YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 20, 2016

Half mass sa lahat ng tanggapan sa probinsya ngayong Lunes, alay para sa yumaong si Masangya

Posted February 20, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for Philippine half massHinimok ngayon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang lahat ng mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor sa probinsya ng Aklan na magsagawa ng half-mass sa darating na February 22, 2016.

Ito’y kaugnayan sa isasagawang interment ni Teody Masangya Sr. para sa pagkilala sa kanya bilang dating kagawad at Punong Brgy. ng Mataphaw, New Washington Aklan, Municipal Federation President ng Brgy.
Captains, Ex- officio ng Sangguniang Bayan member ng New Washington Aklan at 2007- 2010 Provincial Federation President at Ex-officio member ng 14th Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Ito umanong half-mass ay simbolo ng pasasalamat at pamamaalam sa dating miyembro ng 14th Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan na sponsor ni Hon. Stephen Bolivar na sinang-ayunan ng buong SP Aklan members.

Lalaki huli sa paglabag sa Comelec Gun Ban sa Numancia Aklan

Posted February 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for arestadoArestado ang isang lalaki sa paglabag sa Comelec gun ban matapos mahulihan ng kutsilyo at mambanta sa isang mag-anak sa Brgy. Badio, Numancia, Aklan kagabi.

Nakilala ang naarestong si Randy Sogulon y Castillo, 32-anyos at residente ng Brgy.Marianos, ng nasabi ring bayan.

Ayon kay P03 Nida Gregas ng APPO, nagreklamo umano si Violeta Sarabia, 66-anyos sa Numancia MPS matapos silang sugurin ni Randy sa kanilang bahay at hinahanap ang kanyang anak na lalaki.

Maliban dito tinakot umano sila ng suspek na babalik ito at uubusin niya sa kanila ang isang magazine ng baril kung saan nagresulta naman ito ng takot sa pamilya.

Agad namang pinuntahan ng mga pulis ang lugar at doon ay mabilis nilang nahuli ang suspek na si Randy kung saan nakuha sa kanya ang kutsilyo na may habang walong pulgada.

Sa ngayon ang suspek ay naka-kulong na sa Numancia MPS habang inaantay ang itinakdang kaso sa paglabag sa Comelec Gun ban at sa pananakot sa mga biktima.

Daungan ng mga bangka sa Boracay kulang umano sa dredging ayon kay Sen. Poe

Posted February 20, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naka-abot kay Presidential candidate Sen. Grace Poe ang problema sa mga daungan sa isla ng Boracay sa ginanap na press conference nitong Miyerkules sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa Senadora, kulang umano sa dredging ang mga pantalan sa isla na kinabibilangan ng  Cagban at Caticlan Jetty Port.

Sinabi nito na overnight na nag-aantay ang mga pasahero sa pantalan dahil sa hindi makadaong ang mga bangka.

Ipinunto pa ni Poe na dapat ang Local Government ang mag-ayos nito kahit na may share sa kita ang probinsya para mas madali ang pagbiyahe ng mga bangka at walang antayan.

Dagdag pa nito na kailangang ma-expand ang pagkakataon ng turismo sa Aklan dahil sa ang airport umano ay masyado ng barado kung saan kailangan ng magdagdag ng isa pang run-way at terminal para sa mga pumupuntang bakasyunista sa probinsya.

Samantala, matapos ng nasabing conference ay nagkaroon naman ang Poe-Escudero tandem ng close door meeting sa Aklan supporters sa pangunguna ni Carlito Marquez na tumatakbong gobernador, Mayor William Lachica at ni Rodson Mayor na sinundan naman ng ribbon cutting ng kanilang headquarters sa Kalibo.

Lalaki, nag-reklamo matapos hampasin at saksakin ng kahoy

Posted February 20, 2016
Ni Inna Carol l. Zambrona,YES FM Boracay

Image result for police blotterSugatan ang isang lalaking nag-sumbong sa Boracay PNP matapos umano itong hampasin at saksakin ng kahoy sa harapan ng isang clinic sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Sumbong ng biktimang si Jocel Israel 41-anyos sa mga pulis, nasa harapan umano ito ng isang clinic sa lugar ng pinuntahan ito ng suspek na si Renante Bernaldo.

Wala umanong kadahi-dahilan ay hinampas nito ng kahoy ang ulo ng biktima at hindi pa ito nakuntento ay sinaksak siya nito ng dalawang beses sa kaliwang tuhod na nagresulta naman ng sugat sa kanya.

Sa ngayon ay naka refer na ang kaso sa Brgy. Justice System ng Balabag habang pinag-hahanap pa ang suspek na tumakas pagkatapos ng insidenti.

Friday, February 19, 2016

Deadline para sa Business Permit sa Malay hanggang bukas nalang

Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for deadlineBukas na ang itinakdang deadline ng Local Government Unit ng Malay para sa Business Permit ngayong taon Pebrero 20, 2016.

Dahil dito, ang tanggapan ng Treasurers Office ng Malay ay bukas ngayong araw ng Sabado simula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon para sa mga magbabayad.

Ayon kay Alecia Manlabao ng Treasurers Office, mago-overtime sila para mapagsilbihan ang mga magbabayad bukas.

Nabatid na dapat noong Enero pa ang deadline ng naturang permit ngunit hiniling ito sa Sangguniang Bayan ng Malay na e-extend ito hanggang Pebrero 20, 2016.

Samantala, ang hindi nakahabol sa mga business permit sa itinakdang deadline at hindi nakapagbayad sa Treasurers Office ay mahaharap naman sa penalidad.

Mooring at docking sa Boracay at Malay pinagsama bilang omnibus ordinance

Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for public hearingPinagsama na bilang omnibus ordinance ang mga nakaraang ordinansa ng mooring at docking sa Boracay at mainland Malay sa ginanap na Public Hearing kahapon.

Ito ay pinangunahan ng sponsor ng nasabing ordinance na si Liga President at Manoc-manoc Brgy. Captain Abram Sualog.

Sa nasabing hearing ay kinuha naman ang mga suggestion ng mga concern agencies na kinabibilangan ng BIHA, Coastguard, Paraw at iba pang waters association sa Boracay at Malay.

Kabilang naman sa mga pinag-usapan ay ang entry point at cargo point ng lahat ng sasakyang pandagat sa mga nasabing lugar.

Nabatid na ang nasabing ordinansa ay nagkaroon ng conflict sa Provincial ordinance ngunit disido parin si Sualog na ibahin at ipagsama bilang isa ang mga nakaraang ordinansa  dahil pasok naman umano ito sa Malay waters.

Lalaking wanted sa kasong act of lasciviousness arestado sa Ibajay Aklan

Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for posasHindi na nakapalag pa ang isang lalaking wanted sa kasong act of lasciviousness makaraang mahuli sa “Lambat  Sibat” ng mga pulis sa Ibajay Aklan.

Naaretso ang suspek na si Rodel Cambarihan, 43-anyos ng Aquino Ibajay, sa pinasamang pwersa ng Ibajay MPS sa pangunguna ni SPO4 Wenceslao Suela at sa ilalim ng supervision ni PINSP Syril Punzalan.

Nabatid na ang suspek ay may piyansang P12, 000 na inisyu ni Hon. Bievenido Barrios, RTC 6 Branch 3 na may petsang Enero 29, 2016.

Ang suspek ay agad na dinala sa Rural Health Unit 2 para sa medical examination at pakatapos nito ay agad namang ikinustudiya sa Ibajay MPS para sa karampatang disposisyon.

Lalaki patay matapos makuryente sa Public Plaza ng Tangalan

Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for nakuryenteAgad na binawian ng hiram na buhay ang isang lalaki matapos na makuryente sa Tangalan Public Plaza kaninang alas-dose ng hating gabi.

Sa report ni P03 Nida Gregas ng APPO, kinilala ang biktimang si Tulog Cacatian y Tenoso ng Dungon East Numancia, Aklan.

Ayon kay Gregas, alas-11:30 kagabi ng magpunta sa nasabing plaza ang biktima para sana magpahinga matapos uminom ang alak.

Nabatid na aksidente umanong humiga sa kongkretong bakal ang biktima sa may lamp post ng rizal park para makapagpahinga kung saan aksidente nitong nahawakan ang live wire na hindi naka taped sa loob ng electric junction box na nagresulta naman ng electrocution.

Ang biktima ay diniklarang patay ni Dr. Summer Fuentes ng Tangalan Rural Health Unit matapos ang isinagawang eksaminasyon sa biktima.

DILG Aklan may nakalaan ng pondo para sa Kalsada program

Posted February 19, 2016
Ni Inna Carol Zambrona, YES FM Boracay

Image result for budgetSinang-ayunan na ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan ang kahilingan ni Governor Florencio Miraflores at Provincial Treasurer na Si Suzette Pioquid sa kanilang kahilingan.

Ito’y matapos ang urgent passage resolution ni Miraflores sa Panlalawigan na magbukas ng bagong account para sa proyekto ng DILG na tinawag na “Konkreto at ayos na Lansangan at Daan Tungo sa Pangkalahatang Kaunlaran (KALSADA) Program.

Nabatid na sinag-ayunan ito ng mga SP members sa ginanap na 6th Regular SP Session kahapon araw ng Miyerkules.

Ang programang ito ng Department of Interior and Local Government ay inaasahang magbubukas ng madaming trabaho at magbibigay ng maayos na daan para sa kaunlaraan.

Baklas campaign materials ng DENR-Aklan tuloy-tuloy parin

Posted February 19, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for campaign materialsHindi umano titigil ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Aklan sa pagbabaklas ng mga campaign materials na ipinapako sa mga punong kahoy.

Ito ang sinabi ni Arene Ruben, Forester 2 at Public Information ng DENR Aklan sa himpilang ito.

Ayon kay Ruben tuwing araw umano ng Biyernes ay umaarangkada ang kanilang grupo simula pa noong Enero para baklasin ang mga campaign at advertisement materials na nakapako sa mga punong kahoy sa gilid ng kalsada, Plaza at Paaralan na isa sa mga pampublikong lugar.

Dahil dito, nag-paalala naman si Ruben sa mga tumatakbong kandidato na bawal umanong maglagay ng kanilang mga campaign materials sa mga puno lalo na ang mga lumalaki palang na kahoy dahil isa umano itong paglabag sa batas pangkalikasan.

Sinabi pa nito na ang sino mang lalabag sa nasabing kauutusan ay isusumbong nila sa Comelec kung saan sila naman ang magbibigay ng natatamang penalidad.

Samantala, marami na rin umano ang mga nabaklas na materyales ng DENR kung saan ini-refer na nila ito sa Comelec at nakatakda na ring bigyan ng karampatang aksyon.

Wanted sa kasong murder, arestado

Posted February 19, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for murderArestado ang isang lalaking wanted sa kasong murder matapos itong mahuli sa Sitio Tambisaan, Brgy. Manoc-manoc, Boracay kahapon.

Sa pinag-samang pwersa ng APPSC at APPO tracker team sa pangunguna ni PI Angelito De Jose kasama ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) PSI Nilo Morallos at CIDG Aklan PCI John Paul Tovera ay nahuli ang suspek na si Roberto Pelayo 64-anyos residente ng Sitio Malabunot, Brgy. Manoc-manoc.

Napag-alaman na ang suspek ay may criminal case number 3830 o kasong pagpatay kung saan wala namang inirekomendang piyansa para sa nahuling suspek.

Sa ngayon, ang suspek ay iki-nustudiya na sa Boracay PNP para sa karampatang disposisyon.

Thursday, February 18, 2016

Poe-Escudero tandem umarangkada sa Region 6

Posted February 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Unang lumanding ang Poe-Escudero tandem sa siyudad ng Iloilo City para sa pangangampanya sa darating na eleksyon nitong Martes.

Ginanap ang rally sa Jaro City kung saan dinaluhan naman ito ng libo-libo nilang supporters kasama ang iba pa nilang kapartido at supporters sa Iloilo.

Sumunod na araw ay rumatsada naman ang dalawa sa kalapit na probinsya ng Aklan kung saan game na game ang tandem sa kanilang mga radio station guesting at sinundan naman ang pangangampanya ng kapareho ring araw sa siyudad ng Capiz na ginanap sa CAP Auditorium. 

Napag-alaman na tinanggihihan ng mga paaralan sa Roxas City na mangampanya ang grupo kung saan ito ang itinuturing na balwarte ng mahigpit na katunggaling si Mar Roxas at ng LP.

Nabatid na ang Poe-Chiz tandem ay sinalubong nina former Governor Carlito Marquez at Kalibo Mayor William Lachica kung saan pagkatapos ng kanilang close-door meeting ay sinundan naman ito ng pagpapasinaya sa kanilang headquarters sa bayan ng Kalibo.

Samantala, sumunod na nangampanya si Senatorial Candidate Isko Moreno sa bayan ng Altavas at Balete at sa iba pang kalapit na lugar sa probinsya.

BIR-Aklan may panawagan sa publiko kaugnay sa filing ng 2015 Income Tax Returns

Posted February 18, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for BIR aklanNanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa publiko sa probinsya ng Aklan na maagang mag-file ng kanilang 2015 income tax returns.

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Aklan, ito’y upang maiwasan ang sabay-sabay na filing ng ITR sa itinakdang deadline sa Abril 15.

Maliban dito dapat ay maging maaga ang kanilang pag-file para maiwasan ang malaking penalidad na itinakda ng ahensya.

Nabatid na nagkaroon ng problema noong nakaraang taon ang nasabing ahensya dahil sa nasirang computer system kung saan halos ng sabay-sabay ang mga nag-file ng ITR.

Paalala pa ng BIR sa mga taxpayer na tiyakin ang pinakabagong e-BIR-forms at electronic filing and payment system ang kanilang gagamitin.