productivity, pati na rin ang posibilidad na gumawa ng krimen sa pinagtatrabahuhan, tulad ng pagnanakaw sa kompanya, upang matustusan ang bisyo.
Sinabi din ng opisyal na nasa polisya umano ng gobyerno na
maipatupad ito ng mga private businesses.
Kaugnay nito, binigyang-diin ni Magsino na dapat ay
maipatupad ito sa Boracay upang mapangalagaan ang isla mula sa iligal na droga,
kasabay ng kanynag panawagan na sana ay magtulungan ang lahat upang manatiling
drug-free ang Boracay. #pnl102012
Nakawan sa Boracay, pangunahing krimen na naitala nitong nagdaang buwan
Gaya ng inaasahan, nanatiling pagnanakaw pa rin ang pangunahing krimen sa naitalang kaso nitong nagdaang buwan ng Setyembre sa isla ng Boracay.
Sa record ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC, numero uno pa rin ang kaso ng nakawan, kung saan simula ika-21 ng Agosto hanggang nitong nagdaang ika-20 ng Setyembre ay nakapagtala ng sampung kaso at sinundan ng kasong panloloob na umabot naman sa anim.
Ikatlo sa listahan ang kaso ng pananakit batay sa naitala ng BTAC na index crime.
Sa kabila ng mga kasong naitala na ito, sa assessment ng pulisya, maituturig parin na generally peaceful ang Boracay. #ecm102012

“Night swimming” sa Boracay, hindi bawal!
Hindi bawal ang paliligo sa dagat kapag gabi o mag-night
swimming.
Ito ang inihayag ni Miguel Labatiao, Supervisor ng Lifeguard
sa Boracay, sa isang eksklusibong panayam, kung saan nilinaw nito na hindi nila
ipinagbabawal ang paliligo sa gabi sa baybayin ng isla.
Maliban na lang umano kung mataas na talaga ang alon at
lubhang delikado na sa publiko na maligo, kaya pinagsasabihan ang mga ito ng
mga pulis, ang mga naka-duty na Municipal Auxiliary Police sa gabi at lalo na
ang mga resort staff para na rin sa kanilang kaligtasan.
Ang labas umano doon ay “swim at your own risk” kapag
pinilit pa talaga nilang maligo, kahit napagsabihan na.
Gayon pa man, hinahanapan na umano nila ngayon ng paraan
para maiwasan ang pagkalunod sa gabi man o araw.
Bagama’t kakaunti lamang ang insidente na naitala kapag
gabi, hindi naman umano nila ito minamaliit ayon kay Labatiao.
Sa halip ay gagawa na umano nila ng mga babala o signage na “No
Swimming” kapag masama ang panahon na siyag ikakalat nila sa baybayin para
mabigyang paalala ang mga turista.
Samantala, gayong inaasahang madaragdagan na ang mga
lifeguard sa Boracay, pinag-aaralan na umano ng lokal na pamahalaan ng Malay
kung gagawin nilang 24/7 ang duty ng mga life saver na ito, dahil madalang
lamang umano ang naliligo sa gabi, pero yaong mga lasing naman, ayon sa
supervisor. #ecm102012
Maingat na paggamit ng kandila, paalala ng BFP sa publiko
Mag-ingat sa paggamit ng kandila ang isa sa layunin sa
gagawing kampaniya ng mga bombero sa Boracay ngayong nalalapit na ang Undas.
Kaya kung maaari umano ay ilayo sa mga kurtina at huwag
hayaang nakapatong lamang sa lamesa ang may sinding kandila para iwas sunog.
Ito ang kalimitang instraksyon umano nila sa mga pamayanan
na gumagamit ng kandila lalo na ngayong Undas ayon kay SF01 Edgardo Imason,
Chief Operation Operation ng Bureau of Fire Boracay.
Aniya, ang nakasinding kandila kapag natumba sa mga light
materials, inihipan ng hangin ang kurtina at napunta sa nakasinding kandila ay
siyang madalas na pinagmumulan ng sunog.
Samantala, pagdating naman sa mga sementeryo, binabantayan
at pinagbabawalan rin aniya nila na magtirik ng kandila ang isang indibidwal sa
mga lugar kung saan may mga tuyong dahon para maiwasan din ang grass fire.
Kaya ikakasa na rin umano nila ang awareness sa publiko sa
paraan ng pagbibigay paalala sa mga ito ng mga dapat at hindi dapat gawin para
makaiwas sa sunog.
Maliban dito, aasahang naka red-alert, magiging visible at
mag-iinspeksyon din sila para mabantayan ang siguridad ng publiko laban sa
sakuna dala ng selebrasyon.
Sa gagawin nilang operasyon ngayong Undas ay magiging
katuwang umano nila ang Philippine National Red Cross. #ecm102012
Resibo, hindi mabibili sa mga bangketa --- BIR Aklan
Mariing inihayag ni Bureau of Internal Revenue Aklan OIC
Ricardo Osorio na ang mga resibo ay hindi puwede mabili sa mga bangketa lamang,
dahil kailangang otorisado talaga ito ng kawanihan.
Maituturing umanong peke ang resibo na ibinibigay sa tuwing
magkaroon ng transaksyon o bibili ang isang indibidwal kung walang serial
number at gawa sa bangketa na hindi awtorisado ng BIR ang nag-imprenta.
Ayon kay Osorio, pananagutin nila ang mga bangketang
nagbi-benta ng resibo na hindi awtorisado lalo na kapag may magreklamo sa
kanilang nag-isyu ng pekeng resibo, ay agad umanong pa-iimbistigahan ito.
Kapag gumamit umano ng pekeng resibo, nangangahulugan lamang
na pandaraya iyon at hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Samantala, sa mga mahuhuli umanong tax payer na gumagawa
nito ay ipapataw aniya ng kawanihan ang pinalidad na nararapat sa kanila.
Inihayag din ni Osorio na hindi lamang mula sa bayan ng
Kalibo sila nakakatanggap ng reklamo na hindi nagbibigay ng resibo ang isang
establisemyento, kundi mayroon na rin sa Boracay, bagay na iniimbistigahan na
rin nila sa ngayon. #ecm102012
Monday, October 22, 2012
Crew ng BIHA kailangan nang mag-SOLAS at magkaroon ng Seaman’s book
Tinaasan na ngayon ang standard at requirements upang maging crew o tripulante ng bangka sa Boracay lalo na sa island hopping.
Ito ay dahil isasailalim na ang mga ito sa training na Safety of Life at Sea o SOLAS, at kailangang magkaroon na rin ng Seaman’s book ang mga ito bago payagang maging kapitan o crew ng bangka.
Ito ang nabatid mula kay SB Member Jupiter Gallenero sa Joint Committe Hearing kamakailan lang, gayong aminado ang SB na karamihan sa mga tripulante ay hindi pa talaga nasanay kung ano ang dapat gawin sa oras ng emerhensiya.
Noong Biyernes, ika-19 ng Oktubre, ay tuloy na ang gagawing pagsasanay o training ng may pitumpong tripulante ng Boracay lalo na sa Island Hopping Association sa siuydad ng Iloilo, ayon kay Rey Fernando, operations manager ng nasabing asosasyon.
Ito ay makaraang hilingin ng Maritime Authority o MARINA sa BIHA na ipasanay ang kanilang crew para na rin sa kaligtasan ng mga turistang kalimitang binibigyan nila ng serbisyo.
Ganunpaman, kahit pitumpong empleyado ng BIHA ang tutungo sa Iloilo para magsanay bukas, nilinaw ni Fernando na hindi naman maaapektuhan ang operasyon nila, dahil may mga matitira pa namang mga crew sila.
Ito ay dahil ang ipinadala lamang aniya nila doon para sa tatlong araw na pagsasanay ay yaong mga walang lisensya.
Subali’t bilang reaksyon naman kaugnay dito ni Vice Mayor Ceciron Cawaling, hindi umano sapat ang tatlong araw na basic training na ito para sa mga tripulante upang masiguro ang kaligtasan ng mga sakay ng bangka.
Kundi dapat aniya ay mayroon talaga aktuwal at mahabang pagsasanay sa mga ito.
Kung maaalala ngayong taon ay ilang beses na rin nagkaroon ng sakuna na kinasangkutan ng Island Hopping na kumitil sa buhay ng mga turista at maging ng kapitan ng bangka.

Life Guard Boracay at Coast Guard, nakapagpaliwanag na sa sunod-sunod na sakuna
Nakapagpaliwanag na ang Coast Guard at Life Guard sa
Sangguniang Bayan kahapon kaugnay sa nangyaring sakuna noong ika-tatlo ng
Oktubre.
Sa nasabing buwan, magkasunod ang nangyaring pagkalunod sa
front beach at pagtaob ng bangka na kumitil sa buhay ng anim na katao sa iisang
araw lamang.
Sa ginawang Joint Committee Hearing ng Committee on Law and
Ordinance, Tourism at Public Safety and Order, sinabi ng Supervisor ng Life
Guard na si Miguel Labatiao na bago paman nangyari ang pagkalunod ng mga
turistang estudyante mula Manila ay nabigyang paalala na ang mga ito na bawal
maligo.
Pero sumirit pa rin umano ito sa dagat sa kabila ng
naglalakihang alon.
Sa ginawang paliwanag naman ng Coast Guard, inihayag ni PO 1st
Pedro Taganos ng Coast Guard Caticlan na bago paman ang insidente ay nagawa na
nilang ikansela ang paglalayag ng mga bangka sa Tabon.
Dahil na kita nila ang sitwasyon ng langit na nagbabanta ang
masamang panahon, bagay na hindi umano siguro napuna ng tripulante ng bangkang
tumaob.
Batay din umano isinigawa nilang imbestigasyon, nagpanic ang
mga Taiwanese national na sakay at nagkumpulan sa isang sulok lamang particular
sa dulo ng bangka, kaya nawala sa balanse at sumumsob ang naturang sasakyang pandagat.
Nakita naman na pawang sakuna ang nangyari, dala ng masamang
panahon.
Bunsod nito, naging topiko din kahapon kung sino ang dagat
na magdeklara na bawal na ang maligo sa front beach o maglayag ang mga bangka
at magkakansela ng sea sports activities kapag walang bagyo pero masama ang
panahon.
Ininguso naman ni Vice Mayor Ceceron Cawaling ang
responsibilidad sa Punong Ehekutibo na siyang dapat gumawa nito sa paraan ng
executive order. #ecm102012
Malay, kayang bumili ng equipment pang rescue kung creativity lamang ang pairailin
Reputasyon ng Boracay bilang “safe destination” ay hindi
lamang nakasalalay ang responsibilidad sa lokal na pamahalaan ng Malay, kundi
sa lahat ng ahensiya at grupo na may malaking kontribusyon sa kaligtasan at
siguridad ng mga turista dito.
Kaya ipinatawag ng Sangguniang Bayan ang Life Guard, Boracay
Island Hopping Association (BIHA) at Coast Guard sa isinagawang Joint Committee
Hearing kahapon ng tatlong kumitiba na pinangunahan ni SB Rowen Aguirre,
Chairman ng Committee on Law and Ordinance, at tumatayong Chairman na
pinagpaliwanag ng Committee on Laws, Tourism at Public Safety and Order.
Ito ay kaugnay sa nangyaring pagkalunod ng mga estudyanteng
turista noong ika, ikatlo ng Oktubre at pagtaob ng bangkang sinasakyan ng mga
Taiwanese national kinahapunan.
Pero, nilinaw ni Aguirre na ang pagpapatawag nila sa mga ito
kasama ang Municipal Auxiliary Police (MAP), ay hindi para alamin kung sino ang
may sala sa nangyaring mga sakuna na resulta sa pagkamatay ng ilang turista.
Ang nais lamang umano nila ay malaman kung ano ang mga
kulang sa araw-araw na operasyon ng mga nabanggit upang magawan ng paraan na
kung hindi man lubusang maiwasan ang sakuna kahit papaano ay mabawasan ang
casualty, gayong wala naman may gusto na mangyari ang ganito.
Kaugnay nito, inimbentaryo na rin ng mga kumitiba ang mga
gamit o asset ng ahensiya at grupong ito upang mapaghanadaan aniya ng LGU, kung
ano pa ang dapat na batas at procedure upang hindi na maulit pa ang naturang
pangyayari.
Bagamat ang mga problema ukol sa kakulangan ng gamit na ito
ay matagal na at nahiling na rin na magkaroon nito sa LGU noon paman.
Inihayag ni Agguire na may mga pera naman ang LGU na pwedeng
mapagkukunan ng pambili ng mga gamit na ito.
Kaya maisasakatuparan na ito ngayon dahil may mapagkukunan
naman ng budget kung pairalin lamang ang creativity o makamalikhain sa
pag-gamit ng pondo. #ecm102012
Estado ni Gov. Marquez at Kasangga Party List, nakalutang pa
Nanatiling nakalutang parin ang estado ng Kasangga Party
List nakaraang maghain ng petisyon si Fr. Jo Dizon ng Kontra Daya laban sa
political party na ito noong Setyembre.
Nilalaman ng petisyon ay “Complaint for the Cancellation of
the Registration of Kasangga Party List”.
Kasabay nito, gayong si Aklan Governor Carlito Marquez ang
ipinalit kay Cong. Teodorico Haresco na siyang kumakataawan dito ngayon, tila
nakalutang na rin ngayon ang estado ni Marquez sakaling panigan ang grupo ni
Dizon ng Comelec na ibasura o tanggalin na rin sa listahan ng Party List ang
Kasangga.
Bagamat sa kasalukuyan ay 13 na sa mga Party List ang
na-diskwalipika ng Comelec batay sa listahan na ipinalabas noong ika-10 ng
Oktubre at hindi kabilang doon ang Kasangga.
Samantala, nasa "full swing" na ang ginagawang
review process ng poll body sa partylist groups at posible umanong abutin nang
mahigit isang daang partylist organizations ang ma-disqualify para tumakbo sa
2013 midterm elections ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes.
Bagay na hindi pa malaman sa ngayon kung kabilang doon ang
Kasangga.
Pero, anumang araw ngayong linggo ay posibleng maianunsyo na
ng Commission on Elections (Comelec) ang karagdagang tatlongpung disqualified
partylist organizations.
Kung matatandaan hiniling ng grupo ni Dizon na ibasura o
tanggalin na sa listahan ang Kasangga dahil sa kinasasangkutang kontrobersiya
ng kumakatawan dito at umano ay inabuso ang party list system dahil sa mayaman
naman kagaya ni Haresco ang kumatawan dito sa grupong ito. #ecm102012
Subscribe to:
Posts (Atom)