Inna Carol L.
Zambrona, YES THE BEST BORACAY NEWS DEPARTMENT
Deactivated na ang Metro Boracay Police Task Force o
MBPTF kasabay ng pagka-releive ni PSUPT Ryan Manongdo.
Ani Manongdo, nitong Lunes ay inisyuhan na ng order ng
PRO-6 na i-deactivate na ang MBPTF kung saan bumalik na ito sa 2nd Aklan
Provincial Mobile Force Campany.
Ayon sa kanya hindi na umano kailangan ang MBPTF kaya
ibinalik na ito sa probinsya na ngayon naman ay pinamumunuan ni Police Lt. Col.
Robert Petate habang ang Boracay ay under sa Malay PNP.
Kaugnay nito, kahit wala na si Manongdo sa isla ng
Boracay ay ipinagmamalaki naman nito ang kaniyang accomplishments lalo na sa
panahon ng closure.
Aniya, wala umanong mga malalaking insidente at
karahasang nangyari kahit na nagpatupad ito ng ilang demolition sa mga
establisyementong nakitaan ng paglabag.
Kung maaalala, isa sa mga naging inisyatibo ni Manongdo
ay ang Project BESST o Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics katuwang
ang Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group na layuning ideklara
na “Discipline Zone” ang Boracay.
Samantala, si Manongdo ay itinalaga sa bago nitong
assignment sa Negros Island.