YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, October 08, 2012

Mayor John Yap at SB Member Wilbec Gelito, walang makakalaban sa 2013 Midterm elections:17 kandidato sa pagka- SB Member

Ano na? Sino ang makakalaban niya? Kakandidato ba siya? O di kaya’y kakandidato ba siyang muli?

Ilan lamang ito sa mga bulong-bulungan at lumaganap na mga katanungan tungkol sa mga kakandidato sa 2013 Midterm Elections sa bayan ng Malay nitong nagdaang mga araw.

Ang mga nabanggit namang mga katanungan ay mabilis na nasagot, pagpatak ng alas singko kahapon ng hapon, matapos ilabas sa media ni Malay Election Officer Elma Cahilig ang pangalan ng mga kakandidato.

Maging ang ilang mga taga munisipyo ay nagkaroon ng iba’t-ibang reaksyon nang makumpirma mula sa COMELEC na walang makakalaban sa pagka-alkalde si Mayor John Yap.

Panatag din ang ilan sa mga taga suporta ni SB Member Wilbec Gelito, nang mabatid na wala rin itong makakatunggali sa pagka-bise alkalde.

Samantala, inaasahang magka-kanya namang diskarte sa pangangampanya ang nasa labimpitong kakandidato bilang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Tatlo rito ang sa ilalim ng political party na UNA o United Nationalist Alliance na si dating vice mayor Frolibar “Fromy” Bautista, Edwin Martin, at Ralf Tolosa.

Pinili naman nina Rowen Aguirre, Antonio Cahilig Jr., Manuel Delos Reyes, Danilo Delos Santos, Jupiter Gallenero, Leal Borreros Gelito, at Paterno SacapaƱo na sumilong sa ilalim ng Liberal Party.

Sa kabilang daku, minarapat namang maging independente o walang partido nina Jonathan Cabrera, Roldan Casidsid, Felicito Lumbo Jr.,Edwin Pelayo, Robert Tumaob, at Dionisio Tupas Jr.

Tanging si Natalie “Nat-nat” Cawaling-Paderes naman na tatakbo din sa pagka SB Member ang solong sumailalim sa Nationalista Party.

Kumpirmado ring si John Yap ay sa partidong liberal, habang si Wilbec Gelito ay sa sala ng Nationalista Party. | ap102012

No comments:

Post a Comment